Dedicated to: hamsterj
Hihi. Last update? Just kidding. Sigurado na ba talaga akong mag-eend to? Parang ayaw ko paaaaaa eh............... SLIGHT SPG PO ITO HA. SLIGHT LANG! HAHAHAHA!
Please do read --> Disguised Princess :) nasa profile ko lang po. hehe thankyou.
Enjoy :3
-----------------------------------------------------------
Mikay's POV
"Mikaaaaaaaaaaaay! Si Giaaaaaaaaaaaaaaaaaan!" sigaw ni Gino habang nagmamadaling lumapit sakin.
"Ingay mo naman babe eh. Kita mong busy ako oh!" reklamo ko.
"Mamaya na kasi yan babe eh. Tulungan mo muna ako dito!" reklamo niya din habang buhat si Baby Mikko.
Oo, Baby Mikko tawag ko kay Gino naman Gian. Magulo kami eh.
"Teka! Alam mo nang excited ako para kay Ash eh!" sabi ko at sinara na ung magazine na hawak ko. Naghahanap lang naman po kasi ako ng gown para sa wedding ni Ashley.
Oo! Ni Ashley! At hindi mo aakalaing sila pala ni Vlad ang magkakatuluyan!
After a year ng pagpapakahirap ni Vlad para sagutin siya ni Ash, ayun dumerecho din sila agad sa kasalan. Next month pa naman, pero syempre, kailangan maganda ako no! Bridesmaid itetch!
Kinuha ko na si Mikko at pumunta sa kwarto niya.
"Eto naman, parang ewan magpalit ng diapers! Baliktad pa!" napailing na lang ako sa kalokohan ni Gino. Binigay niya sakin kasi iyak daw ng iyak.
"Psh" rinig kong sabi niya.
"Oh ayan." sabi ko pagtapos kong ayusin at binigay na ulit sakanya.