Meow 7

51 2 0
                                    

MALAYO pa lang, alam na ni Paolo na galit na si Faye sa kanya. At sa tingin din niya, mahaba-habang usapan ang mangyayari. Kasama na na naman kasi ni Faye ang mga chuwariwariwap girls nito. Kung hindi lang siguro niya girlfriend si Faye, baka nakatikim na sa kanya ang mga chuwariwariwap na mga babae na iyon.

"Faye," pagtawag niya sa nobya nang makalapit siya sa mga ito. Nakapameywang na naman kasi ang dalaga at nakataas pa ang kilay.

"Bakit ang tagal mo?" Mataray na saad na salubong kaagad ni Faye sa kanya. "I've texted you. Tumawag na rin ako pero binababaan mo ako. Don't tell me na nasa klase ka pa rin ng ganoong oras? Hindi ako maniniwala, Paolo. Kilala ko si Prof. Herrera. Maagang nagdi-dismiss 'yon."

Malalim na lang na napabuntong hininga si Paolo sa mga sinabi ng nobya. Nasanay na lang siyang araw-araw ganoon ang eksena ng nobya niya. At habang nakatingin siya sa dalaga, hindi niya alam kung saan banda niya ito nagustuhan.

"Nakikinig ka ba, Paolo?" untag sa kanya ng dalaga.

"Yes," walang gana na sagot niya rito. "I didn't notice that you called. At sa tingin ko hindi mo naman kailangan pang tumawag sa akin dahil papunta din naman ako dito. Ba—"

"Eh, ang tagal mo. Paanong hindi ako tatawag?"

"Saglit ka lang namang naghintay. A minute or two wouldn't hurt you." Bahagyang inis na niyang saad. "At saka kailan ba ako hindi sumipot sa usapan natin?"

Mas lalo pang tumaas ang kilay ni Faye doon. Sinimulan na rin nitong kagat-kagatin ang labi nito. ganoon kasi ang dalaga sa tuwing nagpipigil ito ng galit. At noon, natagpuan niya iyong maganda, cute at kaakit-akit. Ngunit ngayon, he didn't feel anything.

Napabuntong hininga na lang uli si Paolo. "Look, hindi ko ipinamumukha na gan'on ang ginawa mo sa akin kung 'yon ang iniisip mo. Pero ang gusto ko lang naman na iparating sa 'yo, na puwede namang hindi mo na ako tawagan dahil kahit anong mangyari pupunta ako."

At sinabi niya ang mga kataga na iyon sa hindi na niya mabilang na beses. Palagi na lang kasing iyon ang pinagtatalunan nila. Noong simula naman na maging nobya niya ang dalaga, mag-iisang taon na ang nakakaraan, ay hindi ito ganoon. Sweet at clingy lang ito ngunit kailanman ay hindi ito demanding. Hindi alam ni Paolo kung kailan naging demanding ng sobra-sobra si Faye. At hindi rin niya alam ang dahilan kung bakit.

"Alam ko naman," may galit pa rin sa tinig ni Faye bago siya tinalikuran nito at bumalik sa mga chuwariwariwap na mga kaibigan nito at kinuha ang gamit. Nagmamaktol pa ring bumalik ang dalaga sa kanya. "Ang gusto ko talagang itanong ay kung sino ang kasama mo?"

"Ha?" Naguluhan niyang tanong. "Anong sinasabi mo?"

"'Wag mong subukang magsinungaling, Paolo, dahil may ebidensiya ako." Noon naman kinuha ni Faye ang cellphone nito sa bag at may kung anong hinanap doon bago nito inabot iyon sa kanya. "Bakit mo s'ya kasama? At ikaw pa ang may bitbit ng bag n'ya!" May gigil na tulak nito sa kanya. "Are you cheating on me, huh? Ha?"

Napatitig naman siya sa litratong nasa cellphone. It was him and Orange. Iyon ang kuha nila nang lumabas sila sa library kahapon. Sa pagmamadali nilang makalabas at mailabas ang nag-iingay na netbook ni Orange, binitbit ng dalaga ang netbook nito at ang iba pa nitong gamit habang siya ay ang bag nito ang nadampot niya. Naiwan nga nila ang library card nila noon at kanina lang niya nakuha.

At ang pagkaalala sa nangyari kahapon ay nagdala ng ngiti sa labi niya. Pakiramdam niya ay nabuhay ang lahat ng adrenalin niya ng araw na iyon at ngayong nakita na naman niya ang litratong iyon, hindi niya maiwasang maalala ang nangyari.

"Ang. Kapal. Ng. Mukha. Mo." Sa bawat katagang binitiwan ni Faye ay siya namang paghampas nito ng maliit na bag nito. "Nakuha mong mang-cheat sa akin at sa loob pa din ng campus na 'to. At sa babaeng pusa pa na 'yan. Grabe ka, Paolo. Kukuha ka na nga lang ng iba mo, 'yong hindi man lang papantay sa akin."

"Faye, makinig ka muna," parang natauhan na saad ni Paolo. Ngunit bago pa man uli makapagsalita si Paolo, nagsimula na naman magsalita si Faye habang ang mga kaibigan ng dalaga ay panay ang ismid sa kanya. Sa hula niya ay sa mga ito galing ang litrato.

"How can you be so tanga?" nanggigil pa nitong saad. "Talagang someone look stupid and stupid like her ang ipapalit mo sa akin. At mukha s'yang crazy. Bakit ka sumasama sa mga crazy people? It's not like—" mas maarte at mas naiinis pang saad ng dalaga.

"Tama na, Faye." Malamig na saad niya. Bigla namang natahimik si Faye doon. Alam niyang iyon ang unang beses na nakaringgan siya ng dalaga ng ganoong tinig at hindi na rin siya nagtataka bakit ganoon ang tono niya. "Alam kong mali na kasama ko s'ya habang may girlfriend ako at hindi magandang tingnan pero wala kang karaptan para laitin ang isang tao na hindi mo kakilala. If you do that again..." Napatigil siya sa pagsasalita.

Pakiramdam ni Paolo ay naging ibang tao siya. He wasn't like that. At most, wala siyang pakialam kung sinoman ang laitin o i-bad mouth ng girlfriend niya. Iniisip kasi niya noon, hindi naman niya mapipigilan o mababago ang tingin ni Faye sa mga kinaiinisan nito. Ngunit ngayon, nang dahil kay Orange, biglang nagbago ang pananaw niya.

"Bakit? Anong gagawin mo? Iiwan mo ako?" May paghahamon na saad ni Faye at humalukipkip pa ito. "Huwag mo akong takutin, Paolo. Puwede kitang palitan kahit kailan ko gusto. Kaya huwag mo akong takutin."

Sa unang pagkakataon sa loob ng relasyon nila, noon niya nagawang pagmasdan ang kabuoan ni Faye. Ang loob at ang panlabas na katangian nito ay nasa magkabaling dulo. Napaniwala siya ng inosenteng hitsura nito, hindi niya akalaing may nagtatago palang masama at nakakatakot sa likod niyon. Tuloy, hindi niya mapigilan na tanungin ang sarili at sabihn kay Faye na, "Paano ba kita minahal? Saang banda ba kita minahal?"

"Ano?"

"Wala. Tara na. If we're going to argue here. Mamaya may nanonood na sa atin." Iyon lang at tumalikod na siya. Baon ang mga katanungang nasambit niya, habang umiikot sa isip niya ang nakangiting imahe ni Orange kanina nang ihatid niya ang dalaga sa klase nito upang siguraduhing hindi na ito maliligaw.

And then he smiled.

When Pao Meets MeowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon