Chapter 07
May labing-limang minuto na lang akong natitira sa oras ko para mag-time in ngayong umaga dahil ayaw ni Sir Alaric na nalilate pero heto ako ngayon, nasa tapat at nakukuha pang titigan ang dalawang naglalakihang gusali na pagmamay-ari mismo ng SGC.
Ang parehong gusali ay mayroon lang naman na benteng palapag. Ang gusali ay halatang dinesenyo na naaayon sa gusto ni Sir Alaric dahil sa mga security features na mayroon ito sa buong gusali na siyang naging bagong standard para sa mga disenyo sa office sa mga kumpanyang ganito sa Metropolis.
Dahil nga isang security company ang SGC, hi-tech din ang mga gadgets na ginagamit sa kumpanya. Hindi kami gumagamit ng ID dito para makapag-time in dahil face recognition ang ginagamit nila na siyang correct most of the time. Nagpoprovide naman sila ng ID pero para sa mga outside work purposes lang.
Nag-alarm ang cellphone ko. Senyales na kinakailangan ko na talaga pumasok sa loob at tigilan itong ginagawa kong pagtitig dahil ayaw ni Sir Alaric ng nali-late na empleyado. Dali-dali akong pumasok sa loob at umakyat gamit ang elevator papunta sa 19th floor kung saan ang office ni Sir Alaric.
Habang papalapit ako sa office ni Sir Alaric ay nakita ko si Mrs. Jang. Muli tuloy akong napababa dahil sinabihan niya ako na pumunta sa opisina niya para magpaliwanag ng mga ilang detalye at impormasyon tungkol sa pagiging secretary ko kay Sir Alaric.
"A-Ano ho?"
"Ang sabi ko ay hindi lang sa umaga natatapos ang pagiging secretary mo kay Alaric kundi sa gabi rin."
Bigla akong kinabahan sa sinabi ni Mrs. Jang. "You need to make him happy all of the time," kaswal na sabi niya sa akin.
Happy? Bakit iba ang takbo ng utak ko sa sinasabi ni Mrs. Jang sa akin? Bakit ngayon ko lang ito nalaman? Parang wala naman sinabi sa akin ang HR sa mga ganito na extended ang trabaho ko at sa gabi pa talaga?
"There are some sorts of business that you need to do with him every night. So keep your line open dahil hindi ka pupwede mawala kapag kinailangan ka niya. Do you understand Will?"
Mabilis akong tumango kahit tempt na tempt na akong tanungin si Mrs. Jang tungkol sa sinasabi niya. Marami pa siyang sinabi tungkol sa mga company rules at sa mga work rules na ginagawa nga sa gabi. Hindi ko raw pupwede sabihin ang tungkol doon dahil kahit ang ibang empleyado rito ay walang kaalam-alam tungkol sa trabahong iyon. Sa oras na may makaalam ay tanggal na raw ako sa trabaho at hindi na ako bibigyan ng chance pa na makabalik katulad noong una.
Kung ganoon pala ay hindi lang pala sa pagtawag, set ng appointments or meetings, pag-ayos ng schedule ahead of time iikot ang trabaho ko kundi pati rin sa confidential work na sinasabi ni Mrs. Jang sa akin.
Pagkatapos no'n ay bumalik na ulit ako kay Sir Alaric para sabihin ang schedule niya ngayong araw. Kumatok ako ng tatlong beses bago pumasok. Akala ko nga ay sasabihan niya ako ng late pero mukhang alam na niya na ininform muna ako ni Mrs. Jang sa mga magiging trabaho ko rito.
"You have three consecutive meetings this morning starting ten until three in the afternoon. Pagkatapos po ng meeting na 'yon, you have a private dinner wit— "Cancel the last one."
Saglit kong natitigan si Sir Alaric sa sinabi niya. Ang kaninang walang bahid na emosyon sa kanyang mukha ay nakitaan ng galit at puno ng pagkamuhi. Sasagot pa sana ako at tatanungin sana kung bakit ganoon na lang ang reaksyon niya dahil private dinner sana iyon ng pamilya niya pero bigla kong naalala na ayaw niya na kinukwestyon ang mga desisyon niya o pinapakialaman ang buhay niya. Wala tuloy akong nagawa kundi ang tumango sa kanya at umalis na.
Inayos ko ang pinapa-cancel niya na private dinner. Pagkatapos no'n ay naghanda na ako para sa sunod-sunod na meeting na magsisimula ngayong alas-diyes ng umaga. Nang makatapos ako maghanda ay muli kong binalikan si Sir Alaric at nagsabing malapit na magsimula ang meeting.
![](https://img.wattpad.com/cover/210140611-288-k480963.jpg)
BINABASA MO ANG
The Secretary (Presidential Series II)
RomanceDaily update on Dreame starting March 1, 2022 Scarlett Willow Vermont is looking for her long-lost older brother. She got to the point where she applied to the company as secretary where her older brother worked and pretended to be a man. She was v...