Chapter 15

90 4 1
                                    


Chapter 15

"Sigurado ka ba sa gagawin mo, Al? Hindi ba ata parang sobra naman iyong pagpapakidnap?" tanong ni Ulysses sa kanya. Wala sila sa office ngayon dahil may kinakailangan siya asikasuhin at isinama niya roon si Ulysses dahil kailangan niya ng bodyguard na mapapagkatiwalaan. Pero para lang makasigurado ay isinama niya na rin si Zevron na kanina pa tahimik at nakamatyag lang sa buong paligid.

Nasa mall sila ngayon at kasalukuyang papunta sa department store para bumili ng maliit na birthday gift para sa kanyang lolo. Ambrose Jacob Samaniego finally reached the seventies of his life. At bilang selebrasyon ay may party sa susunod na linggo na idadaos sa mismong mansion ng mga Samaniego.

Ayaw naman niya sana umattend but Trystan is kept on pestering him non-stop that he doesn't have any choice left but to say yes to him. Sino ba naman ang gugustuhin na umattend sa party na 'yon? He hates them. He loathed them except his grandfather who took care and protected him from the judgements of his own family.

Kahit ang sarili niyang lolo ang nagpalaki sa kanya ay handa siyang pagtaguan ito ng ilang taon huwag lang umuwi sa mansion na 'yon. Pero ngayong kaarawan na niya ay wala siyang maidadahilan dito. He needs to be there because it is the only thing he wants aside from the expensive gifts that a seventy-year-old man can receive.

Simula kasi nang manahin niya ang kumpanya mula sa kanyang lolo ay hindi na ito nagtangka pang umuwi sa mansion. He bought himself a luxury penthouse because that's what he deserves after those hardships. Bagama't tutol si Ambrose sa desisyon ng kanyang apo sa pag-alis sa bahay ay nagawa niya pa rin itong suportahan nang magsitutol na ang buong kamag-anak.

Sa huli ay silang dalawa ang nanalo at nagawang umalis ni Alaric sa mansion na 'yon. Simula noong araw na 'yon ay mabibilang na lang din sa daliri kung ilang beses siya nagpakita sa sarili niyang pamilya. He can't even remember the faces of his own parents or his relatives. Kung sabagay, ano pa ang saysay ng pagpapakita niya rito kung wala naman silang pakialam sa kanya? Nang manahin niya nga ang kumpanya na dapat ay mapupunta kay Trystan o kay Isaiah na siyang mga pinsan niya ay lalong lumala ang mga galit ng mga ito sa kanya lalo na ang mga auntie at uncle niya na alam niyang uhaw din sa pera.

He knows that he's an illegitimate child. A result of a one-night stand. Matagal na niyang tinanggap ang katotohanang 'yon kaya nagpapasalamat siya sa kanyang lolo Ambrose na kahit bunga siya ng isang pagkakamali ay minahal pa rin siya nito na parang tunay na apo.

Nang magdesisyon si Ambrose na ipamana sa kanya ang kumpanya ay maraming tumutol. Ambrose was still the standing chairperson of SGC that time kaya nasa kanya ang huling salita kung kanino ipapamana ang kumpanya. Si Antonio na tatay ni Trystan ay sinubukang kumbinsihin ang tatay niyang si Ambrose na kung pwede ay kay Trystan na lang ipamana ang kumpanya dahil siya ang tunay at unang apo ng mga Samaniego pero buo na pala ang desisyon nito na ibigay kay Alaric ang natatanging posisyon sa kumpanya na CEO at iyon nga ang nangyari. Alam na alam ni Alaric kung gaano kaayaw sa kanya ng tatay ni Trystan sa kabila ng katotohanang close nga sila ng anak niya.

Isang beses nga ay narinig niya ang pag-uusap ng mag-ama. Antonio was asking Trystan to deceive him para makuha ang kumpanya mula sa kanya. Iyon din ang isa sa mga dahilan kung bakit hindi niya magawang magtiwala sa kahit na sinong mga tao dahil kahit kamag-anak na ay handa pang lokohin, makuha lamang ang gusto. Alam niya rin na hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nawawalan ng pag-asa na makuha mula sa kanya ang kumpanya na matagal niyang inalagaan.

Samaniego Group of Corporation became his silent and safe haven. When Ambrose gave the company to him and the position of CEO, he made a promise to himself that he will protect the company with all his might until his last breath.

The Secretary (Presidential Series II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon