Chapter 10
"S-Sir Alaric?" tawag ko sa kanya. Tumingin siya sa akin ng seryoso habang hawak-hawak pa rin ang kamay ni Bryan. Ibinalik niya muli ang tingin dito at tinanong.
"What are you doing to my secretary?"
"Ha? At sino ka naman? Taga-ligtas ng taong 'yan? Bakit ba ang daming nangingialam sa inyo eh away naman namin 'tong magsyota! Pinapabalik ko lang itong si Lilienne sa bahay pero ayaw na niya at tinakot pa akong magsusumbong siya sa pulis!"
"H-Hindi na ako babalik sayo, Bryan."
Kung naiiba lang ang sitwasyon ay sigurado akong nagtatalon ako sa tuwa ngayon sapagkat natauhan na rin sa wakas ang kaibigan ko. Pero hindi koi yon magawa bagkus ay kinakabahan pa nga ako dahil baka may masabi si Bryan na magbubuking sa katauhan ko.
"Anong hindi? Hindi ako makakapayag. Pagkatapos kita palamunin, hindi ka babalik sa akin? Saka pwede ba, bitiwan mo ako!" sigaw niya kay Sir Alaric at pagkatapos ay saka tinignan si Lilienne ng nakakatakot na tingin.
"Hey," mahinang sabi ni Sir Alaric. Tumingin siya kay Lili at tinanong ito. "Tell me the truth. Do you still want to go back to that bastard? If not, I'll do everything in my power to make him go inside the fvcking jail."
Saglit na napatulala si Lili sa kanya habang kita ko naman sa mata ni sir na totoo ang sinasabi niya na gagawin nga niya kung anong mga binitiwan niyang salita ngayon sa kaibigan ko. He has power to do that. And knowing him, he never breaks his promise.
"Y-Yes. I want him inside the jail." Tumawa ng malakas si Bryan sa sinabi ni Lili. Mukhang wala pa rin ideya ang lalaking 'to kung sino ang kausap niya. "At sa tingin mo matatakot ako? Hindi mo ako magagawang ipakulong, Lili. Alam mo 'yan."
"Pagod na ako Bryan. Siguro nga masyado ng huli ang lahat para gawin ko 'to. Pero eto na lang ang naiisip kong paraan para magtanda ka at tumigil ka sa pananakit sa akin at sa paninira mo sa kaibigan ko. Mahal kita pero ayoko na."
"Sinaktan? Hindi kita kahit kailan sinaktan, Lili. Kung nabubuhatan man kita ng kamay ay dahil iyon sa kas— "P-Pagod na pagod na ako. Dapat nakinig na ako kay Willow noon pa. Pero dahil mahal kita, pilit kitang sinasamahan kahit hindi ko na kaya. Nasa sukdulan na ako Bryan. Suko na ako."
Napansin ko ang pagdial ni Sir Alaric sa telepono. Narinig ko ang pagtawag niya kay Zevron na siyang bodyguard nito. Kilala ko si Zevron. Siya iyong nagpakilala sa akin noong mafire kaagad ako dahil sa kamalian na nagawa ko noong unang araw ko rito. Hindi ko na siya masyadong nakikita dahil nga sa office na ako nakaduty bilang secretary ni sir. Pero ang alam ko ay si Zevron palagi ang kasama niya ngayon sa lahat ng lakad niya dahil wala iyong parang head na bodyguard talaga ni Sir Alaric. Balita ko nga ay mas magaling iyon pagdating sa martial arts.
Habang nakikipag-usap si Sir Alaric sa telepono ay sinamantala ni Bryan ang pagkakataon at sinugod kaming dalawa. Pilit niya akong kinukuha mula kay Lili dahilan para masaktan muli ako dahil sa pagkakahawak niya sa akin. Nabitawan niya lang ako nang hilahin ako ni Sir Alaric mula sa kanya at binigyan ito ng malakas na sipa sa tagiliran na nagpatumba rito. Napayakap tuloy ako kay Sir Alaric dahil sa ginawa niya na hindi sinasadya. Nang mapansin niya iyon ay kaagad akong lumayo at umaktong walang nangyari.
Maya-maya pa ay dumating na si Zevron at ang ilan pa nitong kasama. Inutos ni Sir Alaric na dalhin si Bryan sa presinto at samahan si Lili na magfile ng kaso. Narinig ko rin ang pagsabi nito na ibigay ang pangalan niya sa pulis para mas mapabilis ang pagsampa ng kaso.
"Where do you think you are going?" tanong ni Sir Alaric habang nakakunot ang noo niya sa akin.
"K-Kay Lili po."
BINABASA MO ANG
The Secretary (Presidential Series II)
RomanceDaily update on Dreame starting March 1, 2022 Scarlett Willow Vermont is looking for her long-lost older brother. She got to the point where she applied to the company as secretary where her older brother worked and pretended to be a man. She was v...