Chapter 19

8.5K 211 24
                                    

***
Someone's POV

I just came home from States, at ito agad ang bumungad sa akin. Ang nakaratay na katawan ni Triton, walang malay at halos hindi na mamukhaan ang mukha niya dahil sa pasa at benda. It hurts to see my friend in this situation, I didn't expect this to happened for him kasi kilalang-kilala ko ang mokong na 'to eh, he's one of my strongest friends in our society. When it comes to money? He's ruthless, wala siyang sinasanto. Well lahat naman kaming nasa society wala talagang sinasanto. Lamang lang sa kayamanan ang gagong 'to dahil pati Pilipinas pinamumunuan niya na. He's too powerful among us, but Vandeon is the scariest species lol.

I looked at him at halos mapatalon ako sa kinatatayuan ko nang makita ko siyang nakaupo na ngayon habang naka kunot ang noo. Ngumiti ako nang mapakla sabay kamot ng ulo ko. Parang umurong yata ang dila ko ngayon ah, awang-awa ako sa mokong na 'to. Ang dami niyang plano sa buhay niya. Pero wala pa akong naririnig or nakikitang issue about sa pagka-hospital niya. The use of the money.

"Who are you?" matigas na tanong niya. Umarko naman ang kilay ko at tumawa ng napakalakas. Anong trip ng lokong 'to?

"Naku tol! 3 months pa lang tol nakalimutan mo na agad ako? Ibang klase ka ah!" singhal ko at akma na sana siyang tatapakin sa balikat nang may pumigil sa akin. Mabilis ko naman 'yong nilingunan. Napasinghap ako ng makilala ko kung sino ito. Fvcking Velasquez!

"Don't touch our patient, Mr. Donovan, we'll talk outside it looks like you didn't know everything what happened here."

***
Yeah. He lost everything, ang swerte-swerte ng babaeng 'yon dahil siya lang ang naalala ni Triton, pero kahit na ganu'n? Tutulungan ko parin siyang makaalala dahil sayang ang mga pinagsamahan namin. Alam kong marami siyang kalaban ngayon at kapag nalaman nilang nasa ganitong kalagayan si Triton, sigurado akong gagamitin nila ang opurtunidad na 'to para talunin siya at pabagsakin. Hindi namin hahayaan na mangyari iyon, hindi namin ginawa ang groupo para sa mga walang kwenta. We build the group to maintain our monies, ourselves, and also to help each other, we care each other, we are all billionaires but money for us is nothing without our everything.

"How can we help him?" tanong ko kay Kace.

"Let his wife deal with this, Donovan. I heard na may kasalanan din ang asawa niya sa kaniya kaya bumabawi ngayon. Let see kung anong makakaya ng asawa ni Alcazar. Bali-balita rin na sikat na artista pala 'yon and guess? She's also a secret agent I think?"

"I don't give a damn when it comes to our friend, Velasquez, I don't care who the fvck is that girl. I'm going."

Wala rin naman akong mapapala kung tatagal ako rito dahil hindi rin naman ako makikilala ni Triton. Mas mabuting uuwi muna at magplano baka gagalaw na iyong ibang organisasyon tapos hindi pa kami handa. We can't lost here, we can't lost in this battle, we must fight until the end.

Nilabas ko ang phone ko sa loob ng bulsa. Akma ko na sanang tatawagan ang asawa ko nang may bigla na lamang may bumangga sa akin.

"What the fvck is wrong with you?!" iritado kong tanong sabay pulot ng phone ko. Tangina naman. Ang tanga-tanga, ang lawak ng hallway ng hospital, babangga pa. Piste!

"Watch your fvcking step too, Mr." irap na sagot niya tsaka niya ako tinalikuran. Tanginang babaeng 'yon ah!

***

Ariana's POV

Bakit ang daming tanga ngayon sa mundo? Isa na roon ang lalaking bumangga sa akin kanina. Hindi naman kasi siya tumitingin sa dinadaanan niya, may hawak siyang cellphone, duon lang yata umiikot ang tingin niya kaya niya ako binangga or papansin lang talaga ang mokong. Argh!

Iritado akong lumakad ulit. Mabuti na lang hindi masyadong kalayuan ang room ni Triton. Dadalawin ko kasi siya, titingnan ko kung nagsasabi nga ng totoo ang mga kaibigan ko baka mamaya kasabwat din pala nila si Triton. Nagpakawala ako ng malalim na hininga, dahan-dahan kong binuksan ang pintuan, buti na lang hindi naka-lock. Pero bakit hindi nilock? Mag-isa lang kaya si Triton ngayon sa loob?

Gusto ko rin namang humingi ng tawad dahil sa ginawa kong pagbintang sa kaniya at sa mga salitang binitawan ko. Alam kong masakit 'yon dahil miski ako ay nasasaktan din, hindi ko naman sinasadya iyon eh, mahal ko lang talaga ang anak ko at natatakot ako. Hindi ko na talaga mapigilan ang emosyon ko.

Nang tuluyan na akong makapasok sa loob. Unang tumambad sa akin ay ang mga gamit na hindi ko alam kung para saan, may nakikita rin akong scrambles, baraha, at kung ano
-ano pa. Sigurado kaya sila Vena na ito talaga ang room ni Triton? Bat mukhang hindi.

Humakbang muli ako patungo sa kama kaya lang bigla akong napaatras dahil may bumato ng vase malapit sa pwesto ko. Halos himatayin ako dahil ang bilis ng galaw non.

"I said! I want my wife! I want my wife! Alin do'n ang hindi mo maintindihan? You want me to call the guards and drag you out here?!"

Boses ni Triton 'yun sigurado ako pero shit bakit ako kinakabahan? Sabi nina Vena bumalik sa 10 years old ang isip ni Triton pero bakit mukhang hindi naman. Parang siya parin si Triton na usually na kilala ko.

"Young master Frost, patawad po pero kailangan niyo pong kumain para gumaling kayo at lalakas ang katawan ninyo,"

"I don't want to eat! I want my wife! My wife only, Bulter Kino!" this time sure na akong bumalik nga talaga siya dahil sobrang kulit niya at maiinitin din ang ulo.

Ang dali lang kasi mainip ni Triton. Noong mga bata pa kami lagi niya akong iniinis at ang dali niya ring mapikon at mainip, sobrang suplado niya pa. Kaya hindi ako nagkakaroon ng mga lalaking kaibigan dahil sa mokong na Triton na ito. Hindi ko inaasahan na sa kaniya ako magkakaroon ng anak. Sa taong kaaway ko pa.

Tinatawag niya akong asawa noon kahit ang bata-bata pa namin. Ayaw ko naman talaga sa kaniya pero mapilit siya. Sabi niya kapag lumaki na kami gagawin niya ang lahat mapakasal lang ako sa kaniya. At sa tingin ko nagkakatoo nga 'yon. Nagka-utang ang pamilya ko sa kaniya, ang tanging paraan ay pakasalanan siya at bigyan ng anak. Madungis ka na tao Triton. Ang laki ng pinagbago niya ngayon. Mas lalo ata akong napikon sa kaniya.

"Pero--"

"I'll call the guards right away!" malakas na sigaw ni Triton. Kaya naging alerto na ako, tinakbo ko ang pagitan namin. Lumapit ako sa kama kasabay naman non ang pag pansin sa akin ni Butler Kino. Bagong Butler niya ba 'to? Nalaman ko lang pangalan niya dahil binanggit ni Triton kanina lang.

"Uhm..." panimula ko at nilingon si Triton na ngayong nakakunot noo dahilan ng pag tibok ng puso ko. Parang tumigil ang oras, naluluha ako ewan ko kung bakit, ewan ko kung bakit ako nasasaktan. Hindi ba nga dapat galit parin ako? Anong nangyayari? Nasasaktan din ako.

"Who are you?" basag niya sa katahimikan. Saglit akong natigilan.

"Why are you here? Is she your wife, Butler Kino?" Lumingon siya sa Butler niya kasabay nito ang luhang tumulo galing sa mata ko. Hindi niya rin ako maalala. Maybe I was the girl he met years ago but it changed now. I'm a grown woman now, he can't recognize me anymore and that hurts the most.

"I...I..."

"I want my wife, Butler Kino. Kindly drag this big woman out? I want peace."

Big woman?

"Tangina mo, Triton! Mas malaki ka pa sa akin kaya huwag mo akong ma-big woman diyan kung ayaw mong matadyakan kita! Nasa 10 years old ang pag-iisip mo pero tangina ka parin!" hindi ko na talaga kinaya. Padabog kong sinara ang pinto. Ayoko siyang makita.

"Hurry up! Go get her!"

Narinig kong sigaw niya pero hindi ko gaanong narinig iyon. Pinunasan ko ang luha ko at akto na sanang lalabas nang marinig ko ang boses ni Butler Kino na naghihinalo. Pinunasan ko ang luha ko.

"Miss! Miss! Teka!"

"Ano po 'yon?" mapakla akong ngumiti.

"Anong pangalan mo?"

"I'm Thesra Ariana Desmina po."

***

BS05: Carrying My Husband's ChildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon