Hinatid ko na si Trisha sa tinitirhan niya. Gusto ko sana tumuloy sakanila pero ayaw naman niya kaya hindi na ko nagpumilit pa.
"P-pwede ba natin ulitin to?" tanong ko.
"Hmp. Titignan ko..." sabi nito at naglahad ng kamay.
Napatingin ako sakanya ng nagtataka.
Tinaasan niya ko ng kilay. "Cellphone" simpleng sabi nito.
Natataranta naman akong kumuha ng cellphone ko at agad na iniabot sakanya.
"Hmm. Eto number ko. Tex tex na lang." sabi niya sabay walk-out.
Hindi ko alam.. pero napangiti ako.
*
Ang isang beses na pagsasama ay nasundan pa. Hindi ko alam pero I found myself getting attached with this girl. Merong something sakanya na hinahanap-hanap ko.
And for the first time in my life.. umabot ako ng 3 months ng hindi nakikipagdate or nakikipagfling sa ibang babae.
Pero sa date namin, hindi lang yun puro saya.. dahil madalas naming nakikita yung g@go niyang ex na pinaasa lang pala siya. At ayun, imbes na maging masaya kami all the day, umuuwing luhaan si Trisha.
At ngayon.. magkasama nga kami.. pero eto siya, yakap yakap ko at umiiyak.
"Trisha, mahal mo pa ba?" tanong ko. Naramdaman ko ang mabagal niyang paghinga.
"Iiyak ba ko kung hindi?" pilosopo nitong sabi.
"Bakit? Bakit mo ba siya minamahal? Kung alam mo namang puro sakit lang ang ibinibigay niya sayo?"
"Diba ang number one rule ng pag-ibig ay 'Basta nagmamahal ka, nagpapakatanga ka' kaya ako ganto. Dahil mahal ko siya." parang huminto ang pagtibok ng puso ko sa sinabi niya.
Dahil mahal ko siya.
Dahil mahal ko siya.
Dahil mahal ko siya.
Hindi ko alam kung bakit ganto. Parang abnormal ang pagtibok ng puso ko. Parang may mali. Parang.. parang nasasaktan.