Chapter 18
Nakatitig pa rin si Willow sa kanyang relo na binigay sa kanyang boss na si Alaric. Hindi siya makapaniwala na bibigyan siya nito ng mamahaling smart watch. Ang sabi nito ay pupwede niya raw ito tawagan sa oras na mangailangan siya ng tulong. Pwede rin matrace ang location niya sa pamamagitan nito at higit sa lahat ay waterproof pa.
Magkano kaya ang ginastos ni sir dito? Tanong niya sa kanyang isipan.
Nasa condo siya ngayon dahil wala siyang pasok. Ang kanyang kaibigan na si Lili ay may pasok sa coffee shop at kakaalis lang kanina. Wala siyang maisip na gawin kundi ang humilata pagkatapos ng mga nangyari sa kanya. Pakiramdam niya ay sumabak siya sa ilang taong gyera at ngayon lang nakauwi sa bansa.At dahil nga kanina pa niya tinitignan ang relo na ibinigay sa kanya ni Alaric ay hindi niya maiwasan na hindi maalala ang ekspresyon sa mukha nito na tuluyang nagpamula sa kanya. Hindi niya malilimutan ang maamong mukha ni Alaric nang ibigay nito ang regalo sa kanya. Hindi niya akalaing makikita niya sa ganoong ayos na ekspresyon ang mukha ng boss niya dahil nga may pagkamasungit ito. Buong akala niya ay susungitan na naman siya nito matapos ibigay ang regalo sa kanya pero hindi iyon ang nangyari. Imbes na sungitan ay ipinaalala pa sa kanya nito na pwede siya tumawag kapag kailangan niya ng tulong at hindi lang ‘yon, ibinigay nito ang personal na numero sa kanya na hindi kailanman nito ginawa sa iba.
She suddenly felt special because of what he said.
Para na naman siyang kiti-kiti na hindi maintindihan. Ilang beses niya sinabi sa kanyang sarili na hindi siya makaramdam ng onting kilig dahil isang malaking sagabal iyon sa trabaho pero hindi niya mapigilan. Nagkakacrush na ata siya sa boss niya dahil sa mga pinagsasabi sa kanya ni Sir Christian.
Umupo siya ng maayos at tinampal ang sarili. ‘Hindi ‘to pwede. Nahahawa na ako sa kabaliwan ni Sir Christian. Maglilinis na nga ako at baka bulyawan pa ko ni Lili mamaya,’ suway niya sa kanyang sarili. Tumayo na siya at nag-inat-inat.
Suot niya ang kanyang paboritong putting sando at teeshirt. Ang kanyang itim na buhok ay kanyang pinuyod at saka nagsimula na maglinis. Nagsimula siya sa kusina. Binukod niya ang mga plastik sa hindi plastik na mga basura at tinapon iyon. Sinigurado niya rin muna na sarado ang condo sa sandaling paglabas niya dahil mahirap na at baka may pumasok na magnanakaw.
Pagkatapos niya magtapon ng basura ay babalik na siya dapat sa kanyang condo nang may tumawag sa kanya na pamilyar ang boses. Dahan-dahan naman siyang lumingon at hindi nga siya nagkamali. Lumitaw si Ulysses sa kanyang harapan. Abot-abot ang kanyang kaba na naramdaman dahil nagkita sila ng taong kilala niya bilang Willow na lalaki.
“Dito ka pala nakatira?” wika ni Ulysses sa kanya. Dahan-dahan siyang tumango. Hindi naman niya siguro malalaman na dito nakatira ang Willow na kilala niya dahil kung ganoon ay malaking problema ‘yon. Sisiguraduhin niya na hindi na makakapunta pa ulit dito si Ulysses sa lugar na ‘to.
“Anong ginagawa mo rito?” tanong ng dalaga sa kanya. “May hinahanap lang akong tao,” sagot naman nito.
Hala. Ako kaya iyong hinahanap niya?
“Gano’n ba? Ahh… Sige. Papasok na ako sa loob,” paalam nito sa kanya.
Hindi siya pwede magtagal na kausap si Ulysses dahil baka may makakita pa sa kanila rito. Kapag nangyari ‘yon ay mahihirapan siya na itago ang totoo niyang pagkatao at malaki ang tsansa na makaabot iyon sa kanyang boss.
Aalis na dapat siya nang hawakan ni Ulysses ang kamay niya dahilan para magulat ito at mamula. Kaagad naman na napabitaw si Ulysses sa braso nito at saka nagkamot ng ulo. “Pwede mo ba akong samahan?” tanong nito sa kanya habang may malaking ngiti sa labi.Hindi na nagawang tumanggi pa ni Willow sa paanyaya ni Ulysses sa kanya. Nandito sila ngayon sa isang Thai Restaurant at kasalukuyang kumakain pagkatapos niya magpalit ng damit ng pang-alis at bitbitin ang maliit na pouch. Gustuhin man niya tanggihan ito ay wala siyang lakas ng loob na gawin iyon at isa pa ay nakakahiya. Hindi naman siya pinilit ng binata.
BINABASA MO ANG
The Secretary (Presidential Series II)
RomanceDaily update on Dreame starting March 1, 2022 Scarlett Willow Vermont is looking for her long-lost older brother. She got to the point where she applied to the company as secretary where her older brother worked and pretended to be a man. She was v...