Chapter 25

10.3K 219 0
                                    

Continuation.

Third Person's POV

Kanina pa naghihinalo si Aria habang isa-isang tiningnan ang mga naging kaibigan niya na. Alam niyang wala siyang laban sa mga ito.

Sobrang lakas ng mga kalaban at tanging nag-iisa lamang siya. Halos hindi na mamukhaan ang mukha niya dahil sa pasa na natamo niya. Nahihirapan na siyang tumayo, may tama siya sa tagiliran at paa pero hindi parin siya sumusuko. Alam niyang hindi niya maliligtas ang sarili, pero lalaban parin siya ng patayan para sa pamilya niya.

May sugat din naman ang tatlo pero hindi gaanong malala tulad ng sa kanya, tawa lang siya ng tawa habang sobrang seryoso naman ng tatlo.

"Akala ko kaibigan ko na kayo eh, tangina lang!" tumawa muli siya. Mahigpit niyang hinawakan ang baril na nasa gilid niya. Hindi alam ng tatlo na may baril pa siyang tinatago kaya't kampante pa siyang lumaban. Pero sa loob-looban niya, nasasaktan siya dahil hindi niya inakalang kaya rin pala siyang traydurin ng mga kasama niya sa clan. Tinatanong niya parin sa sarili niya ngayon kung sino pa ba ang kalaban niya sa clan nila? O sino pa ang may balak na patumbahin siya?

"Nakakaawa naman ako. Habang nakatalikod ako, ginagawan niyo na pala ako ng masama. Dahil ba lagi akong palpak sa mission? Ganu'n ba?" hindi niya inaasahan ang pagdaloy ng luha galing sa kanyang mga mata. Tumawa muli siya, nagtagis na ang mga ngipin. Gusto niya nang patayin ang tatlo pero piniligilan niya muna ang sarili niya.

Pumikit siya ng mariin.

"Ang mission ko sa bansang ito ay protektahan ang pamilya ko hindi iyong saktan sila. Hindi ko magagawa ang tanginang mission na ito dahil asawa at anak ko ang naka taya rito! If you both have a family you will understand me! But you don't! Gusto niyo akong gawing mamamatay tao!"

Dahan-dahan siyang humakbang. Naging alerto naman ang tatlong kanina pa tahimik. Puno na ng dugo ang buong katawan ni Aria, kahit nahihirapang tumayo, tumayo parin talaga siya. Pinagmasdan niya ang tatlo, si Spade na may hawak na katana ay nakatutok sa kaniya, si Aki naman na may baril ay nakatutok ang nguso sa mukha niya. Ngumisi siya ng mapakla.

Hinarap niya si Spade na may dugo sa mukha. Sinuntok niya kasi nang napakalakas iyon kaya't dumugo, si Aki naman punit ang damit habang si Alice ay magulo ang buhok at may tama narin sa tagiliran.

"Don't ever think again guys, you look like you guys gonna eat me to death," unti-unti niyang inangat ang tingin kay Spade.

"You talked too much earlier but what's wrong with your fvcking tongue now? Cat got your tongue already?"

"Shut up!" galit na sigaw ni Spade at nilapitan niya si Aria pero mabilis namang gumalaw si Aria, kinasa niya ang baril sabay tama kay Spade. Tinamaan niya sa paa si Spade sabay sipa sa kamay ni Aki na may hawak na baril. Ramdam niya ang sakit sa paa niya pero kinaya niya parin.

"D—Damn."

Hindi niya nailagan ang kamao ni Alice kaya't natamaan siya sa leeg. Dahan-dahan siyang tumayo muli, umatras siya sabay putok ng baril, tinamaan niya muli si Spade sa dibdib hanggang hindi na ito makatayo, sunod niyang pinatamaan ay si Aki na hindi na rin makagalaw sa kinatatayuan.

"Fvck!"

"Fvck!"

Umatras muli siya. Kakasain niya na sana muli ang baril ngunit wala nang lumabas na bala don. Napamura siya. Binaba niya ang baril.

Taas noo niyang tiningnan si Alice, malakas parin ito ngayon, hindi niya alam kung mabubuhay pa ba siya sa kamao ni Alice. She knows how to defend herself but not this time, she's hurt and can't handle herself to stand up.

"You're useless, Ariana," simula ni Alice sa malamig na boses sabay tingin sa dalawang kasama na ngayon ay hindi na kumukurap.

"You killed them, I'll kill your family too. Wait for it, baka pag uwi mo wala na ang anak mo."

"Huwag mo akong ginagago o binibiro, Alice!" Nanginginig na sagot niya sabay atras na naman.

"Do I look like I'm kidding?" maangas na tanong ni Alice. Hinila niya sa kwelyo si Aria sabay tulak nito sa pader. Halos mabali naman ang buto ni Aria, pikit na pikit ang mga mata.

Kinakagat niya ang pang ibabang labi, kapansin-pansin ang pasa nito at ang pagdurugo.

"You took everything that belongs to me, Ariana. Ang pagiging artisa! Pagiging leader! Ano bang meron sayo na wala sa akin? Honestly, you're just a plain bitch! You're nothing compared to me!"

Nanghihina na si Aria. Nagsisimula na ring pumikit ang mga mata niya. "Fvck you, Ariana Desmina! When you step in our clan? Everything started to mess up! You ruined everything!" galit na sigaw ni Alice. Hinawakan niya sa leeg si Aria at ramdam ni Aria ang galit ni Alice dahil sa panginginig.

"I want you gone, I want to kill you, so that everything will be back to normal but you killed them, do you think I'll forgive you?! No! And never!"

Inangat ni Ariana ang kaniyang tingin. "Did I ask for your forgiveness? Do you think I regret killing them? No, I didn't. Honestly I want you dead too that's why I'm thinking on how to defeat you. Don't worry, I'll bury your body if there's no one will handle it," mapait na ngumisi si Ariana sabay labas ng kaniyang kutsilyo at tinusok ito sa tiyan ni Alice na dahilan nang panlalaki ng mata niya.

"Killing you is the last mission that I've accomplished today,"

"Rest in peace." malamig na usal niya. Hinayaan niyang matumba ang katawan ni Alice sa sahig at nilibot niya ang paningin.

Nagpakawala siya ng malalim na hininga. Pumikit siya ng mariin kasabay nito ang huling luhang nilabas niya sa mga taong nagtraydor sa kaniya.

Naging maganda naman ang pagsasama nila noon. Walang problema at tanging misyon lamang ang inaatupag. Simula nu'ng nagpakita si Triton, alam niyang may nagbago. Hindi na kagaya ng dati, gusto ng mga itong maghiganti gamit siya.

Tumawa siya ng mahina. Kahit nanghihina ay nagawa niya paring tingin isa isa ang mga kaibigan. Mulat ang mata ni Alice habang sina Aki at Spade ay nakapikit. Napuno ng dugo ang buong lugar.

Maya maya pa ay may narinig siyang mga sasakyan na papunta sa gawi niya pero wala na siyang lakas para magmulat at tumayo dahil pagod na pagod na siya, tila namamanhid na ang buong katawan niya. Ramdam na ramdam niya rin ang pasa niya sa buong katawan kaya't minsan dumadaing siya sa sakit.

"WHAT THE FVCK, ARIANA!"

"SORRY WE'RE LATE, ARIA."

Inangat niya ang tingin. Nakita niya si Triton. Hindi niya maintindihan ang reaksyon nito ngayon. Malayo pa lang ay kitang-kita niya ang kamao at pag igting ng kanyang panga. Tumakbo siya papalapit kay Ariana. Iniwan ang sinumang kasama ng lalaki.

She smiled. May lumabas na konting dugo sa kanyang bibig. "Huwag mo rin sana akong pagtaksilan, Triton. Pagod na pagod na ako." huling salita niya

Tsaka siya nawalan ng malay.

***
Don't forget to vote and leave a reaction. Thank you!

BS05: Carrying My Husband's ChildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon