[Mikay]Bago ko ipagbuntis si Mikko, madalas akong nasa opisina ni Gino tuwing tanghalian. Nakaugalian na kasi namin na sabay lagi kumain, breakfast, lunch at dinner. Maaga kami gumigising para magbreakfast ng sabay, magdadala ako ng food sa office niya kapag lunch, tapos maaga siyang umuuwi for dinner. Yes. No OT. No overtime.
At ngayong matanda na si Mikko at laging nasa school, yun ulit ang ginagawa ko.
Adobo ang niluto ko ngayon.
Inaayos ko na ang mga dadalhin ko at inilagay sa kotse. Napapayag ko din nga pala siya na wag na kami kumuha ng yaya at ng driver. Odiba? Lakas ng charms ko? (A/N: Lakas tama kamo.)
I didn't text him kasi I was expecting na alam na niya since madalas ko namang gawin 'to.
"Good Noon, Mrs. Dela Rosa!" Bati sakin ng babae sa front desk na nagngangalang Betty.
"Hi. May meeting ba si Gino?" tanong ko.
"Sandali lang ho." sabi nito at may tinawagan. "Wala po ma'am."
"Ah, sige." sabi ko bago ako pumasok sa elevator.
At dahil sa madalas ako dito, kilala ko na din ang mga staff dito. Hindi lahat, pero marami-rami na.
Pagkalabas ko sa elevator ay nagtinginan agad sakin ang mga dumadaan. Nginitian ko na lang sila habang yung ibang nakilala ko ay binabati ko.
Nasa dulo ng floor na to ang office ni Gino. Tanaw na tanaw ko ang pinto ng office niya.
Nagulat ako ng may lumabas na babae dito. Magulo ang buhok at nakabukas ang unang dalawang butones ng blouse nito. Kahit malayo pa ako ay tanaw na tanaw ko na ang cleavage nito.
Kusang tumaas ang kilay ko. Ng malapit na ako ay nakita ko ang make up niyang medyo kumalat.
Balak ko na sanang lagpasan pero bigla siyang humarang. "Hi!"
Hindi ko mapigilan ang panliliit ng mata ko.
"I'm Sonia. You're Gino's wife right?" nakangiti niyang tanong.
"Yes. I am" mariin kong sagot. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Napatingin ako sa dibdib nito at sabay tingin sakanya ng nakataas ang kilay.
Napayuko siya at namutla. Agad niyang sinarado ang nakabukas niyang blouse. "Sorry. Mainit kasi sa loob e."
Doon na nagpanting ang tainga ko. Bastos na kung bastos pero tinalikuran ko ito at nagmartsa papasok sa opisina ni Gino.
Namutla ako ng makita kong gulo gulo ang buhok nito at bahagyang nakabukas ang polo niyang suot. Agad ding namula sa galit ang mukha ko ng maramdaman ko ang lamig ng aircon.
Padarag kong ibinagsak ang dala ko sa lamesa niya. Halatang nagulat siya.
"Hi babe!" Nakangiti niyang bati at tumayo pa para lapitan ako.
"Wag mo kong ma-babe babe ha!" sigaw ko at pinandilatan siya ng mata.
Namutla ito at nagulat sa sudden burst out ko. "Huh?"
"Anong ginawa niyo ng babaeng yon? Ha?"
"Babae?"
"Yung Sonia"
"We talked." kalmado niyang sabi.
Natawa ako. "Ah kaya pala. Kaya parehong magulo ang buhok niyo at bukas ang mga damit niyo."
"Teka-"
"And by the way, sabi niya mainit daw dito, e ang lakas lakas ng aircon. Anong ibigsabihin nun Gino, ha?"
Imbes na mamutla ay natawa pa ito.
"Bakit ka tumatawa?"
"Eh kasi naman po, kung anu-ano ang nasa isip ng mahal kong asawa."
At dahil hindi pa ako nakakabawi sa pagtawa niya ay agad niya akong niyakap. (Na alam kong ginagawa niya para hindi ko siya masaktan)
"Nasira po kanina ang aircon ko habang kausap ko siya. Binuksan ko po ung bintana, kaya po magulo ang mga buhok namin. Para dun sa damit, alam mo naman po na mainit po sa Pilipinas."
Naramdaman ko ang labi niya sa leeg ko.
"Mamatay man ako ngayon, wala kaming ginawa kundi mag usap lang."
"T-talaga?"
"Opo." Kumalas siya at hinawakan ang magkabila kong pisngi. "Ang cute cute mo magselos!"
Napaiwas ako ng tingin. Nahihiya ako sa mali kong akusasyon. "Sorry.."
"Gusto kitang nakikitang nagseselos, pero ayokong nagdududa sakin." His nose touched mine. "I'm glad hindi ka tumakbo palabas ng building. I'm glad na kinonfront mo ko sa doubts mo. " napangiti siya. "Please promise me, na kapag magseselos ka, you won't run away. Promise me na we'll always talk it through. Tama man o mali. Please.."
"Promise."
Napangiti siya lalo. He planted a kiss on my lips.
"Let's eat, Misis kong selosa."
Inayos ko na ung kakainin namin sa maliit na dining table sa office niya. Habang tinatapos niya yung tinatype niya para daw walang istorbo.
Ng matapos siya ay agad siyang naupo. Hinila ko na ang upuan na katapat nung sakanya,
"Babe.."
Nag-angat ako ng tingin.
"Come."
Lumapit naman ako sakanya. Napatili ako ng hilahin niya ko paupo sa hita niya.
"Gino!" Saway ko. He placed his arms around my waist.
"I missed you, Misis ko."
"Namiss din kita." agad kong sagot. "Patayuin mo na ko para makakain na tayo"
"Pwede ikaw na lang kainin ko?"
Hindi ko na mapigilan ang pamumula ko. "Gino!!"
Tumawa lang naman siya at mas lalong hinigpitan ang pagkakayakap sakin.
Nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto.
"Oh! Sorry!" sabi nung Sonia. "Am I interrupting?"
"It's okay, Sonia." sagot ni Gino.
"Looks like you are okay naman pala. I was about to tell you what happened" sabi niya sakin. "I was thinking you were jealous."
Napangiwi ako.
"She was." sagot ni Gino.
"Oh! I'm sorry! I didn't mean for you to think it that way! Gino's loyal to you and same goes to me. I'm loyal to my husband. Sorry sa wrong impression."
"No. I'm sorry. I was really rude earlier."
"It's okay. I understand." nakangiti niyang sabi. "I'll go, I think I disturbed something." nakangisi itong lumabas.
"Let's eat." Agad kong sabi at akmang tatayo pero ayaw pa rin ako pakawalan ni Gino.
"Gino!"
"Sorry po..... Naglalambing lang." Saad nito bago ako pakawalan.