Dedicated to: yelliesamar
Sya kasi yung unang nagcomment na gusto ng conflict. Hehehehehehehe. *evil smile* Dahil sinabi niya, bwahahah get ready... JOKE. Hindi ko magaling magpaiyak pero I'll try. :)
Anyways, sorry for the LATE and SHORT UPDATE. BEAR WITH ME. HASSLE WEEK PO ITO EH. HANGGANG NEXT WEEK DAHIL PASAHAN NG PROJECTS AT EXAM NEXT WEEK EEHHH.
Enjoy :3
-----------------------------------------------------------------
Gino's POV
Pag uwi ko, pinuntahan ko agad si Mikay. Alam mo na, nagtatampo.
"Ya. Asan si Mikay?" tanong ko kay Yaya.
"Nasa kwarto nya po yata." sagot ni Yaya.
Umakyat na ko at pumasok sa kwarto. Wala sa kama si Mikay. Wala din sa cr. Pumunta ko sa terrace at nakita siya dun.
Nilapitan ko siya at niyakap ng mahigpit, patalikod.
"Babe." bulong ko sabay baon ng ulo ko sa leeg niya.
"Kelan alis mo?" bigla niyang tanong sakin.
"Alis?" balik tanong ko sakanya.
"Oo. Kelan?" tanong niya ulit.
"Ano ba sinasabi mo Mikay?" bumitaw ako sa yakap at pinaharap siya sakin.
"You don't need to lie. I know it already." seryoso niyang sabi sabay iwas ng tingin sakin.
"Mikay.."
"So kung hindi ko pa nalaman, hindi mo pa sasabihin? Huh?" sabi niya ng hindi tumitingin sakin.