Chapter 5

16.3K 315 4
                                    

Aria's POV

"Ano ba talaga ang plano ni Triton?" Kunot noong tanong ni Almika. Ang isa sa mga kaibigang nakilala namin ni Vena. Mas friendly kasi si Vena kaysa sa akin, mas marami siyang nakikilala agad. Well sino ba naman ang aayaw kay Vena? Maganda na, mabait, matapang. Sus! Imposibleng may aayaw pa. Naging mag-kaibigan kami dahil sa kagagahan niya, kidding!

Magaling kasi siyang makipaglaban noong nasa highschool pa lamang kami. Lagi siyang may kalaban sa School, minsan nga inaabangan pa siya sa labas ng gate. Ang angas ng lola niyo 'noh! Pero pag dating naman kay Skie? Walang-wala siya. Hindi niya kayang banggain ang isang Santford. Well, sino ba naman ang gagong babangga sa kanila. Kapag mahal mo pa ang buhay mo mas mabuting umiwas ka na lang.

Marami akong naririnig about kay Skie noong hindi pa naging sila ni Vena. Mayaman ang mga Santford, kapag usapang pera? Wala silang sinasanto gaya na lamang kay Triton. Ang dedemonyo nila. Wala silang pakialam kung sino na ang inaapakan nila. Napaka walang hiya talaga. Lalo na ang Alcazar na 'yon! Gigil na gigil talaga ako sa kanya. Matutuwa na sana ako e at magmo-move on na sana kaso bigla yatang bumaliktad ang lahat.

Sabi niya napadaan lang daw siya sa opisina ni Sedrex. Abat ang gago! Napadaan daw pero pumasok. Ano na naman kaya ang plano niya? Talaga bang binabangga niya ako huh.

"Hindi ko alam ang plano niya at wala rin naman akong pakialam kung ano man 'yun." ang importante ngayon ay ang kapakanan ng anak ko. Hindi ko hawak ang mundo at oras. Baka nga sa isang iglap hawak na ni Triton ang anak ko.

Hindi niya pwedeng malaman na anak niya si Zack, hindi ako makakapayag.

Asawa ko lang naman siya sa papel, kaya kong isawalang bisa ang kasal namin at isa pa may asawa na siya. Sino namang gago ang magkakaroon ng dalawang asawa hindi ba? Ayokong maging kabit, nakakadiri! At ayoko rin naman maging asawa ng Alcazar na 'yon. Kinasusuklaman ko siya.

"Paano kung ipapatay ka niya para makuha niya ang anak mo? Paano kung papasabugin niya ang bahay na 'to para mawala kayong dalawa ni Zack?"

"Sa tingin ko wala 'yan sa plano niya. Matalino ang taong 'yon, Almika. Tahimik rin kung gumalaw, masyado siyang delekado," baka nga mamaya may mangyayaring hindi ko inaasahan. Tatahimik lang 'yon pero may tinatago na palang baho sa loob.

"Mahirap siyang kalabanin alam ko pero hindi agad ako aatras. Sinimulan niya ang lahat ng 'to kaya ako ang tatapos." inis na saad ko tsaka ako tumalikod para kumuha ng maiinom. Tila sasabog na naman ako. I need to calm down kahit konti lang.

Napapansin kong kanina pa tahimik si Vena. Sobrang seryoso ng mukha niya na tila may malalim na iniisip. Mga buntis nga naman. Ano naman kaya ang iniisip niya?

"Hindi madaling kalabanin ang mga Alcazar. I know na matalino at malakas ka na ngayon, Aria, pero dapat pag isipan mo muna ito ng maigi baka sa huli magsisi ka,"

Alam ko ang ginagawa ko. Alam ko kung saan ako lulugar, at alam ko rin kung saan ako lulusob. Sa ngayon ang uunahin ko muna ay ang kaligtasan ng anak ko. Kaya naman ni Sedrex ang sarili niya, at tsaka magaling rin makipag-laban ang lokong 'yon. Hindi lang halata, minsan kasi loko-loko siya at minsan naman sobrang seryoso niya. Importante kasi ang oras sa kanya, hindi niya ugaling magsayang. Sabagay, Roswell nga pala siya, hindi nakapagtataka.

May lahi talaga silang demonyo din. Wala akong alam sa buhay ng kuya niyang si Sendrix pero kilala siya ng karamihan dahil miyembro siya ng Society na pinamumunuan ni Kiefer Montefalco. Delekado ang kanilang grupo, lahat ng members duon ay sikat, mayaman, at magaling pagdating sa pakikipaglaban. 'Yun lang naman ang alam ko sakanila, basta magagaling silang lahat na andun kaso red flag sa umpisa.
**

"Take the drugs, kill the mastermind." paalala sa akin ni Aki. Kanina niya pa paulit-ulit na sinasabi 'to.

"Alam ko ang gagawin ko, Aki." mariing sagot ko. Para namang sirang plaka 'to.

BS05: Carrying My Husband's ChildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon