Chapter 20

11.3K 229 9
                                    

Cont...

"You are not lying?" tanong ni Triton habang nakakunot na naman ang noo. Kanina pa ako naiirita rito sa kinauupuan ko. Imbes na magalit ako at maawa sa kalagayan niya parang bumaliktad pa yata ang nararamdaman ko ngayon.

Mas pipiliin ko pa ang cold na Triton kaysa rito sa isip bata na 'to, kanina pa ako nagtitimpi dito. Miski si Butler Kino ay gusto na ring umatras pero pinapagalitan naman ni Triton kapag gagalaw ito. Plano nga sana naming sabihin kay Triton na ako ito ang dating asawa niya pero sigurado akong hindi siya maniniwala dahil hindi niya ako kilala. Malamang malalaki na kami eh. Tingin niya rin sa sarili niya 10 years old, matanda na raw ako, punyeta! Ano tingin niya sa sarili niya bata pa?! Kanina pa talaga ako napipikon sa Triton na ito eh, paano ko aalagaan ang mukong na ito kung gan'to ang ugali niya? Mas masahol pa siya sa anak namin.

"I want milk," utos niya. Sumandal siya sa hamba ng kama habang nakapikit ang isang mata at ang isa naman ay naka-mulat. Gago talaga, ano na naman kaya ang trip nito?

Gumalaw si Kino sa tabi ko. Akma na sana siyang aalis nang pigilan siya ni Triton. Umarko ang kilay ko. Dapat nga kanina pa ako umalis eh dahil aasikasuhin ko pa ang kompanya ng mokong na ito pero dahil sa kaartehan niya, napasabak ako rito. 10 minutes late na tuloy ako, hindi ko pa nakakausap ang secretary niya. Kailangan ko pang ipaliwanag sa kaniya ang lahat. Lalo na sa anak namin.

"No, not you, Butler Kino, I want her to get my milk." irap na turo niya sa akin. Pasimple akong umirap pero ngumiti ng peke. Ang sarap niya talagang sunggaban.

"Magiging guardian na rin kita hindi ba? So it means sasamahan mo ako sa mga gagawin ko?"

"Gusto kong gumala sa New York, kakamustahin ko lang Lola ko, pwede mo ba akong samahan, Ate Aria?"

"O hindi kaya duon na lang din tayo matulog? Gusto kitang katabi matulog, tsaka paliliguan mo pa ako at bibihisan,"

"Mamasyal. Gusto ko rin sa Korea!"

Alam niyo, kanina pa talaga ako nagtitimpi. Ang dami-dami niyang request, sa tingin niya magagawa ko lahat ng 'yon? Marami akong gagawin sa kompanya niya, magiging busy ako at may anak din akong aalagaan. Nasa hospital parin si Zack, binabantayan siya ngayon nina Riley. Paano ko ipapaliwanag sa kaniya ito? Putcha naman kasi, Triton!

"Dami mong sinasabi." sambit ko. Nilahad ko sa kaniya ang gatas niya. Kinuha niya naman with ngisi pa, sarap talaga sapakin.

Tiningnan ko muli ang wristwatch ko. Nilingon ko si Butler Kino pero umiling siya sa akin. Argh! Paano na ito ngayon? Kailangan kong sumipot sa meeting, kundi babagsak ang kompanya niya. Bwesit naman.

"Te respice turbarentur, Duetto soror. Nec aliquid iniuriam?"

Nag-tanong ka pang bakulaw ka! Ang tanong niya sa akin, bakit daw ako upset? May problema ba raw ba? Nakakainis! Tinawag pa akong ate, mas mukha pa nga siyang mas matanda sa akin.

"Opus tamen habent officium deserere quia ego redeo hic post te." sagot ko at hindi na siya hinintay na umangal pa. Sigurado naman akong hindi niya ako paaalisin duon. But I need to go now, kundi goodbye company talaga si Triton.

Marami nga siyang kalaban at delekado ang buhay niya ngayon, ganu'n din kami ni Zack dahil related ako kay Triton.

Bukas malalaman na ng lahat na asawa ako ni Triton, legal kasi ang kasal namin kahit na nasa papel lang. Kahit ayokong tanggapin, wala na akong magagawa dahil para ito sa ama ng anak ko at para na rin sa pamilya ko. Isasantabi ko na muna ang galit ko dahil mas importante itong sitwasyon na kinakaharap ko ngayon.

"Where is your goddamn boss?!"

Rinig kong sigaw ng isang lalaki nang madaanan ko na ang meeting room. Pumasok ako sa loob habang walang emosyon ang mukha. Mukha naman silang nagulat sa pagpasok ko, nakanganga 'yung iba at 'yung iba naman ay tumahimik.

Napansin ko ring napalunok si Mr. Hudson. Sa tingin ko rin siya iyong sumigaw kanina. Palihim akong umirap.

"I'm sorry, I'm late. Something's came up. Let's start."

NATAPOS ang meeting pasadong 4pm na dahil nga nilubos-lubos ko na. Ang dami din nilang concerns about sa plano ni Triton noon, gusto daw kasi ni Triton na magpatayo ng resort pero dahil kinulang sa empleyado hindi nila agad magagawa ang plano. Wala naman akong pakialam duon kaya kinansel ko muna ang plano ni Triton. Uunahin ko muna ngayon ang kompanya niya.

Habang nag pre-present kasi ng presentation iyong kasama nuong matanda kanina, napapansin kong tila nag-uusap sila gamit ang mga mata nila. Hindi naman ako bobo para hindi mahalata iyon, 10% may traydor sa kompanyang ito. Ang tanga-tanga naman ni Triton pumili ng business partner. Nakakaumay.

"Mommy!" malakas na sigaw ni Zack. Ngumiti ako ng malaki tsaka siya sinalubong din ng yakap. Pagod na pagod na talaga ako ngayon, gusto ko ng matulog at magpahinga pero kailangan ko munang puntahan si Triton baka nagpakamatay na iyon. Kidding.

"How's your work, mommy?"

"Ayos lang naman, anak, kamusta ang pakiramdam mo? Hindi na ba masakit ang ulo mo?" Hinaplos ko ang buhok niya. Naaawa ako sa kanilang dalawa ng daddy niya. Bakit ba kasi humantong sa ganito. Pati disgrasya namana din ni Zack. Tss.

"Mammam iam non dolet. Quando video Pater?"

"For now, magpagaling ka muna ah, kakausapin ko pa ang Daddy mo. Huwag kang masyadong makulit sa mga tita mo,"

"Hindi naman po, mommy. I'm a good boy."

Ngumiti ako at hinagkan siya sa noo. Sana good boy din ang daddy mo Zack. Nakakairita na kasi siya sa paningin ko. Hindi ko na kaya ang ugali niya. Sarap ilibing.

PAGKAtapos kong patulugin si Zack. Nag pasya ako na puntahan na rin si Triton. Alas nwebe na nang gabi at sobrang tahimik na ng hospital. Naka-private ang mokong eh, hindi naman ako ang magbabayad ng bills niya kundi si Kino.

Nilabas ko ang phone ko sa bag. Chineck ko kung may updates na ba about sa mission namin. Matagal-tagal na rin kasi eh.

*Ting!"

Napasinghap ako nang mag-pop up sa screen ko ang text ni Alice. Agad ko namang binasa ang text niya. Baka may bagong mission. Ang dami ko ng palpak dahil kay Triton! Tangina.

"Makinig ka sa akin, Aria, huwag kang maniniwala sa mga taong nakapaligid sayo. May isang taong traydor, sobrang lapit lang niya sayo, mag-iingat ka."

Sino naman kaya ang tinutukoy ang ni Alice? I shrugged my shoulder and about to step again kaya lang napahinto ako bigla dahil may katanang nakatutok sa mukha ko.

Dahan-dahan kong inangat ang ulo.

"Long time no see, Spade,"

The fvck?!

"Long time no see, Mrs. Alcazar."

**
Translation: Kailangan ko ng umalis dahil may trabaho pa ako, babalikan kita dito mamaya.

Translation: Hindi na po masakit, Mommy. Kailan ko po makikita si Daddy?

BS05: Carrying My Husband's ChildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon