Chapter 6

14.4K 293 6
                                    

Aria's POV

Kanina pa ako lutang habang salita ng salita si Sedrex sa harapan ko. Hindi ko parin nakalimutan ang nangyari kagabi. Hindi ko lang matanggap na magagawa ni Triton ang lahat ng iyon. He killed Mr. Valencio para sa posisyon at bakit siya nasa bar kagabi? Bakit may pag sabog na naganap? Argh leche! Gulong-gulo na talaga ang isip ko ngayon. Hindi ko pa nga nagawa ang misyon ko.

Sobrang sama na talaga ng ugali niya. Nakakatakot na siya. Sa tingin ko may dahilan siya, kung ano man 'yon dapat kong malaman.

Binalita na kanina ang pag alis ni Valencio sa posisyon niya. Nag tagis pa ang mga ngipin ko habang pinagmamasdan ang nakakasukang mukha ni Triton. Hindi na siya basta-basta ngayon, siya na ang bagong presidente! Bwesit. Paano niya kaya nakuha ang posisyon na 'yan? Kailangan Masyado yatang mabilis at talagang tinanggap ng mga tao 'yan? Nakakaloka. Ginamitan niya na naman 'yan ng pera para patahimikin ang mga saksi.

Wala na akong laban sa kanya. Sana naman kalimutan niya na lang kami. May asawa at anak naman siya, mayaman na rin siya. Ano pa ba ang kailangan niya, gusto niya rin bang agawin ang mundo! Bwesit. Mas pipiliin ko na lamang manahimik ngayon dahil hindi ko na siya kayang labanan pa. Sobrang lakas na ng connection niya ngayon sa bansa, hindi lang siya bilyonaryo.

Ano kaya ang binabalak ni Triton?

"He's really up into something," bulong ni Sedrex. Gaya ko rin kinakabahan din ako sa pamununo ni Triton. Baka maging kriminal kaming lahat.

"Sa ngayon, iwasan mo na muna ang presensya ni Triton. Sigurado akong magiging busy siya dahil marami na siyang mga gagawin at baka makalimutan niya pa kayo."

"Sana nga."

Sana nga makalimutan niya na ang tungkol sa amin ng anak ko. Malaking responsibilidad ang pagiging presidente, hindi niya na kami kailanman maiistorbo pa. Pero pansin kong wala man lang umayaw sa pamununo niya, I mean bakit agad siyang pinili? Anong koneksyon niya kay Valencio? Kataka-taka talaga.

"Huwag ka ng magtaka bakit naging presidente si Alcazar, Aria. Mayaman siya at kaya niyang manipulahin ang mga taong naka-paligid sa kanya."

Manipulating beast.

NASA mall ako ngayon kasama ko ang anak ko. Nag pasya kasi ako na lumabas muna ng bahay since wala naman akong trabaho at isa pa kailangan kong protektahan ang anak ko. Napaisip ako, kahit naman na presidente na si Triton may kaya parin siyang saktan kami sa isang utos niya lang sa mga tauhan niya. Ayokong mangyari iyon kaya't uunahin ko muna ang anak ko.

Naka-shades kaming dalawa ngayon ni Zack. Sa totoo lang, ayaw niyang mag suot ng shades pero pinilit ko talaga. Baka kasi may makakilala sa amin dito, at baka rin mabangga namin ang tauhan ni Triton or hindi kaya si Triton talaga. Hindi naman sa takot ako, ayoko lang na makita niya kami. May plano pa naman iyong masama sa anak ko. Bwesit!

***

"Play! Play!" malakas na sigaw ni Zack nang makita niya ang WOF. Ngumiti ako ng malaki sa kanya bago kami pumasok sa loob. Maraming mga tao, halos mga bata lang naman ang naglalaro.

"What do you want to play first?" tanong ko kay Zack habang pinapalitan ko ang pera namin into tokens. Gusto ko rin mag laro ng basketball ngayon for exercise. Ayokong tumaba dahil bigat lang iyan sa katawan.

"That, mom!" Tinuro niya ang baril-barilan. Dalawa ang pwede roon kaya't tumango ako. Kinuha ko ang isang baril at binigay sa kanya, hawak ko naman ang isa.

"Let's kill those monsters, mommy!" Tuwang hiyaw niya nang makita niya na sa screen ang mga ewan ko ba kung anong klaseng mga halimaw 'to. Hindi sila nakakatakot sa halip ay nangigigil akong patayin silang lahat. Ini-imagine kong si Triton ang mga hayop na ito kaya't sapol lahat sa ulo. Hayop kang Triton ka ah! Mamatay ka na!

"Woah! You're so good, mommy!"

Of course baby dahil ini-imagine kong Daddy mo iyang mga bwesit na halimaw na 'yan. Gusto ko ngang sirain iyong screen dahil nangigigil na talaga ako.

Kinindatan ko ang anak ko at kunwaring binaril ko siya. "Aw, mommy that's hurt." sabi niya sabay hawak sa dibdib niya kunwari ding tinamaan. Tinawanan ko na lamang siya at kinurot ang pisnge, ang cute-cute talaga ng anak ko. Manang-mana ang mukha niya sa tatay niyang halimaw.

"Mommy! Car! Car!" pagkatapos namin sa duon sa nilalaro namin. Pinili na naman ni Zack ang cars. Umiling ako pero tumango din. Ang kulit-kulit niya ngayon ah, sabagay ngayon lang naman.

Siya nga pala hindi namin kasama si Sedrex dahil may importante daw siyang trabaho. Nitong mga nakaraang araw pansin kong sobrang busy niya na nga. Siguro may bago na namang pinagawa ang kuya Sendrix niya.

Mayaman kasi ang lahi nila kaya ganyan. Pinaparami pa nila lalo ang pera nila. Sikat din kasi ang mga Roswell kaya lang mas umaapaw ngayon ang Montefalco at Santford. Mas lalo na si Triton. Nabwe-bwesit talaga ako kapag bigla ko na lang siya naiisip. Piste!

*Crick*

Nabalik ako sa reyalidad nang maramdamang may bumangga sa sasakyan ko. Binalingan ko ng tingin si Zack, tumatawa ito. Ay! Jusko! Kung hindi lang talaga demonyo ang Daddy mo Zack siguro kanina ko pa iyon sinasamba dahil sa kagwapuhan. Pero waley eh, pinaglihi talaga sa hayop ang gagong iyon.

"Why are they watching us, mommy?" Pansin ni Zack sa mga taong nagkagulo na ngayon sa harapan namin. Lahat sila ay kinukuhanan ng litrato si Zack. Shit!

"Stop it!" Marahas kong kinuha ang mga camera nila. Hindi nila pwedeng kuhanan ng litrato ang anak ko kundi mananagot ako. Makikita ni Triton ang mukha ni Zack at malalaman ng mga kalaban ko na nasa Pilipinas kami! Argh shit!

"Let's go baby!" hindi ko na hinintay na sumagot ang anak ko. Mabilis ko siyang kinalong sa bisig ko sabay labas ng WOF.

Pansin ko namang wala parin silang tigil. Iyong iba ay sumusunod pa at iyong iba naman ay akalang artista ang anak ko. Tangina!

Pumasok ako sa isang restaurant. Pumili ako ng upuan malayo sa mga taong nagkukumpulan. Pambihira talaga ang mga iyon! Paano kung makita nila ang mukha ng anak ko? Patay na talaga!

"Umupo ka muna baby ah? May kakausapin lang si mommy." sabi ko kay Zack. Mabilis naman siyang tumango. Hinalikan ko ang kanyang noon bago nilabas ang cellphone.

Dinayal ko ang numero ni Aki. Nakailang ring pa 'to bago niya sagutin. "Why took you so long?!" iritado kong sigaw sa kabilang linya.

"Hey! Hey! What's wrong? What's with the voice?" takang tanong niya.

"I need your help Aki, please."

"What is it?"

"Tulungan mo akong burahin lahat sa internet ang mukha naming dalawa ni Zack baka dumating iyon sa mga kalaban at lulusubin kami rito,"

"Aright! Tatawag na lang ako kapag tapos na."

Shit! Patay na talaga ako ngayon. Bakit hindi ko ka agad napansin iyon? At isa pa hindi na kami naka shades ngayon. Punyeta!

And I'm a fvcking actress for pete's sake!

I'm doomed.

***


BS05: Carrying My Husband's ChildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon