PINIGILAN ni Paolo ang reaksiyon niya sa naging reaksiyon ni Orange nang iabot niya rito ang isang flashdrive at ang cellphone niya rito.
Gusto sanang tumawa ni Paolo sa pagkakalukot ng mukha ni Orange nang walang sabi-sabi niyang iniabot rito ang dalawang gamit niya. At gusto din niyang mapabuntong hininga sa kasunod na katanungan nito.
"Ano na naman 'yan?" Tanong ni Orange ngunit hindi naman inaabot ang ibinibigay niya.
At mukhang ayaw man niya, mukhang kailangan niyang magpaliwanag sa dalaga tulad nang ginawa niya sa ROSIER noong ginagawa niya ang nilalaman ng flash drive at cell phone. At kasabay din niyang naalala ang mga pinag-usapan nilang magkakaibigan.
"Ano na naman 'yan?" Bungad kaagad ni Leu nang makapasok ito sa practice studio nila. "Langya, Pao, talagang devoted ka d'yan, ha."
Napaplatak na lang niyang pinalis ito. Silang dalawa pa lang kasi ang naroroon at maghihintay pa ng iba nilang kasama. Minabuti niyang agahan doon para mas mabilis niyang matapos ang ginagawa. Madami na kasing istorbo kapag naabutan siyang ginagawa iyon ng ibang kasama. Ngayon nga lang na si Leu ang naroroon, mukhang maiistorbo na siya.
"Para kay Orange pa rin ba 'yan?"
"Oo," simpleng sagot niya sa kaibigan. "noong una ko kasing makausap 'yon si Orange, adik na adik sa Ellegarden. Then the last time we talked, ang sabi niya, crush daw niya si Tetsu ng L'Arc~en~Ciel. Pati Luna Sea gusto niya. Kaya, heto." Inilahad pa niya ang laptop sa harap niya. "What?" tanong niya kapag kuwan nang wala siyang makuhang reaksiyon kay Leu at nakatitig lang sa kanya. At literal na hindi na gumalaw
"Ano 'yang ginagawa mo?"
"Nag-download ng kanta and saving it in my phone at sa flashdrive."
"Hindi," umiling pa si Leu kasabay ng pagkaway ng dalawang kamay nito. "Ibig kong sabihin 'yang ginagawa mo. Anong ginagawa mo? Para kang nanliligaw, eh. Nanliligaw ka ba?"
"What the...? Anong pinagsasabi mo, Leu?" Halos magulo siya sa ginagawa niya mula sa sinabi ng kaibigan. "Ginagawa ko lang 'to kasi napansin ko na kulang ang list ng songs niya sa mga gusto niyang artist. And since, almost complete na 'yong sa akin, bibigyan ko siya."
"So, hindi ka nanliligaw sa lagay na 'yan?"
"Hindi nga. Why do you insist that? Nagseselos ka ba, p're?" Sinaluhan pa niya iyon ng pagbibiro at pagtawa.
Nalukot namang ang mukha ni Leu at binato pa siya ng basahan na nasa tabi nito. "Langya ka, Pao. Hindi ko alam that you swing both ways." Tinakpan pa nito ang dibdib.
"Siraulo," he threw back the rag.
Sa bandang huli ay nagkatawanan na lang sila. At isinantabi na ang usapan dahil nagdatingan na ang iba pa nilang kasama. Itinigil na rin niya ang ginagawa para hindi na uli mabuksan pa ang usapan. Hindi niya kaya ang kulitan ng mga kasama niya.
Ngunit ngayong kaharap niya si Orange, at seseryosohin niya ang katanungan ni Leu, liligawan nga ba niya si Orange? Kaya nga kaya niyang ligawan si Orange?
Kaya mo kung sa kaya, Pao. Pero liligawan mo ba?
Ang tanong bakit mo siya liligawan?
Bakit hindi nga rin ba hindi? Kung aaminin ni Paolo sa sarili niya, iba ang tuwa at saya nararamdaman niya kapag kasama niya si Orange. Masaya siyang kasama ang ROSIER pero iba kapag si Orange. There was this certain homey feeling. Nandoon din ang sense of protectiveness kapag nakikita niyang mag-isa ang dalaga. At hindi naman niya mapigilan ang mapangiti at mapatawa kahit na simpleng kulitan lang ang ginagawa nila ni Orange.
At ang katanungan din sa mga nararamdaman niya, sapat na ba ang mga iyon para ligawan niya si Orange? Hindi kaya nagmamadali siya kung liligawan niya ang dalaga?
Dude, sa lahat ng sinabi mo, kung susumahin kasi, parang sinasbai mong kailangan mo siya sa buhay mo at kung hindi mo man lang nagawa ang ilan doon, parang kulang ang buhay mo, hindi ba?
Eh, ano ngang ibig sabihin n'on?
You love her, you stupid bee.
Napangiti na lang siya sa sarili niyang pang-aasar sa sarili. Si Orange kasi ang unang nag-asar sa kanya niyon. Mukha daw siyang si Jollibee dahil sa matambok niyang pisngi at puwetan. Usually mao-offend siya sa babaeng tumitingin sa puwetan niyang pilit niyang itinatago pati ang pagpuna sa matambok niyang pisngi na mukha daw para sa babae lang. Pero kung si Orange, mas natutuwa pa siya kapag pinagkakatuwan siya ng dalaga. He loves seeing her whisker-like dimples.
"Hoy, Paolo!" Hinampas pa siya ni Orange ng bag nito. "Ano na naman 'yang inaabot mo? Huwag mong sabihin na—"
"I think kaunti na lang makukumpleto na natin ang full album na available sa internet ng Ellegarden, Luna Sea at L'Arc."
"What?" Napatayo nang saad ng dalaga. "Medyo mahirap nang mag-hanap ng official copy nang Ellegarden, ah."
"Ripped it sa ilang CD ng kakilala ko."
"Talaga?"
"Yes. Bought the others from iTunes."
Isang impit na tili ang ginawa ni Orange.
"And the others were already at ROSIER's data." And three, two, one...
"Thank you, Pao!" Yumakap na nga si Orange sa kanya tulad nang ginawa nito nang una niyang ibigay dito ang mga magazine ng Jrock idols nito na nabili niya sa online.
Natigilan lang siya nang hindi niya inaasahan ang kasunod na ginawa ni Orange. Hinalikan siya nito sa magkabilang pisngi niya at yumakap uli. Bumitiw lang ito pagkaraan ng ilang saglit at binuksan na ang netbook nitong laging nakadikit sa katawan nito.
At siya, natulala na lang. Para siyang aatakihin sa puso sa ginawa ni Orange. Nang ngumiti at tumawa lang ito, masaya na siya. Nang yakapin siya parang nasa langit na at nang halikan siya, pakiramdam niya six feet under na siya. Naosbrahan na sa tuwa.
At nang tingnan uli siya ni Orange at ngitian, buhay na uli ang puso niya. Mukhang isa lang ang konklusyon niya sa pakiramdam na iyon. at nakakagulat na hindi na niya tinutulan iyon ngayon.
BINABASA MO ANG
When Pao Meets Meow
RomanceMasayahing tao talaga si Glorilyn o mas kilalang Orange sa karamihan. Weird mang nickname ang Orange pero wala siyang pakialam, kasing walang pakialam niya sa mga kakatuwang tingin at reaksiyon ng mga ito kapag nakikita siya. Bakit? Naglalakad na pu...