Bitin update po ito. READ AT YOUR OWN CONVENIENCE. MEHEHEHEHEHE
####
Mikay's POV
Pagkatapos namin mag pahinga saglit at magbihis, ay umalis kami agad para sulitin ang araw. Kahit isang linggo kami dito, mas mabuti ng masubukan namin lahat.
"Kain muna tayo." sabi ng padre de pamilya kaya oo na lang kami. hahahahah
"Seems familiar." komento ko. Para kasing pamilyar yung restaurant na kakainan namin ngayon.
"Love, dito kaya first breakfast natin." sagot naman ni Gino. Nanlaki ang mata ko at napatingin sakanya.
"Oo nga no!" sigaw ko at napatakip pa sa bibig ko. "Naalala mo pa yun?!"
He chuckled. "Oo naman no. Pano, first time ko yatang makasama yung babaeng hindi nahihiya na kumain sa harap ko."
"Ganun talaga! Maganda ako e" sabi ko sabay flip ng hair. Tumikhim lang yung dalawa naming damulag.
"Order mo ko mango float ha?" sabi ko kay Gino. Um-oo lang naman siya.
"Mommy, you said you and Daddy met here.." simula ni Mikki. "How?"
Kung umiinom lang ako ng tubig ay baka nabilaukan na ko sa tanong ni Mikki.
"Oo nga mi. Pano?" tanong naman ni Mikko. Harujusko. Tumingin ako kay Gino na kasalukuyang kinakausap ung waiter.
"Uhm. G-ganito kasi yun. Nagtatrabaho kasi ako dati sa k-kompanya ng Lolo niyo.. t-tapos, p-pumunta k-kami dito ng mga kasamahan ko sa t-trabaho para umatend ng seminar.. t-tapos.. n-nakilala ko y-yung Daddy niyo.. n-nung.. a-ano.. s-sa ano.." halos hindi ako makahinga habang nagkekwento.
"Our meeting was kinda.. complicated, mga damulag- este anak." biglang sabat ni Gino. "It's upon your wild imagination." I looked at Gino and murmured a small thank you. Ngumiti lang naman siya.