Chapter 27

10.5K 218 1
                                    

Ariana's POV

"Are you feeling good now?" tanong ni Almika. Ngumiti ako at tumango. Mabuti na lang andito si Almika, kung wala siguro siya kanina pa ako naghihinalo dito dahil sa sama ng loob. I need to forget them, they were my past friends, minahal ko rin sila. I'll treasured our past memories. I'm sorry.

"Dadalawin ka ng anak mo rito mamaya. Kagabi pa raw iyon umiiyak sabi ni Riley, mukhang sobra talaga iyong nag-aalala sayo,"

"I badly want to see my baby too." sagot ko at dahan-dahang bumaba ng kama. Hindi naman masyadong masakit ang buong katawan ko, kaya ko naman tumayo at lumakad-lakad pa but I lost my strength a bit. Iyong tipong wala pa akong labang sumuntok or sumipa. Inangat ko ang tingin ko kay Almika, nagliligpit siya ng gamit niya ngayon habang may cellphone sa tainga. Mukhang inis na inis na siya dahil sa mukha niya. Kuyom din ang mga kamao niya.

Kumunot ang noo ko. Sino ang kausap niya? Kapansin-pansin ang panggigigil sa kausap.

"Tangina mo rin! Kung sinama kita rito baka ikaw pa mapatay ko!" sigaw ng babae sa kabilang linya.

"Aba! Ang gaga mo kasi! Ang tanga mo rin! Papunta na ako riyan! Bwesit ka!" malakas din na mura ni Almika. Mukhang nag-aaway na naman sila ni Vena. Halata namang si Vena iyong kausap niya sa kabilang linya dahil sobrang high-pitch ng babaeng iyon.

Ngayon ko lang ulit sila nakitang nagbabangayan, kung andito lang si Vena baka kanina pa sila nag-sasabunutang dalawa.

"Oo ayos lang siya, sa katunayan nga gising na siya pero huwag mo muna kausapin baka mabaliw at maging tanga tulad mo,"

"Tangina mo sagad!"

"You're welcome." ngising sagot niya kay Vena sabay baba ng cellphone niya. Napasinghap na lamang ako sa kanilang dalawa. Kinuha ko ang phone ko na nasa tabi ko, tiningnan ko kung may missed calls ba galing kay Zack. Napangiti ako nang malaman na meron nga.

I missed my son. Nitong mga nakaraang araw wala na akong oras para sa kanya. I badly want to see him now, kaya ko naman ang sarili ko kung sakaling iiwan ako ngayon ni Almika. May nalaman din ako sa kanya at sapat na iyon para pang hawakan ko kahit na napaka-imposible.

"Aalis na ako. Ayos ka lang dito talaga?"

"Yep! Thank you, Almika!"

"You're welcome, sis!" Hinagkan niya ako sa noo bago umalis. Ngumiti ako at kumaway sa kanya.

Nang mawala na siya sa paningin ko. Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga. Naalala ko iyong mga salitang binanggit ni Almika, akala niya hindi ko narinig iyon pero nagkakamali siya, sila. Alam ko na, nagpapanggap lang si Triton na wala siyang maalala, dapat nga magalit ako dahil niloko niya ulit ako pero hindi ko kaya, hindi ko kayang magalit sa kanya dahil mas lalo akong nag-aalala ngayon sa kalagayan niya kahit na napuruhan din ako. Ginawa lahat ni Triton ito para sa amin ng anak niya, akala ni Almika nasabi niya ito sa isip niya pero hindi, nabanggit niya rin.

Nagpapasalamat ako dahil kilalang-kilala niya ang taong minahal ko noon hanggang ngayon. Mahirap aminin dahil ayokong masaktan ulit, ayokong maiwan ulit sa huli. May Amber siya noon, may anak din na babae. May anak kami pero tinago ko dahil sa napaka-gago niya noon but I know he has a reason for doing that. And I want to know everything behind this battle.

Inangat ko muli ang tingin ko nang mapansin kong bumukas ang pinto. Niluwa nito si Triton na walang saplot sa katawan kaya't kitang-kita ko ang benda sa tagiliran niya.

Napalunok ako at mabilis na umiwas ng tingin sa kanya. Nakakamatay ang tinging iyon, naiilang din ako dahil naaalala niya pala ang lahat pero hindi niya sinabi sa akin. Tangina! I should be angry right now because he lied to me. I need to stay mad at him! But fvck! How can I? I already fell for this devil prince, and I can't do anything about it. 

BS05: Carrying My Husband's ChildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon