Dedicated: SA LAHAT NG GUSTO AY MADRAMANG ENDING! JOKE. SA LAHAT NG NAGBABASA NG MGA STORIES KO AT PINAGTITIISAN ANG MATATAGAL KONG UPDATES! :D LABIIIYOOOO!
Enjoy! :3
--------------------------------------------------------
Mikay's POV
Okay. OA lang talaga yung reaction ko.. Nabigla lang naman ako no pero.. okay lang naman sakin.. siguro.
Pagkatapos nung pag-uusap na yun, hindi na ko mapakali.
Alam mo yung may feeling ka na may hindi magandang mangyayari, pero pilit mong inaalis sa sarili mo yun?
Yun. Yun yung nafefeel ko.
Pilit ko namang tinatanggal sa isip ko pero iba talaga eh. Ibang-iba.
And by the way, alam ko na din na si Ash eh pumunta sa office ni Gino dun sa US.
Ayun, sobrang workaholic daw sabi ni Ash.
Nakakainis na nga eh. Ang kulit kulit. Sabi kong magpahinga, ayaw magpahinga.
Gusto yata akong patayin sa pag-aalala.
"Hoy. Maria Mikaela Maghirang Dela Rosa, hindi ka ba titigil sa pag-iikot jan?! Ako ang nahihilo sa pinaggagagawa mo eh!" saway sakin ni Mama.
"Eh Mama! May masama akong nararamdaman eh."
"Iniisip mo lang yan! Alam mo ba ung kasabihan na 'Mind over matter?' O ayan! Iniisip mo kasi na may mangyayari kaya may mangyayari talaga!"
"Eh Mama--"
"Walang mangyayari kung hindi mo iisipin! Kalma ka lang nak." napaupo ako at sumandal na lang.
"Eh kasi naman Mama si Gino tatlong araw ng hindi nagtetex or tumatawag eh."
"Eh baka naman busy anak. Nako. Masyado ka ng paranoid jan ha. Maupo ka lang jan at ipaghahanda kita ng pagkain." tumayo na si Mama at pumunta sa kusina.
Sakto namang bumaba si Mikki.
"Hayiiie Mommy!" lumapit siya sakin at niyakap ako. "How are you?"
"I'm fine baby. Ikaw?"
"I'm good Mommy!" sagot niya.
Nanahimik siya saglit at nagulat ako sa sunod niyang sinabi.
"I miss Daddy." mahina niyang bulong.
"Baby..."
"Yeah. I don't say it much more than you say it but I miss him."
Totoo yun. Lagi ko kasing sinasabi sakanya na 'I miss your Dad' siya ngumingiti lang. Ngayon niya lang sinabi yan.
Niyakap ko siya at sinabi sakanya yung problema namin ng Daddy niya.
"Mommy.. I'm sure Daddy is doing his best para hindi siya magtagal dun. Don't worry Mommy, I'm sure Daddy is alright." sabi niya.
Buti pa nga siya naiintindihan ang Daddy niya. Ako? Hindi. Ayoko kasing hindi siya tumatawag. Ilang beses ko na din siya tinatawagan pero hindi naman niya sinasagot.
"Mga anak, kumain muna tayo." tinawag na kami ni Mama at nauna na si Mikki sa dining.
Naglalakad na ko papunta sa dining ng masagi ko yung picture naming dalawa ni Gino.
"Mommy! What happened!?" napatakbo naman agad si Mikki.
"N-nothing." umupo ako at pinulot yung mga nabasag.
"Mikay, ako na jan. Pumunta ka na sa dining." utos ni Mama.
Pinulot ko yung frame na basag na may picture namin.
Wala naman sigurong ibigsabihin yun diba?
"Wag kang mag-isip ng kung ano jan nak. Pumunta ka na sa dun at ako na bahala jan." sabi ni Mama at inagaw sakin ung picture frame.
Kumain na kami ng tahimik. Masama ang pakiramdam ko pero.. wag naman sana.
"Aakyat na po muna ko." sabi ko at iniwanan na sila dun.
Nahiga ako at pumikit. Hanggang sa nakatulog na ko.
*
"Mommy. Si Daddy." nakita ko si Mikki na umiiyak at nakaluhod. "Si Daddy... Mommy..."
"M-mikki. A-anong nangyari sa Daddy m-mo?" umiiyak din ako. Hindi ko alam ang nangyayari pero umiiyak ako.
"Something terrible happened." sabi niya. Nilalapitan ko siya pero parang ang layo layo pa din niya.
"Mommy!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!" sigaw ni Mikki at bigla siyang nawala.
May nakita naman akong bata..
"Mommy.." tawag niya habang nakatingin sakin.
"Mommy.." napansin kong umiiyak siya.
"Mommy..." nilapitan ko siya pero bigla siyang nawala.
"Gino! Mikki!" sigaw ko habang naglalakad.
Napayuko ako at nakitang may dugo ang suot kong puting damit.
"Gino.. Mikki.. Baby.." at napaupo ako umiyak ng umiyak.
"Mommy! Mommy!" napabalikwas ako sa kama at nakita si Mikki at Mama na alalang-alala ang mga mukha.
"Mikki. Mama. Si Gino.. Si Gino.." sabi ko habang umiiyak. Hindi ko na alam kung anong nangyayari.
"Mommy. Daddy's fine. Kakatawag niya lang po." sabi ni Mikki at niyakap ako.
"Panaginip lang pala." sabi ko habang umiiyak pa din. "Panaginip lang.."
"Mommy don't panic. Just rest, okay? Daddy is fine. I assure you." sabi ni Mikki. Humiga na lang ako at pumikit.
Panaginip lang yun...
Gino's POV
Kakatawag ko lang kay Mikki at ayun sinabing tulog daw ang Mommy niya.
And.. sobrang masaya ako ngayon!
Bakit?
Eh kasi, 1 week na lang ako dito! Sabi ni Dad, "Ako na bahala. Pasalamat ka at mahal na mahal na mahal ko si Mikki, si Mikay at ang magiging anak niyo pa ulit."
Odiba? Mas mahal niya pa sila kesa sakin. Pero, the hell I care, ang mahalaga sakin, eh makakauwi na ko! SOBRANG SAYA KO!
Pero syempre, hindi ko muna sinabi kay Mikki, Mama, Lolo at lalong-lalo na kay Mikay. Wala lang. Gusto ko lang mamiss nila ko. Lalo na si Mikay. Hehe.
Nagulat ako ng nag-vibrate ang cellphone ko.
Fr. Mikay Babe <3
Daddy. This is Mikki. Mommy dreamt of something bad. You're okay aren't you?
Syempre, nagreply naman ako agad.
To: Mikay Babe <3
Baby, I'm fine. Super fine. Tell Mommy, I'm fine okay? Love you both.
Fr. Mikay Babe <3
Love you too Daddy. Take care! Muuuaaah!
At ayun na nga. Ako? Hmm.... *smirk*
Mamimili muna ako ng pasalubong para kay, Andrea, Jason, Katsumi, Lester, Sed, Ashley, ung boyfriend ni Ashley na si Vlad (daw), yung si Kristel, Ian at Myko (friends ni Mikki), Julia, Kiko, kay Mama, Lolo, Mikki, Baby Cute and My lovely wife of course, Mikay. :D
Kainis. Dami kong friends at kakilala, dami kong bibigyan ng pasalubong -_________-
-------------------------------------------------------
Question:
Sinong nagbabasa ng Disguised Princess jan!? Ang hindi nagbabasa or magbabasa, PANGET! Echos! HAHAHAHAHA!
Anyways, what do you think about my other story, 'Disguised Princess'? XD
Comment your answer!