GUSTO KO TONG STORY NI LES. HEHEHEHE.
Sana magustuhan niyo.Pinaghirapan ko to. :D
Anyways, here you go :3
------------------------------------------------------------
Hopeless Romantic.
Yan ang bansag sakin ng tropa ko.
Oo. Yan ang tawag sakin ni Katsumi, Seth, Jason at Gino.
Mr. Hopeless Romantic.
Saming apat. Ako yung hindi maloko pagdating sa pag-ibig.
Gay mang pakinggan pero nakakaisang girlfriend palang ako sa tanang buhay ko.
Pero sineryoso ko siya. Sineryoso niya din ako. We lasted for 3 years. Pero may mga bagay talagang hindi na dapat ipaglaban dahil sa huli, kayo lang din ang magkakasakitan.
After that, wala na kong naging girlfriend. I tried dating. Pero hanggang dun lang. No serious relationships. Date lang.
Hindi ko nga alam kung paano ako nakamove on sakanya. Pero ang masasabi ko lang, wala naman talagang tamang oras sa pag momove on. Magigising ka nalang, pag oras na. Tapos marerealize mo nalang, wala ka nang pakealam, basta ang alam mo, hindi na siya yung kailangan mo para sumaya.
Haha. Odiba? Lumalabas ang kakornihan ko.
Anyways, eto na naman ako nagreready para sa isang date. Bwisit kasi 'tong si Seth. Lahat ng napagsawaan niyang babae, nirereto sakin. Oo na lang ako. Wala akong magawa sa buhay- este sa bahay .
"Hi. You must be Lester?" tanong sakin ng babaeng naka-red dress na sobrang fit, kulot ang mahaba niyang buhok at nakablack stilletos.
Oh God. I speak gay. hahaha
"And you are mine?" banat ko habang naka killer smile. Tumawa lang siya at umupo sa tapat ko. Ok sorry. Ang ungentleman ko.
"I didn't know pumapatol ka pa sa sobrang gasgas na jokes." nakangiti niyang sabi at naiiling pa.
"Tinuruan lang ako ni Master Gothico." natahimik naman siya ng banggitin ko si Seth. Anong problema?