MAY PAGMAMADALI na inilagay ni Orange ang earphones sa tainga niya pagkasabi na pagkasabi pa lang ng propesor nila na tapos na ang klase nila. Hindi pa man sinasabi ng propesor nila na tapos na ang klase, naghahanda na siya ng mga gamit niya para makalabas na kaagad. At ang dahilan ay ang lalaking may hawak ng earphone niya ngayon.
"Iniiwasan mo ba ako? Nagalit ka ba sa mga sinabi ko sa 'yo?" Magkakasunod ang katanungang iyon ni Paolo habang hawak nito ang earphone niyang nahatak nito bago pa man maisuot ng tuluyan ni Orange ang mga iyon.
"P-Paolo," marahan niyang hatak din sa earphone. Ewan ba niya. Nang malingunan niya ang binata, bumilis na kaagad ang tibok ng puso niya. Siguro dahil simula nang magtalo sila sa canteen, naging tampulan na sila ng tukso at lovers' quarrel daw iyon at nahihiya siya dahil nadadamay pa si Paolo sa mga kahihiyan niya.
Sigurado ka?
Oo!
Tingnan mo nga s'ya. Seems like he's not affected.
At para naman siyang tanga na sinunod ang iniutos ng tinig. At kasabay ng pagsalubong niya uli sa tingin ni Paolo ay siya naman pang-asar uli ng kaklase nila. Naramdaman niya ang pagtaas ng init sa mga pisngi niya ngunit si Paolo, parang wala lang dito.
See, dapat ikaw din. Dahil kung aalagaan mo 'yang kaba mo, baka magkatotoo na ang sinasabi ng mga taong nakapaligid sa inyo.
Tama. Tama 'yon.
Napasabay ang pagtango niya sa pagsang-ayon sa tinig. Kung hindi apektado si Paolo, dapat siya din. After all, wala naman siya dapat ikakaba o ikahiya man lang sa panunukso sa kanilang dalawa. Maliban na lang kung—
"Ganoon ba? Pasensiya ka na talaga kung nasabi ko ang mga bagay na 'yon." Napahagod pa si Paolo sa batok nito nang bitiwan na nito ang earphones.
Natigilan naman si Orange at naguluhan sa reaksiyon ni Paolo. And then she laughed. "Tangeks, hindi ako galit." Tinampal pa niya ito gamit ang earphone. "May iniisip lang ako." Tumawa pa uli siya.
Sa pagkakataong iyon ay napailing at ngumiti na rin sa Paolo. Parang bigla itong bumata sa ginawa nito. Kanina kasi ay tila pinagsakluban ito ng langit at lupa at napakabigat ng dinadala. Siya ba ang dahilan niyon?
Ituloy mo 'yan. Libre 'yan.
Tse! Iniisip ko lang kung iniisip n'yang galit ako sa kanya habang ako, ganoon din ang iniisip ko. Na baka masyado s'yang naapektuhan sa pagiging involve n'ya sa akin at dahil sa akin, naghiwalay sila ng jowa n'ya.
Bakit nagpapaliwanag ka?
Napaangil na lang si Orange doon. Alam niyang baliw na siya pero bakit nababaliw pa siya lalo? At dahil lang kay Paolo iyon at sa mga nangyayari sa pagitan nilang dalawa.
Dahil doon, mabilis niya uling sinamsam ang gamit. "Aalis na ako, magkakabisado pa ako ng mapa." Iwinagayway pa niya ang bagong mapa na ginawa niya para hindi na niya maistorbo pa ang binata. Ngunit napaungol na lang siya nang pigilan siya uli ni Paolo at lalo pa siyang napaungol nang nandoon na naman ang kaba na iniiwasan niyang maramdman.
"Paolo," mahinay na pagmamaktol na niya.
"Anong nangyari sa 'yo?" Kunot ang noo na sagot ni Paolo sa kanya ngunit makikitang natatawa din ito.
Mukha siguro siyang nakakatawa at sa pagtingin niya sa mukha ni Paolo, hindi rin niya maiwasang mapatawa din. "Aalis na ako. Bitiwan mo na ako."
"Hindi pa tayo tapos mag-usap."
"Ano pa bang pag-uusapan natin? Pinatawad naman na kita. O, edi okay na tayo uli." Napapalabi na niyang saad nang hindi pa rin siya binibitiwan ng binata. "Paolo." Maktol niya uli nang pumiksi siya at hindi pakawalan ng binata.
"Kung okay na tayo, Bakit mo ako iniiwasan? Hindi ka pumasok kahapon—"
"Wala akong pink nail polish," mabilis na sagot niya.
"Ha?" nalukot na naman ang mukha ni Paolo. "Pink nail polish?"
"Yes," tumango pa siya at ipinakita ang daliri rito. "kung ang ibang babae, hindi nakakalabas ng bahay dahil walang make-up. Ako, hindi ako nakakalabas kapag wala akong nail polish na pink. At huwag mong subukang tumawa, totoo 'yon!" Mabilis na dugtong niya nang akmang tatawa si Paolo.
"Sige na naniniwala na ako." Bahagya pang tumawa si Paolo. "So, bakit nagmamadali ka ngayon?"
"Kakabisaduhain ko pa ang mapa ko."
"Bakit pa? Puwede namang sabay na uli tayo papasok sa mga majors, 'di ba?"
"Hindi," mabilis niyang saad, "I mean, hindi puwede kasi—"
"Kasi?"
"Huwag ka kasing magulo. Nagpapaliwanag ako," muli pa niyang hinampas ito ng earphone na tinawanan lang naman ni Paolo. "Naisip ko kasi, paano kung aabsent ka? Paano kung may iba kang dadaanan? Paano kung may magalit na naman? Edi, magkakabisado na lang ako ng mapa para hindi na kita maistorbo. Gets mo na?"
Ngunit imbis na makakuha nang sagot mula kay Paolo, mataman lang itong nakatitig sa kanya na para bang may nakita itong nakamamangha. Akamang pupunahin niya ito nang malakas nang tumawa ang binata.
"Silly," saad nitong ginulo pa ang buhok niya nang tumayo na ito. "Wala nang magagalit. Wala na kami ni Faye at gusto ko na ding humingi ng sorry para sa ginawa n'ya. Siguro nasabi na nina Leu sa 'yo. Huwag kang mag-aalala, I broke up with her and—"
"Bakit? Edi mas lalong nagalit sa akin 'yon. At saka, hindi mo kailangan parusahan ang sarili mo dahil lang sa akin." Pagputol niya sa pagsasalita ni Paolo.
Muli namang napatawa si Paolo doon. "Grabe, Orange, hindi ko alam kung sinasadya mo 'to o hindi. O, sandali," pag-iwas ni Paolo sa earphones niya. "Pero salamat kung iniisip mo ako pero hindi ikaw ang dahilan bakit kami naghiwalay. I mean hindi lang ikaw. What she did to you was the last piece. Hindi ko na din matagalan ang ugali n'ya na hindi ko nakita noong bago pa lang kami. At kung iniisip mong lalo ka nilang ibu-bully, huwag kang mag-alala, nandito ako at ipagtatanggol kita."
Si Orange naman ang napatigil at pinagmasdan ang binata. No, hindi siya nagdududa na ipagtatanggol siya nito pero nagdududa siya para sa sarili niya. Kung tama bang pumintig ng kakaiba ang puso niya sa sinabi ni Paolo.
"Orange," biglang lapit ni Paolo ng mukha nito sa aknya. "Kung may time ka pang matulala, sana my time ka na ding maglakad papunta sa susunod na klase natin. Mala-late na tayo." He smiled before pulling out his face. Kasabay na din nitong hinawakan ang kamay niya at hinatak palabas sa classroom.
At ang puso niya, nagmaktol na yata sa bilis ng tibok niyon.
No. Hindi maaari! Walang ibig sabihin 'yon at hindi puwede.
----
orayt!
sana madire-diretso ko tong update na to.. uwu..
anyway...
sino dito nakarelate kay Orange?
ung hindi nakalalabas ng bahay ng walang that something...hihi..
ako, eyeliner...
(◡ ω ◡)~BM
BINABASA MO ANG
When Pao Meets Meow
RomanceMasayahing tao talaga si Glorilyn o mas kilalang Orange sa karamihan. Weird mang nickname ang Orange pero wala siyang pakialam, kasing walang pakialam niya sa mga kakatuwang tingin at reaksiyon ng mga ito kapag nakikita siya. Bakit? Naglalakad na pu...