Pambawi sa pangbitin ko sainyo kanina. On the spot writing para hindi kayo magalit. Lol. Mabadtrip pala, I mean. Hehe.
==
Mikay's POV
"Wow! Ang ganda naman dito Mommy!" manghang sabi ni Mikki. Napangiti ako. NAgtatagalog na ulit siya. Nanonosebleed na talaga ako sa english niya e.
"Oo nga e!" pagsang-ayon naman ni Mikko.
NAndito na kasi kami sa underground river. Walang kupas talaga ang kagandahan ng Palawan. Though, it's a bit sad dahil may mga tao talagang walang pakialam pero mabuti naman at merong mga nagmamalasakit.
"Alam niyo ba na nung dinala ko ang Mommy niyo dito dati ay ganyan na ganyan din ang reaksyon niya?" natatawang sabi ni Gino. Naalala ko nga yun. Inaasar ko pa nga siyang feeling close nun dahil kung makaakbay sakin.
"Haha! Isip-bata much, mommy?" natatawa ding asar ni Mikki. Napangiti na lang ako.
Tumingin ako sa paligid. Hmm sarap. Ang sarap lang malayo sa kaguluhan at kabusyhan ng Manila.
"Hmm? Anong iniisip ni Misis Dela Rosa?" biglang sabi ni Gino sabay back-hug sakin.
Napangiti ako. It's been years and years, pero hindi pa din ako nagsasawang marinig na tawaging 'Misis Dela Rosa'
"Wala. Naalala ko lang yung dati."
"Dati?" he kissed the tip of my shoulders.
"Oo, yung feeling close ka.." natatawa kong sabi.
"Crush na kaya kita nun. Para ka kasing ewan e."
"Weh?" hindi makapaniwalang tanong ko.