KULANG pagbabatukan ni Paolo ang mga kasamahan niya sa banda nilang ROSIER nang panoorin ng mga ito ang kumakalat na video ni Orange sa page ng unibersidad nila. Kahapon pa nagsimulang kumalat ang video na iyon at hindi siya magkakamali kung kanino galing iyon. Pamilyar sa kanya ang huling video na pinakaita sa viral video. Iyon din ang nakita niyang video na pinagtatawanan ni Faye at ng chuwariwariwap na mga kaibigan nito.
At ngayong nakikita niya na pati ang mga kaibigan niya ay natutuwa na pagmasdan na ang viral video ni Orange, parang hindi na niya kayang manahimik.
"Tigilan n'yo na 'yan," komento niya habang naglalakad sila sa corridor papunta sa canteen. "It's not funny. Nakakainis."
"Alin si miss cat woman?" Balik ni Dharwin sa kanya.
"Hindi. 'Yong video mismo." Malamig na balik niya kay Dharwin. "Look, hindi ba public humiliation 'yang ginawang video na 'yan. Walang kaalam-alam si Orange na ginawa 'yan sa kanya. At nakuha n'yo pang tumawa."
"Nakakatawa naman kasi," pabulong na saad ni Dharwin.
"Pero hindi tama," inis na balik niya sa kaibigan.
Natahimik na din ang iba pa nilang mga kasama at nagpapalit-palit ang tingin sa kanilang dalawa. Unang lumapit si Leu sa kanila at tinabihan naman ni Raz si Dharwin.
"O, baka naman mag-away kayo n'yan?" Paggitna ni Leu sa kanilang dalawa.
"Si Paolo kasi," tila batang nagsumbong na saad ni Dharwin.
"Nagsasabi lang ako," balik din niya. "Nasabi ko na sa inyo noon na she's not crazy. Mabuti s'yang tao. At 'yang video na 'yan, okay lang sana na matawa ka o pagtawanan si Orange kung para talaga sa ganoon ang purpose n'ya. Pero hindi, it was meant to offend the girl in the video."
"O, sandali, wala naman kaming gustong iparating sa pagtawa namin," taas ang kamay na saad ni Leu. "natutuwa lang talaga kami sa video. Pero para sa peace of mind mo, titigil na kami."
Hindi na siya naka-imik pa doon at tumango na lang kay Leu. Siguro OA ang reaksiyon niya sa mga nakikita niyang reaksiyon mula sa kaibigan. Pero hindi na kasi talaga niya mapigilan ang inis lalo na't ang girlfriend—ex-girlfriend pa niya ang gumawa niyon.
Yes. Nakipaghiwalay siya kay Faye matapos niyang komprontahin ito. At ang dating nobya, hindi man lang iyon itinanggi. Talagang ipinagmalaki pa nito at iyon ang nagtulak kay Paolo na hiwalayan na ang dalaga.
Bukod sa naitatanong na niya sa sarili kung saan at papaano ba niya minahal si Faye, Nararamdaman na rin niyang wala na siyang nararamdaman pang pag-ibig o pagmamahal para kay Faye. Ang tanong pa niya sa sarili ay kung may naramdaman nga ba siya para kay Faye?
Ngunit mayroon man siyang pag-ibig dati pa kay Faye o wala, hindi pa rin tama at hindi na rin siya makatiis sa pangit na ugali nito. Hindi pala talaga mahirap mamili sa pagitan ng nobya at kaibigan. Mas matimbang pa din ang pagkakaibigan.
You're saying that kahit na kulang isang semester mo pa lang nakikilala si Orange.
Pero hindi niya mapigilan ang tulak na protektahan si Orange. Kahit na ba mukhang hindi kailangan ng dalaga pero nararamdaman ni Paolo na kailangan nito.
And speaking of that girl, hindi niya nakita si Orange kahapon. Marahil ay hindi ito pumasok. Gusto sana niyang kumustahin ito at gusto din niyang humingi ng tawad ngunit paano nga niya gagawin iyon kung hindi niya matagpuan ang dalaga. Hindi pa nito sinasagot ang tawag niya.
"Nakakainis talaga," hindi na niya napigilang saad.
"O, ano na naman ang nangyayari sa 'yo?"
"P're, hinay-hinay lang sa gigil."
"Pa'no gigil?"
"Ang batok mo, Pao, doble na. Huwag ka nang ma-high blood."
"Mga siraulo," napatawa naman niyang saad.
"Siya ba 'yon?" biglang saad ni Alfred na nakapagpatigil sa kanila.
Sinundan naman ni Paolo nang tingin ang itinuturo ng kaibigan at hayun nga siya. Ang babaeng dahilan ng kaguluhan sa buhay niya. Hindi na tuloy niya hinayaan pang mag-isip ang sarili at dali-dali na lang itong pinuntahan.
Nag-iisa sa mesa at kumakain habang ang mga taong nakapalibot dito ay tinitingnan ito. Ang iba ay tumatawa at ang iba ay nagbubulungan. Karamihan man ay walang pakialam ngunit kapansin-pansin pa rin ang mga malisyosong tingin. At si Orange, nasa gitna niyon at tila walang pakialam.
Lalo tuloy siyang nainis. "Where have you been?" Hindi niya napigilan na lumabas ang inis sa tinig niya nang makalapit siya kay Orange.
"Ha?"
Naipikit na lang ni Paolo ang mga mata niya sa reaksiyon niyon ni Orange. Bakit? Dahil nakapasok na naman sa tainga nito ang mga earphones nito at bingi na naman sa mundo.
BINABASA MO ANG
When Pao Meets Meow
RomanceMasayahing tao talaga si Glorilyn o mas kilalang Orange sa karamihan. Weird mang nickname ang Orange pero wala siyang pakialam, kasing walang pakialam niya sa mga kakatuwang tingin at reaksiyon ng mga ito kapag nakikita siya. Bakit? Naglalakad na pu...