Chapter 02

177 6 3
                                    

Chapter 02

"You're fired."

Pagkasabing-pagkasabi no'n ni Sir Alaric ay agad itong lumabas ng clinic. Kaagaran ko rin naman siyang sinundan. Mabibilis na paglalakad ang ginawa niya kaya naman mabilis akong napagod. Bukod pa roon ay malalaki rin ang hakbang niya.

Hindi ako pupwede matanggal sa trabaho. Paano ko na lang makikita ang kapatid ko kung matatanggal kaagad ako rito? Ito lang ang tanging clue ko sa kuya ko. Hindi ako pupwedeng tumigil dito.

"Sir! Saglit lang naman po. Talagang seryoso ka po sa sinasabi mo?"

Hindi ako nilingon ni Sir Alaric at naglakad pa rin ng dire-diretso. Buti na lang ay nagawa ko siyang abutan.

"Sir Alaric!"

Tumigil siya saglit sa biglaang pagsigaw ko at saka lumingon sa akin gamit ang malalamig niyang mata. Nakataas ang kilay niya nang maangas itong naglakad papunta sa akin. Napalunok tuloy ako nang wala sa oras dahil doon.

"T-Talagang tanggal na po ba ako?"

"Ano ba sa salitang fired ang hindi mo maintindihan?" masungit niyang sabi sa akin.

"P-Pero wala naman po akong ginawang mali."

"Walang ginawang mali? Instead of saving me, I saved your freaking life! Hindi ba mali iyon?" sunod-sunod niyang sabi sa akin. Doon na ako tuluyang napatahimik. Oo nga at tungkulin ko siyang protektahan. Pero hindi ko naman akalain na gagamit ako ng baril sa pagpoprotekta sa kanya! Hindi ko rin naman alam na gano'n ang mangyayari! Hindi ako nabrief noong pinagtanungan ko! Sana nag-aral muna ako ng martial arts!

"Umalis ka na bago pa ako magpatawag ng pulis para damputin ka."

"Pero Sir, hindi ba pwedeng humingi ako ng second chance. I'll prove myself na karapat-dapat akong maging body guard niyo!"

Hindi umimik si Sir Alaric at inirapan lang ako. Umalis na siya at hindi ko na nahabol pa.

Hindi ko na tuloy alam ang gagawin ko. May pakay ako rito kaya kinakailangan ko matanggap pero unang araw pa lang ay tanggal na agad ako.

Naiiyak akong pumunta sa HR para ireport ang nangyaring kapalpakan. Irereklamo ko rin sana iyong hindi pag-brief sa akin na ganoon palang protekta ang gagawin ko sa boss nila! Kung alam ko lang eh di sana nag-enroll muna ako sa martial arts classes para hindi ako palpak! Akala ko simpleng pagbabantay lang ang gagawin ko. Hindi ko akalain na hahawak ako ng baril at dahas para protektahan siya.

Nang magpunta ako sa HR Office ay nakita ko silang nagkakagulo roon.

"Hanapin niyo iyong papel! Bakit ba kasi hindi kayo organized? Ilang beses ko na sinabi na dapat organized lahat dahil tayo ang malilintikan! Lalo na ako!" sigaw noong beki.

May tinatanggap pala silang ganoon dito? Akala ko ba allergic si Sir Alaric sa ganitong mga tao?

"Jusko, nakakaloka kayo!" sigaw pa niya at pagkatapos ay nag-flip pa ng hair. Nakita ko ang tag name niya at Justine ang nakalagay doon. Siya pala ang head ng IT Department dito sa kumpanya pero kung siya ang head, anong ginagawa niya rito sa HR?

"Hoy ikaw! Ano pang ikinatutunganga mo dyan? Bilisan mo at tulungan mo kami rito! Bilis!" sabi niya sabay turo sa akin.

Lumingon-lingon pa ako sa likuran ko dahil baka nagkamali lang siya ng itinuro pero wala naman tao sa likod ko.

"Ikaw! Oo, Ikaw! Tumulong ka rito bilis! Bagong hire ka lang ba?" sunod-sunod niyang tanong sa akin. Sa taranta ko ay napa-oo na lang ako at tumulong sa paghahanap noong papel na kanina pa pala nila hinahanap.

The Secretary (Presidential Series II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon