Chapter 18

11.5K 252 29
                                    

Throwback
***
Her POV

Sampung taong gulang ako ngayon. Sa edad kong 'to, natuto na ako kung paano mag-isa sa buhay, kung paano tumayo sa sariling mga paa. Hindi naman kasi ako inaalagaan nila Mommy at Daddy eh, inuuna nila lagi ang business nila. Dahil mas importante daw 'yon dahil duon lang daw kami kumukuha ng pagkain namin. Honestly hindi naman kami mayaman talaga, siguro 'yong tamang-tama lang. Hindi naman importante sa akin ang kayamanan, sapat na ang magulang ko, kahit na wala silang oras saakin.

Nasa parke ako ngayon. Pinagmamasdan ko ang mga kapwa ko mga bata na naglalaro. Napanguso ako nang makita kong nagpapa-bonggahan na naman sila ng mga gamit nila, lagi na lang ganito kapag lalabas ako ng bahay or may pupuntahan kami ni Mommy. Sabagay mayaman naman sila, pero nakakairita sila sa paningin.

"No! My mom brought this for me!"

"It looks cheap!"

"Look at this!"

Napailing na lamang ako at akma na sanang tatayo para kunin ang bola ko,

kaya lang? May napansin akong ka-edad kong nakatayo sa harapan ko. Dahan-dahan kong inangat ang tingin, nang tuluyan ko na siyang namukhaan tila umakyat sa mukha ko ang dugo na nasa katawan ko. Bakit ang gwapo niya? Sino siya?

"Bakit?" kunot noo kong tanong habang 'di maiwasang hindi kiligin. Ang gwapo kasi niya eh, crush ko na yata siya!

"Can you come with me?"

"Bakit naman?"

"My mother wants to meet you."

Mabilis na umarko ang kilay ko.

"Hala! May ginawa ba akong masama? Bakit naman?"

"Silly. Of course you are my wife."

End.

**

Ariana's POV

Isang linggo na ang lumipas. Sa linggong 'yon labis akong nagpapasalamat dahil gising na ang anak ko at hindi ko nakita si Triton at Amber. Buti naman may hiya pa ang dalawang 'yun, wala talagang magandang idudulot ang mga 'yon sa anak ko. Wag na wag na talaga silang magpapakita sa akin, kundi ipapakulong ko silang dalawa. Ang kapal ng mga mukha nila.

"Mommy! Where's daddy?" tila nabitin sa ere ang ngiti ko dahil sa tanong ni Zack.

"I don't know where he is. Huwag mo na siyang hanapin. Tingnan mo kung anong nangyari sayo dahil sa kapabayaan ng daddy mo. Hinding-hindi ko talaga mapapatawad ang Triton na 'yon, Zack. Muntik ka ng mamatay." iniiwasan kong hindi magalit sa harapan ng anak ko. Kapag talaga usapang Triton, nabwe-bwesit ako.

"Mom, don't blame him please. Wala siyang kasalanan,"

"Walang kasalanan? Naririnig mo ba 'yang sinasabi mo, Zack? Muntik ka ng mamatay dahil sa ama mong mamamatay tao! No! I'll never forgive that jerk after what he did to you." Tumalikod ako para pakalmahin ang sarili ko. Tangina lang ah! Naluluha na naman ako. Parang ako pa ang mali sa harapan ng anak ko. Kasalanan naman talaga ni Triton dahil napaka-tanga niyang ama sa anak namin. Akala ko ba matalino ang hinapuyak na 'yon? Pero shit lang.

"Daddy is innocent, mommy. It's my fault why I almost died. I ran away because I want to be with you, mommy,"

"When I heard that daddy was leaving. I decided to leave the mansion, Mommy. I went out, ran and found my way to our house, mommy. But something came up, sorry, mommy. Daddy and aunt Amber are innocent, it's my fault. I'm really sorry, mommy, please don't blame them. Nos paenitet mammam: parce mihi."

Mabilis akong humarap sa anak ko. Bumungad sa akin ang luhaan niyang mga mata, tila milyong kutsilyo ang tumarak sa puso ko dahil sa luhang iyon. Did I make my son cry? I'm sorry, baby. Takot lang ako na mawala ka, ikaw na lang ang kinakapitan ko sa mga oras na 'to at dahilan kung bakit lumalaban ako. Natatakot ako na baka sa isang iglap iiwan mo rin ako, ayoko non, ayoko na.

"Ne me reprehendo tata, mammam,"

Bumuntong hininga ako. Dahan-dahan akong lumapit sa anak ko at niyakap siya nang sobrang higpit. Hikbi parin siya ng hibki at ito ang unang beses na nakita ko siyang umiyak dahil sa ama niyang pinagtanggol niya. I think he loves his dad too.

"Ergo ne clamorem puer, et ego veniam post tuo tata."

**

"Baby! Mabuti naman gising kana, little boy!" malakas na sigaw ni Alex kasunod niya naman sina Vena at Almika na sobrang seryoso ng mga mukha. Ano kayang nangyari sa dalawang 'to? Hindi kaya successful ang training nila?

"Aria, can we talk? I have something to tell you," kumunot ang noo ko sa seryosong sabi ni Vena. Napansin kong tumango si Alex sa akin at kay Vena. Meron sigurong nangyaring hindi maganda. Kung ano man 'yon? Kayang-kaya naman naming lutasin.

"What's wrong? Napaka-seryoso ng mukha ninyo." basag ko sa katahimikan.

"Alam mo na ba?"

"Ang alin?" taka kong tanong pero nararamdaman kong kinakabahan ako. Nagsimula na ring mamawis ang kamay ko at noo ko. Parang uminit bigla.

"Naaksidente si Triton," sagot ni Almika sabay angat ng tingin sa akin. Ako naman? Walang reaction dahil paano naman ma-aksidente ang hinapuyak na 'yon? Baka siya pa nga mismo ang babanga sa mga taong lalapit sa kaniya eh. Napaka-imposible, isang linggo pa lang eh, baka busy lang siya sa kompanya niya.

At sa linggong 'yon? Walang Triton'ng nagpakita sa akin, nagparamdam.

"Huh? Napaka-mposible!" tumawa ako ng peke para hindi mahalata na kinakabahan ako at pinagpapawisan na.

"She's right. Naaksidente si Triton, at wala siyang maalala pwera na lamang sa dati niyang asawa."

"Hindi kayo nakakatawa! Tara pumasok na nga tayo!" Akma na sana akong papasok ng...

"NAGSASABI KAMI NG TOTOO, NAAKSIDENTE SI TRITON AT WALA SIYANG MAALALA PWERA SA'YO NA DATI NIYANG ASAWA! KAILANGAN KA NIYA NGAYON ARIA, KAILANGAN NIYA ANG TULONG MO, BUMALIK SA 10 YEARS OLD ANG ISIP NIYA DAHIL NA TRAUMA SIYA SA NANGYARI,"

Tila nanigas ako sa kinatatayuan ko.

"Pwede ba tama na ang bangayan, Aria, hindi na kayo mga bata pa. May anak na kayo at kahit baliktarin mo pa ang mundo kasal parin kayo ni Triton Alcazar, asawa ka parin niya. Kailangan ka niya ngayon, lagi ka niyang hinahanap, minsan nga sinasaktan niya na ang sarili niya. Hindi namin siya malapitan dahil nagagalit siya,"

"Nangangamba ako ngayon sa buhay niya dahil maraming gustong pumatay sa kaniya. Kapag nalaman ng mga kalaban niya ang nangyari ngayon sakan'ya or sa kondisyon niya? Gagawa ang mga 'yon ng plano laban kay Triton. Walang laban ang 10 years old na Triton, Aria."

"Ano ang gusto mong gawin ko?" labag man sa loob ko, wala na akong magagawa. Ama siya ng anak ko at may kasalanan din ako dahil inakusahan ko siya ng kung ano-ano at sinabihan ng mga masasakit na salita.

Kahit baliktarin pa ang mundo. Legal parin ang kasal namin, punyeta!

"Since asawa ka naman ni Triton, ikaw na muna ang magpapatakbo sa kompanya niya. Maraming mga plano noon si Triton pero ngayon nakalimutan niya na, you knew him? Pag usapang pera wala siyang sinasanto, may gagawin talaga siya. Sigurado akong 10% sa mga investors niya ang deny sa kaniya ang hindi loyal, ang gusto siyang pabagsakin. Nangangamba na nga ngayon ang Butler niya dahil wala ng a-attend sa mga meetings." mahabang saad ni Almika.

Nagpakawala muli ako ng malalim na hininga. "Paano si Amber?"

"Si Amber? Hindi naman talaga sila kasal ni Triton, bale palabas lamang ni Alcazar ang lahat."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Malalaman mo din."

Yeah, because I was his damn wife! Years ago.

**

Translation: Please forgive me Mommy, I'm sorry.
Translation: Don't blame my Daddy, Mommy.
Translation: Don't cry now baby, I'll apologize to your father later.

***

BS05: Carrying My Husband's ChildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon