Prologue

38.1K 536 29
                                    

A/N: UNDER EDITING ang story. Kung naguguluhan kayo, nauumay sa story, huwag nalang pong basahin. Salamat.

***

Ariana's POV

*Pak!"

Isang malakas na sampal ang gumising sa sarili kong diwa. Mabilis akong bumangon sa higaan ko tsaka ko nilingon ang taong may gawa nito. Tumambad sa akin ang malaking ngisi ni Amber habang may hawak na balde. Siya ang girlfriend ni Triton, siya ang mahal na mahal ni Triton, habang ako naman ay pambayad lang ako sa utang ng magulang ko.

Lagi niya akong tinatrato nang ganito. Miski si Triton ay sinasaktan din ako minsan. Sobrang sakit sakit na pero pinilit ko ang lahat para sa magulang ko at para sa batang nasa sinapupunan ko. I'm 8 weeks pregnant pero hindi ko sinabi kay Triton dahil ayokong malaman niya. Ayokong bumuti ang pakikitungo niya sa akin dahil sa anak ko. Kapag lumabas na itong anak ko sigurado akong ilalayo niya ito sa akin.

Pinakasalan ko lang naman siya dahil sa sampung milyong utang namin. Bibigyan ko raw siya ng anak, at pagkatapos ay magiging malaya na ako. Ngunit hindi ko yata kaya ang ganu'n, na mawalay sa sarili kong anak. Hindi ako makakapayag.

"Saan na ang mga test results mo sa hospital?" mataray na tanong ni Amber. Lumunok ako para iwasan ang galit. Hindi ko siya pwedeng saktan kahit na gustuhin ko man. Sinabi niya kay Triton na buntis siya kahit na ang totoo niyan ay hindi. Hindi niya mabibigyan ng anak si Triton dahil sa sakit niya.

"Nasa cabinet ko." Timping sagot ko sabay hawak sa tummy ko. Gagawin ko ang lahat para hindi makuha ni Amber ang anak ko. Tatakas ako sa mansyong ito! Wala na akong pakialam kung ano man ang mangyari sa akin.

"Lagi mong ipapasok diyan sa kukote mo ang plano natin, Aria. Huwag kang tatanga-tanga kundi ako mismo ang papatay sa magulang mo." Mariin niyang sambit. Hawak niya na ngayon ang mga test results ko, ngayon ko lang ito binigay sa kanya dahil kahapon nalaman niyang nagsusuka ako.

"Matagal na pala ito pero hindi mo agad sinabi sa akin? May plano ka bang tumakas sa deal, Aria? Gusto mo ba talagang mamatay ang magulang mo?"

"A-Ayoko!" mabilis na sigaw ko.

"Huwag mong sabihin kay Triton na buntis ka. Dapat ako lang ang buntis sa atin, Aria! Kapag lumabas na ang batang iyan magiging akin 'yan. Tandaan mo ito lagi." Pagkatapos niyang sabihin ang lahat ng iyon, lumabas kaagad siya ng kwarto ko habang dala-dala ang mga test results ko.

Hindi ko na napigilan ang luha ko. Kusa na lamang itong tumulo.

"Hindi niyo makukuha ang anak ko!"

Gusto kong lumaban ngunit buhay nina Mommy at Daddy ang malalagay sa panganib. Kayang-kaya ko naman 'yon, pasalamat siya't natatakot ako kay Triton. May mas karapatan kasi siya kaysa kay Amber.

***

Pagkalipas ng limang minutong pamamalagi ko sa loob ng kwarto ko, nag pasya ako na lumabas muna. Naka ramdam na kasi ako ng gutom. Ayaw ko namang gutumin ang anak ko.

Dahan-dahan akong humakbang sa hagdan kaya lang ay nakasalubong ko si Amber sa ibaba. Taas kilay niya akong tinapunan ng tingin, mukhang may binabalak na naman ang gagang 'to. Pasalamat talaga siya pinaninindigan ko itong plano namin.

"How's your feeling?" malumay na tanong niya sanhi ng pag kunot noo ko.

"Bakit?"

Ngumiti siya sa akin. Kinuha niya ang isang kamay ko tsaka niya ito nilagay sa balikat niya. Kumunot pa lalo ang noo ko lalo na't nakikita ko ang saya sa mukha niya. Ano na naman kaya ito?

"Ano-" hindi ko natapos ang sasabihin ko nang bigla siyang umatras at nasangga niya ang mamahalin na vase ni Triton dito. Nanlaki ang mata ko, hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Nasa ere parin ang kamay ko. Oh my God!

"Ano bang problema mo, Aria! Gusto ko lang naman sabihin kay Triton na malusog ang anak namin! Bakit mo ako tinulak! Paano kung makunan ako?!" iyak na lintanya dahilan nang pag atras ko.

"A-Ano?" kinakabahan na tanong ko.

"Sa-"

"What the fvck did you do again this time, Aria!" tila nanigas muli ako sa kinatatayuan ko nang marinig ko ang galit na boses ni Triton.

Hinawakan niya ako sa braso sabay tulak sa akin kaya't tumama ang likod ko sa hamba ng hagdan. Kinagat ko ang labi upang pigilan ang sakit. Hold on, baby. Naiiyak na rin ako. Hindi ko na kaya rito!

Nilapitan ni Triton si Amber habang igting ang mga panga nito. Umiwas ako ng tingin, sobrang sakit ng likod ko.

"Fvck! Are you okay?! How's our baby?"

W-Wala kayong anak! Hindi ninyo makukuha sa akin ang anak ko!

"H-Hindi ko-"

"We'll talk later, Aria." Mariin na sabi ni Triton tsaka niya inalayan si Amber paakyat. Hindi ko siya sinagot sa halip ay lumabas ako ng mansyon habang may luha sa mga mata.

Hindi ko na kaya! Ayoko nang manatili sa mansyon na ito. Gusto kong lumayo na, wala akong pakialam sa utang namin. But how about my parents? Paano kung papatayin nila ang magulang ko?

"Ma'am!" hindi ko nilingon ang gwardiyang tumawag sa akin. Patuloy lamang akong tumatakbo hanggang sa nakaapak na ang mga paa ko sa labas ng mansyon.

"Hindi niyo na ako makikita! Walang hiya kayo!" galit na untas ko. Lumabas ako ng subdivision, tinungo ko ang hallway. Uuwi na ako sa bahay namin, luluwas ako ng ibang bansa para takasan ang Alcazar na iyon. Alam kong hindi niya ako titigilan pero kailangan ko na talagang lumayo ngayon. Tama na ang sakit! Ayoko na! Mag sama sila ng girlfriend niyang higad. Bagay na bagay naman sila.

Hindi ko kayo mapapatawad.

Hinawakan ko ang pasa na natamo ko sa mga kamay ni Triton. Umigting ang panga ko dahil sa galit.

"Hindi mo anak itong dinadala ko, Frost Triton Alcazar," mahinang bulong ko. Umupo ako sa sementong upuan habang lumuluha. Hinding-hindi ko talaga ipakilala saiyo ang anak mo, Triton! Tandaan mo ito!

"You piece of shit!" nasa gilid ako ng kalsada ngayon. Huminto muna ako dahil masakit ang paa ko. Malayo-layo narin naman ako sa mansyon ni Triton. Sigurado akong hindi niya ako mahahanap agad.

"Miss?" tawag ng isang lalaki pero hindi ako lumingon. Tangina! Ngayon lang ako nakalabas ng mansyon, pakiramdam ko hinahabol ako ni kamatayan.

"Miss?" tawag na naman niya sa akin. Lumunok ako. Mabilis kong pinunasan ang luha ko.

Binalingan ko siya ng tingin.

"Anong kailangan mo?" Nanginginig na tanong ko. Kapag tumagal pa ako rito, paniguradong mahuhuli ako ni Triton.

"I think you need my help?"

***

Sa araw na iyon, nakilala ko si Sedrex Roswell. Isa sa mga pinakamayaman dito sa bansa. Tinulungan niya akong tumakas, tinulungan niya din ang pamilya ko na lumipad ng ibang bansa. Hindi ko sinabi kay Sedrex na may malaki kaming utang, tama na itong tulong niya ayoko ng dagdagan pa.

Kaya't nagpapasalamat ako kay Sedrex, kung hindi dahil sa kanya hindi ako makakalaya sa impernong mansyon na iyon.

Mahal ko si Triton. Matagal na. Noong mga bata pa lang kami, crush na crush ko na siya pero hindi ko inaasahan na masama pala siyang tao.

Malaki na talaga ang pinagbago niya.

"You'll be his daddy, Sedrex." Ngiting usal ko habang hawak ang maliit na kamay ng anak ko. Shit! Naiiyak ako. Sobrang gwapo ng anak ko, may dimple siya sa kabilang pisnge.

"Zack Frost Roswell."

***
Fan na fan talaga ako ni Jack Frost kaya ganern ang name ni baby Frost kekeke. Happy reading! I changed the plot. 🤧

BS05: Carrying My Husband's ChildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon