Epilogue

12.3K 170 13
                                    

Aria's POV

Wala kaming imik habang pinapanood namin si Almika'ng humahagolgol sa harapan ng kabaong ni Vandeon. Nalulungkot ako sa pagkawala ni Vandeon, akala ko kami ang target ng mga kalaban pero nagkamali ako. Nagkamali kami. Hinintay lang pala ng mga iyon si Vandeon, hinintay nila na lumabas siya. Siya pala ang target ng mga kalaban, kapag napatay na nila si Vandeon? Titigil na sila. Hindi ko inaasahan na gan'to ang mangyayari, awang-awa ako kay Almika. Naawa rin ako sa anak niyang si Vandish.

Tahimik lamang si Vandish. Wala siyang emosyong nakatingin sa ina niyang humahagolgol. Nakikita ko ang ugali ni Vandeon sa kanya, shit lang. Nakakainis. Nakakalungkot.

Mahal na mahal ni Almika si Vandeon. Masakit sa kanyang tanggapin ito.

"Why did you do that? Why did you sacrifice yourself for me?! Are you out of your mind? Wake up, Jerk! Open your fvcking eyes, or else I'll punch you! How can I live in this world without you? Tangina mo! T-Tangina mo! Gumising ka kung ayaw mong pasabugin ko 'tong lugar na 'to! Ang gago gago mo! Lahat na lang sinasakripisyo mo! Ang gago mo! Hindi ka nag-iisip!" nanginginig na sigaw ni Almika sa harapan ng kabaong ni Vandeon. Nasabi niya iyon dala ng sakit, hinayaan niya ang kanyang emosyon. Iyak parin siya ng iyak, nilabas niya lahat ng sama ng loob.

Hinaplos niya ang glass kung saan ang mukha ni Vandeon. Umiwas ako ng tingin dahil hindi ko talaga kayang panoorin 'to. Ang sikip-sikip ng dibdib ko.

"Are you okay?" tanong ni Triton at naramdaman ko ang kamay niyang humaplos sa beywang ko. Kumurap ako ng ilang beses. Paano kung si Triton ang nasa kalagayan ni Vandeon? Paano kung siya ang nawala? Tangina mas lalong hindi ko kaya. Huhukayin ko talaga ang kabaong niya kahit gaano pa man 'yan kalalim.

Hindi ako umimik. Lumapit ako at niyakap si Triton kasabay naman nito ang pagtulo ng mga luha ko galing sa mata. "Don't leave me, Triton, hindi ko kayang mawala ka sa buhay namin ni Zack. Huwag na huwag mo 'kong iiwan," halo-halong emosyon na saad ko habang yakap parin siya. Iisipin ko pa lang na iiwan niya ako? Tangina, hahabulin ko talaga siya. Ayoko nang maiwan pa, tama na.

Hinalikan ni Triton ang noo ko. Pinaharap niya ako sa kanya at saglit na hinalikan ang labi ko. "I won't leave you, alright? Hindi ko gagawin iyon sayo, Ariana."

"Huwag, Triton. Wag mo talaga akong iwanan kundi patay ka sa akin."

He pinched my nose. "Takot ko lang sa asawa ko." He smiled and hugged me back. Sapat na si Triton at Zack sa buhay ko, wala na akong hihilingin pang iba. Kahit gumuho ang mundo, hindi ako bibitaw. Hahawakan ko parin silang dalawa at panghahawakan ko ang mga salitang binibitawan namin sa isa't isa.

"Ngayon lang ako ulit magmura, Pre...tangina mo sagad sa buto! Tangina mo, Pre! Bakit ka nakahiga riyan? You motherfvcker! Bumangon ka riyan kung ayaw mong agawin ko ang asawa mo! Potangina mo, Pre! Huwag ka riyan humiga! Gusto mo bilhan kita ng mansyon para du'n ka humiga? Sabihin mo lang! Tangina mo talaga, Pre! Piste!" Napayuko ako ng sumigaw si Kiefer. Nasa tabi niya si Riley na halos hindi rin makahinga dahil sa kakaiyak. Lahat kaming nandito ay nagluksa, sobrang sakit talaga.

Tumingin akong muli kay Triton, walang emosyon ang mukha niya. Kuyom na kuyom rin ang kamao niya na tila duon niya nilalabas ang galit niya. Hindi siya umiyak kagaya ng kanyang mga kaibigan pero alam kong nasasaktan din siya.

Hinawakan ko ang kamay niya kaya't napatingin siya sa akin.

"Cry it out..." bulong ko.

"I can't." mahinang bulong niya ngunit nanlambot kaagad ang kanyang mga mata.

"Fvck!" paos niyang singhal at maya-maya pa ay niyakap niya ako ng mahigpit kasabay non ang panginginig ng balikat niya. He cried.

BS05: Carrying My Husband's ChildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon