INABOT nang ilang minuto si Paolo upang hanapin ang palaging ligaw at palaging nawawala na si Orange sa buong campus. At sa huling lugar niya ito inaasahan na makikita. Sa library. At mukhang gumagawa ito ng eksena sa loob.
Tanaw na tanaw niya ito mula sa salamin na window door ng library. Kakaunti lang ang tao ng mga oras na iyon ngunit kitang-kita na ginagawang katatawanan at panandaliang aliwan si Orange.
Nag-iisa lang kasi si Orange sa pang-waluhan na mesa ng library. Nasa bandang sulok pa ito. Hindi siguro kapuna-puna ang dalaga kundi lang dahil sa kulay orange na hoodie nito, sa pusa na overall outfit nito, na lagi naman, at sa malikot na pagkilos nito sa upuan habang nakatutok sa netbook nito at may nakapasak na earphone sa tainga nito.
Napapangiti na lang niyang pinagmasdan saglit ang dalaga. She looks so oblivious sa mga taong nakapaligid dito. Masaya ang dalaga sa munting espasyo nito sa library at nag-iisa sa ginagawa nito. Nag-iisa man, ngunit hindi halata sa dalaga na mag-isa ito.
Ilang saglit pa niyang pinagmasdan si Orange bago hinananap ni Paolo ang library card niya at pumasok na rin sa loob. As usual, tahimik ang paligid. Nagkakaingay lang ang ilan dahil sa ginagawa ng mga ito habang ang ilan ay titingin kay Orange at maghahagikgikan at ang ilan pa ay narinig niya nagsabi ng 'mukhang baliw' at 'mukhang tanga'.
Gusto sanang suwayin ni Paolo iyon ngunit wala namang mangyayari kung papatulan niya ang mga iyon. Napapiling na lang niyang nilampasan ang iba at nilapitan na si Orange na mukhang nagko-concert sa sarili nitong mundo.
"Knock, knock," mahinay niyang saad kasabay ng pagtuktok sa harap nito.
Napatigil naman si Orange, as in literal na tumigil sa kalagitnaan ng nakabuka nitong bibig na mukhang bigay na bigay sa paglip-sync sa ginagawa. Tila saglit pa nitong prinoseso ang nangyari bago ito ngumiti ng pagkalapad-lapad. At sa gulat ni Paolo, ginawa nito ng huling bagay na dapat gawin sa library.
"Hi, Paolo! Kumusta ang klase?!" Masigla pa nitong bati.
At hindi naman napigilan ni Paolo na saluhin ang bibig ng dalaga nang subukan nito muling magsalita. "Sshhh!" Naisad na lang niya kasabay ng mga tao sa loob ng library.
BINABASA MO ANG
When Pao Meets Meow
RomanceMasayahing tao talaga si Glorilyn o mas kilalang Orange sa karamihan. Weird mang nickname ang Orange pero wala siyang pakialam, kasing walang pakialam niya sa mga kakatuwang tingin at reaksiyon ng mga ito kapag nakikita siya. Bakit? Naglalakad na pu...