Meow 13

54 3 0
                                    

"BUSY pala, ha."

"Shut up, Dharwin." Pagsuway kaagad ni Paolo sa kaibigan nang iyon kaagad ang ibungad nito sa kanya pagdating niya sa venue kung saan sila may gig.

Ngunit hindi talaga paawat ang kaibigan. "Nagbigay lang ng kantang tutugtugin tapos hindi naman pumunta nang practice. 'Yon pala..." Sinulyapan na lang nito ang mesa na nasa kanan nila sa pinakaharap.

"Siraulo," tinapik na niya ito gamit ang wire ng gitara niya. "I just brought her here dahil mahilig din siya sa Jrock."

Sabay-sabay namang tumango ang mga ito na para bang sinasbaing 'sige na nga'.

"Ewan ko sa inyo. Huwag ninyong bigyan ng ibang kahulugan. She's just a friend." Pananaway pa rin niya sa mga kaibigan at nagsimula nang magtono.

"Kaibigan na sobrang espesyal, nagbibigay effort sa mga lakad." Patuloy pa rin ni Raz sa pang-aasar.

Sinegundahan naman iyon ni Mon. "Kaibigan na nakakapagpatibok ng mabilis sa puso mo."

"Kaibigan na walang tigil ang pagkukuwento tungkol sa araw nila." Si Alfred naman na bigla na lang nagsasalita.

"Kaibigan na dinadala sa gig. Nice." Si Leu pa ang humirit sa dulo.

"Ewan ko sa inyo." Nailing na lang siya at napasulyap kay Orange na mukhang hindi naman sila narinig. Ngumiti at kumaway pa ito sa kanya. Napangiting kumaway na rin lang siya rito at marahang tumalikod at hinarap ang mga kabanda nang pasuwitan siya nito. "O, shut up. Leu simulan na nga natin 'to para manahimik na 'tong mga 'to."

"O, narinig n'yo si Pao. Magsitahimik na daw kayo." Pag-back up pa ni Leu sa kanya ngunit mangali niyang ipupok dito ang gitara nang magsalita uli ito. "Magsimula na daw tayo para sa magandang binibini niya."

"Oh, shut the hell up!" Nanggigigil ngunit nakangiting saad niya.

"Tulak ng bibig, kabig ng dibdib," pagkanta pa ni Leu sa mic. "iyon na lang kaya kantahin natin ngayon. Parang mas baga, eh."

"Subukan mo, nang mawalan kayo ng bahista."

Nagkatawanan na lang ang mga kaibigan niya sa bawat ibabato niyang sagot sa pang-aasar sa kanya ng mga ito. Kung tutuusin, kabisado na niya ang batuhan ng asaran sa pagitan nilang magkakaibigan. Ngunit sa particular na araw na iyon, hindi niya mapigilang mapikon, which is nakakapanibago.

Tulak ng bibig, kabig ng dibdib nga yata ang nangyayari sa kanya.

Pero YATA lang 'yon. Yata lang.

Napatingin na lang uli si Paolo kay Orange nang magsimula silang tumugtog. At habang nakikita niya ang gulat, pagkamangha at tuwa sa mukha ng dalaga, parang gusto na niyang bawiin ang 'yata' na sinasabi niya. Dahil lahat ng sinabi ng mga kaibigan kanina ay napapansin na niya.

Kung ano ang ibig sabihinniyon, hindi pa niya mapangalanan. Bukas siguro alam na niya.    

When Pao Meets MeowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon