Chapter 29

10.5K 210 12
                                    

Ariana's POV

"Aria! Aria!" Tarantang sigaw ni Riley mula sa labas ng hospital room ko. I am about to feed my son.

Kumunot ang noo ko sa namumutla niyang mukha at sa magulo niyang buhok. Ngayon ko lang nakita si Riley na mukhang kinakabahan at hindi mapakali. Sa tingin ko ay may masamang nangyari.

Nilingon ko si Triton. Naging seryoso na rin ngayon ang mukha niya at hindi na sumusubo ng pagkain. Miski ako ay nawalan na nang gana kumain. Binaling ko ang tingin ko sa anak namin. He innocently watches our serious faces. I sighed and pinched his cheeks. I won't let them hurt my son. I knew they're now giving us a signal, I think this is the right time to fight back against those enemies. I'm really tired of fighting, but I need to protect my family and kill those enemies.

"Be careful, Mom, Dad." paalala sa amin ni Zack bago siya lumabas ng hospital room ko at sumama kay Kino.

"If bad happens to our son, I won't let you pass, Kino. I'll kill you without hesitation." seryoso kong sabi na kinasang-ayunan naman ni Triton. Umirap lamang si Kino at nakipag high five muna kay Triton tsaka umalis.

"What is it?" seryoso kong tanong kay Riley. Naramdaman kong hinawakan ni Triton ang kamay ko kaya't napabaling ako sa kanya. Wala siyang reaksyon ngayon, sobrang seryoso ng mukha niya na parang anytime ay papatay na siya. Lumunok ako at hinigpitan din ang pag hawak sa kanya. Mukhang alam niya na ang mangyayari.

"Please, baby...don't leave me again..." bulong niya dahilan nang pag silay ng ngiti ko sa labi. Hinaplos ko ang mukha niya at hinalikan siya sa noo bago ko hinarap muli si Riley na ngayong mukhang paiyak na.

"What happened?"

"Kiefer got shot and my son is nowhere to be found, Aria. Sabi ng mga katulong may kumuha raw sa anak ko! Hindi ko na alam ang gagawin, Aria, nasa hospital ngayon si Kiefer at nagpapagaling. Hindi ako mapakali! Gusto kong hanapin ang anak ko, Aria. Hindi ko kakayanin kapag nawala ang mag-ama ko sa akin!" this time ay humagolgol na talaga siya. Dahan-dahan kong hinaplos ang likod niya para patahanin siya. Tumayo si Triton mula sa pagkakaupo niya, nilabas niya ang cellphone niya at tila may dinayal na number.

"I want to look for my son, Aria! Walang lakas ngayon si Kiefer, at kung gising iyon? Sigurado akong hahanapin niya din ang anak namin kahit hindi pa siya magaling. Help me, Aria, hindi ko alam kung saan mag-uumpisa..."

"Huwag kang mataranta. Kumalma ka Riley, we will help you, okay?" pagpatahan ko sa kanya. I'm not yet healed actually, but when someone needs help? I need to stand up and fight 'til death.

"Are you sure about fighting back?" tanong ni Triton sa nag-aalalang boses. Ngumiti ako sa kanya.

"I can still fight."

NASA hideout kami ngayon ni Triton. Hindi ko inaasahan na marami din pala siyang mga kasama sa hideout niya. Nag pl-plano rin sila kung sino ang maaaring kalaban. Napapansin ko din na wala sina Vena, Yeena at Almika dito. Si Alex, Riley lang at ako ang babae na andito. Where are they?

Kasama rin namin sina Skie, Vandeon, Sendrix, Triton and hindi ko kilalang lalaki but he's a little bit familiar to me. I think I saw him somewhere. Hindi ko na matandaan. May kani-kaniya silang ginagawa, habang si Riley ay hindi parin mapakali. Inaalo na nga siya ni Alex pero hindi parin siya kumakalma. Miski ako, pag nangyari sa akin 'yan hindi ko rin siguro alam ang gagawin. Makakapatay talaga ako ng wala sa oras.

"Where are the others?" tanong ko ng makalapit na ako sa asawa ng kaibigan kong si Vena.

Kaharap ngayon ni Skie ang laptop niya at tila may pinapanood. Sobrang seryoso ng mukha niya.

BS05: Carrying My Husband's ChildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon