At dahil alam kong miss na miss niyo na si Mikay, Gino, Mikki at Mikko. Here's a special update! And for those na nagpupumilit pang gumawa ako ng Book 3. For the nth time, I WILL NOT WRITE A BOOK 3 FOR HALA KA?!. I'm sorry pero it is better of that way. Okay? But I'll be doing more special updates para hindi niyo naman sila masyado mamiss.
Anyways, yung mga mangyayari po dito ay random. At kadalasan ay 1 or 2 pages lang? It depends sa mood ko. Hehe.
And by the way, I'm planning to post another story kapag nasa climax na ko ng Disguised Princess. Can you please choose?
A. So, if we fall in love? (KathNiel, JulQuen, JuLil)
B. A make believe love story (KathNiel)
Anyways, here you go :3
-------------------------------------------------------
Mikay's POV
Bukas ay 7th birthday na ni Mikko. Yep. 7 years na ang lumipas. 15 years old na si Mikki. Kami ni Gino? Hiwalay na.
De loko lang. Yun? Yung lalaking yun? Hihiwalayan ko? Asa siya.
Nagluluto ako ngayon ng dinner namin. I cooked one of Gino's favorite ulam. Kakatapos ko lang gumawa ng salad and tiramisu para sa birhday ni Mikko bukas.
Family lang and friends. Ayaw kasi ni Mikko ng party which is the total opposite of Mikki na talagang nag-insist ng party nung 7th birthday niya.
"Hi Mommy. We're home." rinig kong sigaw ni Mikki mula sa sala. Narinig ko naman ang yabag ng paa nila na papalapit sa kusina.
"How's school?" nang maramdaman kong niyakap ako ni Mikko sa likod.
"The usual." sagot ni Mikki at lumapit sakin para magkiss sa cheeks ko. Yumuko naman ako ng konti para maabot ako ni Mikko.
"Buti walang pasok birthday ko ngayon.." masayang sabi ni Mikko. Saturday kasi bukas. Which means walang pasok ang birthday niya. He always wishes na sana walang pasok ang birthday niya dahil ayaw niya daw sa school magbirthday.
Ang awkward daw.