Dedicated: TheUnwantedPrincess
Dedicated sayo kasi natuwa ako sa sagot mo hehe. May point ka. Sana nga tama ka! Hahaha :DD
Sorry sa mga hindi ko mapipili ha! Pero binabasa ko po lahat ng comments niyo. Yun nga lang, hindi ko mareplayan kasi ang dami eh. Tatry ko padin. Hehehe.
Walang title kasi wala akong maisip. Suggest naman jan. Hehe!
Enjoy :3
---------------------------------------------
Mikay's POV
Wala akong ganang bumangon ngayon. Kung pwedeng wag muna gumising ngayon ginawa ko na eh. Eto ako nakatalukbong ng kumot. Nag-iisip. Tapos dagdag pa ung pagtataka ni Mikki kung bakit hindi kami magkasama matulog.
Speaking of tulog..
Hindi ko alam kung san natulog si Gino. Kasi, kahapon, pagpasok ko ng kwarto namin, agad din siyang lumabas. Tapos nung tinanong ko naman si Mama kung nakita niya ba si Gino, sabi nagpahangin daw.
"Sus. Parang adobo lang eh.." bulong ko.
Eh kasi naman.. masyado siyang 'maarte' inano ko ba siya? Ang babaw ng dahilan ng pag-aaway namin. Ang babaw ng dahilan ng pagtatampo niya. Buti nga ung sinabi ko agad na ayaw ko. Diba nga sabi nila,
'It's better to hear a painful truth than to hear a beautiful lie'
Pero inano ko nga ba siya? Sinabi kong ayaw ko dahil siya ung nagluto. Nagtampo siya. Tapos kumain pa din ako. Pero infairness, maayos naman ung lasa ngayon, kumpara sa dati. I'd say na average na.
Eh kasi naman. Hindi ko naman feel kumain ng Adobo kahapon, ayan tuloy siya pa ung napagbuntunan ko ng inis ko.
Pero.. hindi ko naman alam kung bakit ako naiinis.
Siguro, mood swings lang 'to. Ramdam kong malapit na ko magkaron.
Pero teka..
'Para kang bata Gino.'
'Para kang bata Gino.'