Meow 4

511 19 1
                                    

"MR. CABALLERO, will you stop ringing that bell!"

"Yes, sir." Mabilis na pagtalima ni Paolo at hindi na ginalaw pa ang bag niya kung saan nakakabit ang cat bell na alam niyang gustong-gusto ni Orange. At sigurado siyang madaling maririnig ng dalaga iyon at malamang ay nagkukumahog pang hanapin ang tunog niyon.

Ngunit lumipas na ang time ng professor nila para i-admit bilang late lang sa klase ang dadating, wala pa rin si Orange. At naitanong din niya sa sarili, bakit ba niya inaabala ang sarili kung dumating man o hindi sa klase nila si Orange?

Bakit nga ba, Paolo? She's just another woman, another friend. Bakit inaabala mo pa ang sarili mo? At higit sa lahat, malaki na siya.

"Pero naliligaw pa rin," marahan na lang naitampal ni Paolo ang kamay sa ulo.

"Mr. Caballero, may problema ba?" puna uli nang professor niya. "seems like you have a problem back there. Want me to help you? O gusto mo yatang lumabas sa klase ko?"

"Sorry, sir." Hingi uli niya ng paumanhin at itinutok na ang paningin sa blackboard. Hindi naman niya maiwasang lumingon sa labas ng classroom at umaasa pa ring dadating si Orange.

At hayan ka na naman. Napagalitan ka na, ayaw mo pa ring tumigil.

I just can't stop waiting! Frustrated na ring sagot niya sa tinig sa isip niya. Kahit ano kasing pigil niya na huwag hintayin si Orange, hayun at bumabalik-balik pa din ang tingin sa pintuan na nasa tabi lang niya.

Alam niyang malaki na si Orange at dapat ay kaya na ng dalaga ang sarili nito ngunit hindi. Para itong bata sa pandalagang katawan. Naliligaw at tila laging lutang ang isip. And speaking of lutang ang isip, baka may nakita na naman itong pusa na paga-gala sa unibersidad nila at baka sinundan na naman iyon.

Tulad nang minsang kinaladkad siya bigla ni Orange upang habulin ang kulay orange na pusa na nakita nito. At nai-imagine na niya kung ano ang maaaring ginagawa ng dalaga ngayon.

Kundi naliligaw, naghahabol ng pusa. Napabuntong hininga na lang siya at mabilis na napatingin sa propesor nila. At muli siyang nakahinga ng malalim nang hindi siya mapansin ng propesor. Nasaan ka na ba kasi, Orange?

Muntik na namang tampalin ni Paolo ang noo niya buti at napigilan niya. Hindi nga lang napigilang kalansingin ang bell sa bag niya at doon na nga siya tuluyang napansin ng propesor niya. At isang tingin lang niya sa nakapameywang at masama ang tingin na propesor niya, alam na niya kung ano ang gagawin niya.

"Sabi ko nga, sir, lalabas na ako," tatawa-tawa ngunit nakangiwi naman niyang saad at iniligpit na ang gamit niya. And now that he was out, siguradong absent na ang marka niya ng araw na iyon, hinanap na niya ang babaeng dahilan niyon. Mahaba din ang isang oras. Kaya sana makita niya ang dalaga.

"Damn that...that cute woman." Napapalatak pa siya sa komento niya. Hindi rin kasi niya naiwasang sabihin iyon. Well, she was definitely cute.

May reklamo ba?

Napangiti na lang siya nang wala siyang narinig na tutol sa makulit na tinig na kanina pa gumugulo sa isip niya.

When Pao Meets MeowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon