Chapter 14

12.1K 292 19
                                    

No, I'm not scared of him, how many times do I have to tell this to myself? But goddamn it! Sumosobra na talaga ang hinapuyak na 'yon. Umaapaw na talaga ang kademonyuhan niya, nakakainis! Nakaka-bwesit! Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Buti na lang pinalayas ako ni Arkelix, kundi baka patay na ngayon ang anak ko. Pero sa nakikita ko kahapon hindi naman niya sinasaktan ang anak ko at wala rin namang galos sa katawan si Zack, alam niya na kaya'y anak niya si Zack?

Mabilis akong umiling. Nilabas ko ang cellphone ko mula sa loob ng bag tsaka tinawagan ang number ni Vena. Nasa mall ako ngayon, kasama ko ang anak ko. Bakas nga sa mukha niya na bagot na bagot na talaga siya. Umiba na talaga ang ugali ng anak ko, namana niya na talaga ang lahat sa ama niyang may sayad sa utak. He even punched Arke on the face yesterday, syempre pinagsabihan ko. Ako na nga 'tong tinulungan, nanapak pa ang anak ko. I don't know what's the reason but maybe I can ask him later.

Nilingon ko ang anak ko na nakabusangot ang mukha. Sobrang natuwa talaga ako kahapon dahil sa wakas ay nakita ko na ang nag-iisa kong anak, at wala pa siyang galos sa katawan. May awa rin pala ang gagong 'yon pero asa naman siyang makukuha niya pa ang anak ko sa akin.

"Mommy, I don't want here! We should stay at home, baka sasaktan na naman tayo ng mga bad guys." malumay na reklamo niya. I know you're scared, baby, but don't worry, mommy will stay with you and protect you no matter what happens.

"Oh, my cute little demon, don't worry I can fight back, son. You're the most important for me, I can't let those idiots hurt you or take you away from me, I love you okay?"

Hinaplos ko ang buhok niya tsaka hinalikan ang buhok. Napapikit ako ng mariin dahil tila may nagmamasid sa amin, tila pinapanuod nito ang bawat galaw namin. Dahan-dahan kong minulat ang mga mata, hindi nga ako nagkakamali, may sumusunod nga sa amin! Tangina! Hanggang kailan mo 'to gagawin sa amin, Triton! Napaka-walang hiya mo talaga.

"Mommy? You're spacing out again?"

"N-Nothing, let's go." hindi ko na siya hinintay na sumagot. Mabilis kong hinila ang anak ko papalayo sa kinaroroonan namin. Hindi sila titigil hanggat hindi nila kami nahuhuli, punyeta talaga ang mga 'yan eh, parang mga asong naliligaw.

"I think someone's following us, mommy. Can you feel it?"

"Don't. Just keep walking, Zack."

Pumasok kami sa isang shop, sinalubong kami ng mga sales lady, tanging ngiti lang ang ginawad ko sa kanila. Pinaupo ko si Zack sa couch tsaka tinawagan muli si Vena. Luminga ako sa paligid habang hinihintay na sumagot si Vena pero shit lang! Hindi siya sumasagot. Nakakailang call na ako wala parin, ano kaya ang nangyari sa babaeng 'yon? Kung kailan ko siya gustong makausap siya naman ang wala.

"Mommy?"

Tawag ni Zack sa akin pero hindi ko siya pinansin sa halip ay luminga muli ako sa paligid habang hinihintay na sumagot si Vena. 'Tong impaktang 'to, lagot 'to sa akin pag nagkita kami.

"Mommy?"

"Zack, please not no—" hindi ko natapos ang sasabihin ko nang bumungad sa harapan namin ang bulto ni Triton.

Mabilis akong napatayo sa kinauupuan ko. Hinablot ko ang anak ko tsaka ito tinago sa likuran ko.

Shit! Anong ginagawa ni Triton dito? Ang walang hiya, para talagang aso! Sunod ng sunod bwesit.

"What do you want?" matigas na tanong ko pero nararamdaman kong nanginginig ang kamay ko habang hawak si Zack sa kamay.

"What do I want? I want to take my son with me,"

"SON? Nahihibang ka na ba? Or baka naman nasapian ka? Wala kang anak sa akin, Triton Alcazar, at kung meron man? Matagal ko nang pina-abort dahil wala kang kwentang ama at asawa!" galit na untas ko pero tumawa lamang siya ng mahina. Kuyom ang mga kamao niya at tagis rin ang panga niya. Alam kong galit siya, pinipigilan niya lang ang sarili niya. Mabuti naman marunong magpigil ang hayop na 'to.

"Do you want me to show you the evidence?"

Anong pinagsasabi ng lokong 'to.

"What evidence?"

Ngumisi muli siya sa akin. Binuksan niya ang coat niya tsaka nilabas ang brown na envelope. Sinamaan niya ako ng tingin bago itapon sa harapan ko ang envelope.

"See it with yourself, kapag anak ko talaga si Zack? And you don't want to give him to me? We will meet in court, Miss Ariana. I don't give a shit so be careful reading that shit and deal with me or else."

Binuksan ko ang loob. Napasinghap ako nang makita ko ang resulta. Alam ko namang anak niya talaga si Zack pero hindi ako makapaniwala na gagawin niya 'to sa amin. Pina-imbestigahan niya kami. Lumunok ako, pinatatag ang sarili. Nakatingin lamang siya sa akin, hinihintay ang magiging reaction ko. Damn it, I can't believe this.

"That's fake! Wala akong anak mula sa'yo!"

"You're still stubborn and hard to handle, Ariana. Why can't you just give up? You can't fight back with me, you don't have any power to beat me."

"Wala akong kapangyarihan na labanan ka pero asa ka namang ibibigay ko ang anak ko sa 'yo! Walang hiya ka! Sinaktan mo ako noon tapos ano? Hahabol-habol ka na parang aso ngayon? Hindi ka ba talaga nagsasawa? May anak kana at may asawa. Huwag mo na kaming guluhin dahil nanahimik kami!" malakas na sigaw ko dahilan ng pag dilim ng mukha niya. Mabilis niyang hinila ang panga ko, at nilapit sa tainga ko ang labi niya.

"Habang nananahimik ka, hindi ako matatahimik kaya't ang hiling mong katahimikan ay hindi matutupad."

"You left me, you take my son away from me, everything belongs to me,"

"It's my turn now, I'll take everything that means to you. Don't blame me because you chose it."

Tila napipi ako matapos niyang sabihin 'yun. Kusa na lang ring tumulo ang mga luha ko, naninikip ang dibdib ko, hindi ko na naman alam kung bakit.

"A-Ang sama-sama mo!"

"That's how it works. Since nagmamatigas ka parin. Magkita nalang tayo sa korte."

I stunned.

"You want this right? Let's see who will win, Ariana." walang pilyong sabi niya tsaka kami iniwan. He didn't take my son, nasa tabi ko siya at walang kai-ideya sa mga nangyayari.

Nanunubig ang mga mata ko. Hindi ko kayang ibigay sa kanya si Zack. Alam ko naman ang patakaran ng korte, nasa tamang edad na si Zack at pupwede niya na itong makuha sa akin, but I won't let him. Fvck, tatakbo na naman ang pera sa mga kamay niya.

"Mommy?"

"Don't cry, mommy." humarap siya sa akin. I can see Triton's face. Kahit na tumakbo ako, malayo sa bansang ito I can't still runaway from him. Kapag titingin ako kay Zack, all I can see is him. His face.

***

Walang katapusang patayan, charot. Don't forget to vote, babies. I will update after my class. Stay tuned for more upcoming chapters.

BS05: Carrying My Husband's ChildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon