Meow 16

135 3 1
                                    

NAPAPAKAMOT na lang sa ilong at tainga niya si Orange nang maramdaman niyang hindi siya sisiputin ng mga kaklase niya sa mall. Inaya siya ng mga ito kanina na manood ng sine pagkatapos ng klase nila. Magkita-kita na lang daw sila sa harap ng cinema seven ng naturang mall. Ngunit may tatlumpong minuto na siyang naghihintay doon pero wala pa ring dumarating kahit isa. At hindi na nagtaka si Orange doon.

Isa siyang mangmang para maniwala sa mga kaklase niya. Inisip niya yatang tanggap na siya ng mga ito ng ganoon-ganoon lang. Siguro kaya pinaniwalaan din niya iyon dahil ang mga kaklase niyang nag-aya sa kanya ay iyong mga kaklase niyang tila walang pakialam kung anong hitsura niya.

At heto siya ngayon, "Basang basa sa ulan. Parang pusang niligaw. Walang masisilungan. Walang malalapitan. Kawawang pusa naman." Pakanta pa niyang saad habang naglalakad na palayo sa lugar. At wala siyang pakialam kung pagtawanan man siya.

Ngunit bago pa man siya tuluyang makalayo, saka naman tumunog ang ringtone ng telepono niya. Sinabayan pa niya ang pag-ngiyaw ng ringtone niya habang binubunot iyon sa bulsa ng palda niya.

"Pao-Pao!" Masaya niyang saad bago sinagot iyon. "Yes? Napatawag ka?"

"Nasaan ka na?" Balik na tanong ng binata at mukhang hinihingal pa.

"Nasa mall. Ikaw? Nasa gym ka ba? Babawasan mo na ba ang taba ng puwet mo saka ng pisngi mo?" Humagikgik pa siya sa ginawang pang-aasar sa binata.

Seeing his name flashing on her phone screen, biglang nagliparan ang bad vibes na hatid ng katangahan niya. At lalo pang nagliparan iyon nang bahagyang tumawa ang binata.

"Totoo, 'no?" Pangungulit pa uli niya rito.

"Bahala ka. Pero nasaan ka nga?"

Lumingon naman siya sa paligid. Nasaan na nga ba siya? "Nasa mall."

"Saan?"

"SM."

"Saang parte ng SM?"

"Ah," anong parte nga ba iyon? "Hindi ko alam?"

"Orange!" Tila nag-panic na saad nito. "Hindi ba sabi nila maghintay lang sa harap ng Cinema Seven?"

"Bakit mo alam 'yon?" Nagulat niyang saad at napatigil na sa paglalakad. Nag-one hundred-eighty degrees turn siya at nagsimula na uli maglakad pabalik sa pinuntahan kanina. Kung tama kasi ang hinala niya, nasa Cinema Seven si Paolo.

"Kaklase mo rin ako sa subject na 'yon. Kaya alam ko. And I'm here."

Sabi na nga ba niya. Bakit ba nakalimutan niyang kaklase niya si Paolo doon? Bakit ba nakalimutan niyang sa dami man ng magloloko sa kanya, hanggat naroroon si Paolo, may kasama pa rin siya at may hindi pa rin magloloko sa kanya?

"Nasaan ka na?" tanong uli ni Paolo.

"Naglakad na pabalik."

"Orange naman," mukhang nayayamot ng saad ni Paolo. "You should have stayed where you are. Wait. Stop. Stop walking. Parang nakita na kita."

At bago pa man makasagot si Orange, naibaba na ni Paolo ang telepono nito at may humatak na sa braso niya mula sa likuran niya at pinihit siya paharap dito.

Si Paolo na mukhang tumakbo dahil namumula na ang punong tainga nito, hinihingal at may bahid na ng kaunting pawis. Punong puno rin ng pag-aalala sa mukha nito at ang patunay, bigla na lang siyang kinabig nito upang yakapin.

"Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung maliligaw ka sa mall," hinihingal pa ring saad ni Paolo sa punong tainga niya. "Baka sapakin mo kasi ako kung ipapanawagan kita sa customer service. Madali ka nilang makikita sa description ko pero baka magulat sila at mapahiya ka kung malalaman nilang hindi bata ang pinapahanap ko."

Napaigik na lang ito ang tumma na nga ang takong ng suot niyang boots sa paa nito. "Salamat, Pao-Pao. Buti alam mo kung anong gagawin ko."

"Pero hindi ko alam na magagalit ka pa rin kahit sabihin ko lang." Tila hindi makahingang saad ng binata.

Noon naman siya binitwan nito upang tingnan ang paa nito. At nagpasalamat siyang ginawa iyon ng binata. Dahil kung hindi...

Ano nga bang mangyayari?

Baka sumuka na ako ng butterfly.

"Tara na nga. Ilibre mo ako. Manonood ako ng Attack On Titan. Bawal magreklamo." Kunway utos niya kay Paolo na para bang si Senyora Santibanez siya at ito si Rogelio. Mali. Siya si Lola ni Dora at si Paolo si Bernardo.

Mariin na lang siyangnapapikit. Mukhang naapektuhan pa rin siya sa ginawa ni Paolo. Heto nga atnagkarambol-rambol na ang katauhan sa isip niya. At hindi puwede iyon. "Dalian mo. Kailangan ko na ng titan sa katawan ko." Dahil kung hindi, baka iba ang maging titan.

When Pao Meets MeowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon