Meow 12

55 3 0
                                    

"SO, DAHIL sa pink nail polish, ha?"

"Oo nga!" Nayayamot nang padyak pa ni Orange sa pangungulit ni Paolo. Simula kasi ng sabihin niya kanina na dahil sa pink nail polish kaya siya um-absent the next day after nilang magtalo, hindi na siya tinantanan nito.

"I just can't believe it." Tumawa pa uli ito.

"E, 'di wag." Binelatan pa niya ito.

He chuckled and looked at her again. Nagagawa iyon ng binata ngayon dahil walang ibang tao sa tabi nila. Wala kasing gumagamit ng classroom na iyon sa kasalukuyan at napili nilang tumambay doon habang naghihintay ng susunod na klase.

"Galit ka na naman niyan?"

"Hindi," padaskol niyang saad. "nakakainis ka lang kasi paulit-ulit ka. Daig mo pa ako."

"Eh, bakit nga kasi?"

Napaplatak naman siya roon. "Bakit mo ba kasi gustong malaman? Eh, alam mo na ngang iniiwasan kita."

Sumeryoso naman si Paolo. "Bakit? Because you thought you ruined my relationship with Faye?"

Napatingin naman siya binata. Kung pakatititigan niya si Paolo, mukha namang hindi ito nasaktan sa break up nito o baka nagkakamali lang siya. Pero kung tama man siya o mali, kailangan pa rin niyang ipaliwanag sa binata kung saan siya nanggagaling. Para na din sa ikatatahimik ng kaluluwa niya sa kakukulit nito.

"Fine," saad niya. "pero huwag kang tatawa."

"Shoot!"

"Iniisip ko kasi noon na kasalanan ko kung bakit kayo nagkahiwalay ni Faye. Iniisip ko na may inalisan na naman ako ng kaligayahan." Simula niya. "Katulad kasi noong nangyari sa dati kong school. May mga kaibigan ako doon. Mga tatlo." Itinaas pa niya ang tatlong daliri na bahagayang ikinatawa ni Paolo. "Pero dahil sa weirnedss ko, nadadamay sila sa pambubully sa akin. Ayaw naman nila akong iwan kaya ako ang nangiwan sa kanila."

"Hindi ba masyadong unfair 'yon para sa kanila?" pagsinggit ni Paolo. "Hindi mo man lang sila binigyan ng pagkakataon na gawin ang gusto nila."

"Pinagbigyan ko naman," salunggat kaagad ni Orange. "Nag-stay pa ako ng isang buong semester pero hindi ko naman na talaga matanggap nang isa sa tatlo kong kaibigan e nainis na rin sa akin." Pagbawas niya ng isang daliri sa tatlong daliring nakataas kanina. "I overheard her saying to some of the girls that I'm slow, stupid, at kaya lang siya sumasama sa akin was to get information about my stupidity at iba pang info para ipangalap sa lahat ang ka-weirdo-han ko. So, in short, s'ya ang nagsimula ng ibang mga rumors and tsismis about me. At para mapigilan 'yon, iniwan ko na 'yong dalawa ko pang kaibigan."

"Don't tell me, na hindi na kayo in good terms din noong dalawa?" Malamig na sad ni Paolo. Mukhang hindi ito natuwa sa ikinuwento niya.

Napatawa na lang siya sa reaksiyong iyon ni Paolo. "Hindi naman. Actually, sila nga ang nagalit para sa akin. Pero umalis pa rin ako. Kasi nadadamay sila. Nabibigyan din sila ng brand na weird and stupid. At hindi ko kayang gawin 'yon sa kanila."

Naiyuko na lang ni Orange ang ulo niya nang pakatitigan siya ni Paolo. Ayaw niyang makita nito ang ekspresiyon niya. Hindi siya sanay na ipinapakita ang malungkot niyang hitsura. Pakiramdam kasi niya ay vulnerable siya kapag ganoon at kaunting pang-aasar lang sa kanya at bibigay na siya.

"Hey, look at me," inaangat pa nito ang baba niya gamit ang nakabaluktot na hintuturo nito. "Thank you sa pagsasabi sa akin ng lahat ng ito. Hindi ko maintindihan kung bakit nila nagagawa 'yon sa 'yo. Samantalang ikaw na yata ang pinakamabait na tao na nakilala ko." Napabuntong hininga pa ito at bahagyang ginulo ang buhok niya. "Salamat din sa pag-aalala sa akin. Hindi mo na dapat gawin 'yon. Kaya ko ang sarili ko And for the record, kasalanan ni Faye kung bakit kami naghiwalay. And nakakatawa man na sa tagal naming may relasyon, hindi ko pinanghinayangan na mawala 'yon. Mas nanghinayang ako sa panahon na inubos ko sa kanya."

Saglit na naghintay pa si Orange sa sasabihin ni Paolo pero wala nang lumabas pa. Para kasing may gusto pa sana itong idugtong ngunit mas pinili nang hindi sabihin. Kung anoman iyon, bahala na si Paolo kung sasabihin nito o hindi.

"So, paano?"

"Ano nang gagawin natin?"

Nagkatawanan pa sila nang magkapanabay silang nagsalita. Nagulat pa siya ng hawakan bigla ni Paolo ang pisngi niya.

"Bakit?"

"Whiskers."

"Whiskers?" Pag-ulit pa niya at hinawakan din ang hinawakan ng binata.

"'Yong dimples mo parang whiskers ng pusa. Ilang patong ba 'yan? Ngiti ka nga uli."

Ginawa naman niya at natampal na lang ni Orange si Paolo nang tumawa ito. "Nakakaasar ka." Paghampas pa uli niya.

Tatawa-tawa namang umilag si Paolo. "At dahil diyan," may kinuha ito sa bag nito at ganoon na lang ang pagkakunot ng noo niya nang makita ang nilabas nito. "Cat food at cat treats para sa 'yo."

Para namang inusukan ang bumbunan ni Orange doon. Nagustuhan naman niya ang ibinibigay ni Paolo pero ang tratuhin talaga siyang pusa, medyo hindi nakakatuwa iyon. Ngunit sa kaloob-looban niya, masaya siyang okay na uli sila ni Paolo at masaya siyang naaalala siyang bigyan nito ng regalo. Hindi nga lang nakakatuwa na cat food iyon at hindi niya makakakain.

When Pao Meets MeowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon