Chapter 13

37 3 0
                                    


Chapter 13

"What do you want Bryan?" tanong ko sa kanya. Isang malaking ngisi naman ang isinukli niya sa akin. Siguro ay iniisip niya ngayon na nasa kamay na niya ako at kaya na niyang paikutin pero doon siya nagkakamali.

"I want money from you," sagot niya sa akin. Gusto kong matawa sa turan niya. Alam ko na gahaman siya sa pera pero hindi ko alam na aabot siya sa puntong iba-blackmail niya ako para lang mahuthutan ako ng pera.

"Wala akong maibibigay sa'yo na kahit piso, Bryan."

"Wala?" Tumawa siya. "Huwag kang magpatawa, Willow. Alam kong malaki ang sinusweldo mo rito. Alam ko rin na ang lalaking naglagay sa akin sa kulungan ang boss mo," sagot niya sa akin.

I almost clicked my tongue because of what he said. Ayaw kong madamay si sir rito pero anong magagawa ko? Nakita na niya ang pagmumukha ni Sir Al at hindi ko rin naman kayang itanggi na siya nga ang naglagay kay Bryan sa kulungan.

"Hindi ko magagawa ang gusto mo, Bryan," giit ko. "Wala kang mahuhuthot na pera sa akin," mariin kong wika sa kanya habang nakatitig sa kanyang mga mata. Narinig ko ang malakas niyang pagtawa. "Talaga bang sinusubukan mo ako Will? Akala mo ba ay— "Wala na akong pakialam kung sasabihin mo ang nalalaman mo tungkol sa akin sa kanila," sagot ko. Bigla namang nawala ang ngiti niya dahil sa sinabi ko at napalitan ng galit na ekspresyon. Mukhang hindi siya makapaniwala sa mga salitang lumalabas sa bibig ko ngayon.

Sa totoo lang ay natatakot naman talaga ako sa pananakot niya ngayon sa akin. Malaki ang posibilidad na sabihin niya kay sir ang totoo at siguradong hindi magdadalawang-isip si sir na patalsikin ako. Kapag nangyari 'yon ay mawawalan ako ng paraan para mahanap ko ang kuya ko.

Pero saka ko na iintindihin iyon kung sakaling iyon nga ang mangyari. Sa ngayon ay kinakailangan kong ipaisip dito sa lalaking 'to na wala na akong pakialam kung sabihin man niya ang totoo.

"Kung tutuusin nga ay pwede mo na sabihin ngayon din sa kanila ang sasabihin mo," sagot ko at saka tinuro ang building na nasa likuran namin. "Nandyan pa si Sir Al. Gusto mo bang tulungan na lang kitang sabihin sa kanya ang mga gusto mong sabihin nang matapos na?"

"Hindi na niya kinakailangan pang pumunta sa building dahil nandito na ako," sabi ng lalaki na nagtataglay ng baritonong boses. Pareho kaming napalingon doon ni Bryan at nakita si Alaric na tanging puting polo na lang ang suot. Maluwag na rin ang kanyang suot na necktie. Kasama niya si Ulysses na ngayon ay kumaway pa sa akin sa kabila ng mabigat na tension. Kapansin-pansin din na wala siyang kasamang ibang bodyguard bukod kay Ulysses.

"S-Sir..." mahinang wika ko.

Bagama't kinakabahan ako ay nanatili akong kalmado. Ayokong ipakita kay Bryan 'yon dahil alam kong talo ako kapag nakita niya ang kahit na anong konting takot sa akin. At hindi ko hahayaan na mangyari 'yon kaya kahit ramdam na ramdam ko na ang matinding pagkabog ng puso ko na may kasama pang pagpapawis ng aking kamay ay nanatili lang akong walang reaksyon.

"You are Bryan right?" tanong niya rito. "I heard that someone helped you to get out of the jail," dagdag pa niya. May tumulong sa kanya? Sino naman ang tutulong sa lalaking 'to na makaalis sa kulungan? Kung sino man 'yon ay paniguradong nag-aaksaya lang ito ng pera dahil pagkatapos nito ay tiyak na kakapalan ko na ang mukha ko at hihilingin kay sir na sampahan siya ng kaso kung saan hindi siya madaling makakapagpiyansa o walang katapat na fine para makalabas ng kulungan.

"What do you want from me?" tanong niya rito.

Bago pa makasagot si Bryan sa tinanong niya ay nagsalita na ako. "Wala siyang kailangan sir sa inyo," sagot ko. "Uuwi na rin siya ngayon din," mariin kong wika at saka tumingin kay Bryan. Tumingin din siya sa akin at nakita ang maliit na ngisi na tuluyang nagpainis sa akin.

The Secretary (Presidential Series II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon