Chapter 4

17.3K 335 6
                                    

Aria's POV

"What?! Is he crazy?!"

"Sana nga nababaliw lang ang lalaking 'yon, Vena, pero shit lang! Mukhang totohanin niya ang plano niya sa anak ko." angil ko habang mahigpit na hinahawakan ang hamba ng hagdan.

Kanina pa ako paikot-ikot dito sa bahay, wala na naman ang dalawa dahil may gagawin daw sila. Mas okay naman 'yun para hindi na mag-abala si Sedrex kung sakali. Kasama ko si Vena ngayon, wala naman daw siyang gagawin sa mansyon nila kaya't dumalaw siya sa akin. Argh! Kanina pa talaga ako nangigigil kay Triton, minsan talaga topakin ang hayop na 'yon. Subukan niya lang kundi magkamatayan talaga kami. Hindi ko siya aatrasan.

"Huwag mo kong tingnan ng ganyan kung ayaw mong hagisan kita ng baso." sambit ni Vena dahilan ng pag iwas ko ng tingin. Mukhang sa kanya ko nabunton ang galit ko kay Triton. Nakakabwesit naman kasi. Sarap bangisan.

"Nakakainis naman kasi siya! Anong gusto niya? Magkamatayan kami?!"

"Alam mo, Aria? Kumalma ka nga muna. Ang dapat mong unahin ngayon ay ang kaligtasan muna ni Zack, ipa-cancel mo muna ang lahat ng schedules mo sa kompanyang pinagtratrabahuan mo."

Tss! Pairap akong bumaba ng hagdan. Tinungo ko ang kusina tsaka kumuha ng malamig na tubig. Tama nga si Vena, uunahin ko muna ang anak ko ngayon, at isa pa hindi naman kulang ang pera ko. Marami na akong pera ngayon, hindi na ako tulad ng dati na inaapak-apakan lang. Punyetang mga Alcazar. Hanggang ngayon ba naman ay hindi pa siya tapos sa ginagawa niya.

Ang tanging gagawin ko lamang ngayon ay protektahan ang anak ko at ipa walang bisa ang kasal namin. Argh! Isa pa 'yon, kasal pa daw ako sa kanya. Letche!

"Argh! Kanina pa talaga ako nangigigil kay Triton, ang sarap niyang ipapatay." galit na untas ko.

Narinig kong tumawa ng malakas si Vena sa likuran ko. Hindi ko siya pinansin, sa halip ay pinagtuusan ko nalang ang baso ko. Paano kung ipapatay ko na lang kaya si Triton? Baka malaking gulo ang haharapin ko. Hindi pa naman ordinaryong tao ang mga Alcazar, may lahi silang demonyo, hayop. Katulad ni Triton, hayop siya.

"Hay naku, Aria. Alam kong galit na galit ka na ngayon kay Triton. Kumalma ka nga muna,"

"Kakalma?! Kalmado pa ako sa ngayon Vena, kalmado pa." kahit na ang totoo niyan ay gusto ko nang pumatay ng hayop. Bumuntong hininga ako, nilagok ko ang huling basong tubig tsaka nagpasya na lumabas muna ng bahay. Pupuntahan ko ang anak ko sa Roswell Company.

Naalala ko na may schedule pala ako ngayon duon. Ipapa-cancel ko na lang muna. Mula sa araw na 'to, pro- protektahan ko muna ang anak ko kahit na minsan may mission akong ginagawa.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Vena. Binalingan ko siya ng tingin. Ngumiti ako ng malamya sa kanya.

"Susunduin ko lang ang dalawa." sagot ko. Mabilis namang tumaas ang kilay niya. Tinapunan niya ng tingin ang suot ko kaya't napatingin rin ako sa sarili ko.

"Baka hindi mo napapansin naka pantulog ka parin."

"Shit!"

***

"Good morning, Miss Desmina!"

"Oh my! Si Miss Thesra nandito?"

"Ang ganda-ganda niya talaga 'noh?"

"Wahh!"

Taas noo akong pumasok sa loob ng Roswell Company. May dalawa akong bodyguards sa likod for incase na may sabunutang mangyayari, or dadaluhan ako ng mga fans ko. Hindi naman ako takot sa mga kalaban ko, ayoko lang may lumalapit sa akin na mga tao kapag nakilala nila ako kaya may bodyguards ako.

BS05: Carrying My Husband's ChildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon