"Grabe! Seth! Ang tinik mo!" sigaw ng mga kaibigan ko. Bukod kayna Lester, Kats, Gino at Jason, may iba pa kong mga kaibigan. Mga kaibigan ko sa bar.
Natawa na lang ako at sumandal sa inuupuan ko. Nabalitaan kasi nila na may babae na naman akong brineak.
Naisipan kong lumabas at magpahangin.
I had 7 girlfriends this year. Kakabreak ko lang dun sa isa kahapon. Single na naman ako ngayon.
Napailing ako.
Bat ko nga ba ginagawa 'to?
Dahil mapalalake o mapababae, lolokohin at lolokohin ka ng mga yan.
I still remember nung iniwan kami ni Mama para sa lalaki niya. Mas masaya daw siya dun. Ang masakit pa dun, si Papa yung kabit. Iyak ako ng iyak noon.
Noon.
Iniwan din ako ni Papa nun. Nagalit siya sakin dahil ako daw ang may kasalanan kung bakit kami iniwan ni Mama.
I smiled bitterly.
Wala nga akong idea kung ano nangyayari nun tas ako pa may kasalanan? Ang gara no?
Pumasok na ko at uminom ulit.
Dati, sa grupo namin, dalawa kami ni Gino ang pinakamatinik. Actually, mas matinik yun. Syempre, dumating si Mikay, alam nyo na yon. Ako na ngayon ang natira.
"Seth! May bagong babae dun oh." sabi sakin ni Kevin sabay nguso dun sa babae. "Mukhang heartbroken. Pwede ka na siguro dun. Rebound ba."
"Bisaya ka man dung?" pang-aasar ko sakanya. Tumawa lang naman siya. "Sige. Ako na bahala sakanya."
Nagsigawan naman sila ng, "Yun oh!"
Napailing na lang ako at tumabi dun sa babae na nasa bar.
Narinig ko siyang humihikbi.
"Hi." bulong ko. Napalingon ito ng konti at tumalikod ulit para punasan ang mukha niya.