Chapter 03
Maaga ako pumasok dahil ito ang unang araw ko sa kumpanya bilang secretary ni Sir Alaric. Sa sobrang on-time ko nga ay nakalimutan ko na kumain ng breakfast. Dali-dali tuloy akong dumeretso sa pantry na malapit sa office ni Sir Alaric para doon magkape at kumain ng biscuit. Wala pa kasi siya sa office.
Nagtanong-tanong din ako kung anong madalas na ginagawa ng secretary. Nag-search na nga rin ako sa google. Buti na lang ay marami akong nahanap na sagot doon kaya kahit papaano ay may alam ako.
Binigyan na rin ako ni Mrs. Jang ng warning tungkol sa ugali ni Sir Alaric. Hindi siya madaling pakisamahan. Bukod pa roon ay marami na rin umalis na secretary itong si Sir Alaric dahil hindi matagalan ang pag-uugali, Maswerte na raw kung aabot ng isang buwan ang secretary ni Sir Alaric. Usually daw kasi, dalawang linggo lang ang itinatagal.
Malakas naman ang paniniwala ko na aabot ako ng ilang buwan dito o ng taon.
Alas-otso ng umaga dumating si Sir Alaric. Binigay na sa akin ni Mrs. Jang ang schedule niya ngayong araw kaya ang gagawin ko na lang ay sabihin iyon kay Sir Alaric. Puro meetings ang schedule niya ngayong araw.
Kumatok ako sa pinto bago pumasok. Nakaupo siya at nakaharap sa kanyang laptop. Seryoso itong nagtatype habang suot-suot ang nerdy glasses na sadyang bumagay sa kanya.
Tinignan niya ako pero mabilis lang dahil inilipat niya kaagad ang tingin sa laptop niya. I also found some papers on his desk.
Lumapit ako sa kanya at sinabi ang schedule. I also asked him kung may ipag-uutos pa ba siya bukod sa ipagtitimpla ko siya ng kape. Mrs. Jang told me that I should make coffee for him three times a day. No coffee mate and sugar.
"Get me five boxes of bond paper from the storage room," matigas niyang sabi sa akin.
"H-Ho?"
"Hindi mo ba narinig ang sinabi ko? I need those bond papers now," sabi niya habang nakatitig sa mata ko ng seryoso. Mabilis akong tumango at lumabas ng opisina niya kahit nagtataka ako kung bakit kailangan ko pa pumunta ng storage room kahit na may mga bond papers naman na available sa ibang floors.
Nagtanong-tanong ako kung nasaan ang storage room at nalaman ko na nasa 10th floor 'yon sa kabilang building. Kinakailangan ko pa pumunta sa kabila para kunin ang mga pinapakuha niya sa akin.
Hindi ko nga alam kung nanadya ba ang araw ko ngayon dahil sira ang elevator at kasalukuyan itong inaayos Wala tuloy akong choice kundi ang gamitin ang hagdan para makaakyat sa sinasabing storage room.
Malapit na ako mawalan ng hininga sa ginawa kong pagtakbo dahil sa pinag-uutos ni Sir Alaric sa akin. Mabuti na lang talaga na biniyayaan ako sa pagtakbo ng mabilis. Noong makarating ako sa storage room, doon ako nagkaroon ng problema dahil sarado ito.
Kinakailangan ko pa tuloy tumawag sa utility area para buksan ang storage room. Mabuti na lang at may number ako ng utility for emergencies like this.
"Maraming salamat po kuya,"
Pagkabukas na pagkabukas ni kuya ng pinto ay kaagad akong pumasok sa storage room para kunin iyong mga bond papers. Binuhat ko iyon pababa hanggang sa madala ko kay Sir Alaric iyong bond papers.
Marami pang pinagawa sa akin si Sir Alaric pagkatapos no'n. May pinapadala siya sa akin na package na kailangan ko dalhin sa courier para sila ang magdeliver. Metropolis Express ang pangalan noong courier kaya lang hindi ko alam kung saan 'yon nakalocate. Hindi naman kasi talaga ako taga-Metropolis talaga. Sa San Fierro ako nanirahan sa buong twenty years kong nabubuhay. Ngayon lang ako nakarating dito dahil hinahanap ko nga ang kuya ko.
Eh di ayun nga, dahil hindi ko alam kung saan ang opisina ng Metropolis Express, kailangan ko pa gumamit ng GPS para lang malocate iyon. Mabuti na lang at malakas ang signal kaya mabilis na nagload iyong map. Nagtaxi ako papunta sa sinasabing location ng Metropolis Express.
Medyo mahaba iyong pila nang pumasok ako sa loob. Buti na lang may special services sila kapag empleyado ng SGC ang kaharap nila. Mabilis lang din iyong process kaya hindi ako natagalan.
Bumagal lang ako ng kaonti nang umulan ng malakas. Wala tuloy akong masakyan na taxi pabalik ng opisina. Hapon na pero hindi pa rin ako nakakabalik ng office.
"Oh bakit?" tanong ko nang sagutin ko ang tawag na nagmula sa aking kaibigan na si Lilienne. Matalik kaming magkaibigan nitong si Lilienne dahil pareho na rin kaming halos walang pamilya. Nakilala ko siya sa dating pinagtatrabahahuhan ko sa bar noon.
"Pumunta ka rito bilis! Pinagtatapon ni Aling Belinda iyong mga gamit natin dahil ilang buwan na tayong hindi nakakabayad ng renta!"
Mabilis kong ibinaba ang tawag at naghanap ng bus na pwede sakyan. Ilang minuto lang ang itinagal at nakarating na ako sa tinitirhan namin ni Lilienne. Totoo ngang pinagtatapon ni Aling Belinda ang mga gamit namin. Ayaw na rin niya na manatili pa kami ni Lilienne sa apartment na 'yon kaya wala kaming choice kundi ang maghanap ng pansamantalang titirhan pero saan naman kaya?
Ang sabi ni Mrs. Jang sa akin ay saka ko pa lang makukuha ang ipinangako sa aking apartment kapag nakaisang buwan na ako sa SGC. Kaya hindi ko alam kung saan kami titira ngayon.
Malungkot kami ni Lilienne na naglalakad papuntang dry sauna. Buti na lamang at may dry sauna rito sa Metropolis na pwedeng pansamantalang tirhan. Magastos nga lang dahil sa pagkain. Wala naman kasing lutuan sa dry sauna na pwede mo gamitin para paglutuan.
"Hindi ka pa ba babalik sa trabaho mo? Baka pagalitan ka." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya kaya agad-agad kong iniwan ang gamit ko sa kanya at bumalik sa opisina. Tumigil na rin ang buhos ng ulan pero madilim pa rin ang langit kaya mukhang may susunod pa.
Tumatakbo ako habang nakalagay sa aking ulo ang bag pansalag sa ulan dahil umaambon na naman nang makarating ako sa SGC.
Hinahabol ko ang paghinga ko nang makapasok ako sa loob. Nakayuko pa ako habang hinahabol ang paghinga.
"Okay ka lang?" tanong sa akin ni Sir Justine. Tumango ako.
"Sir, nandito na si Willow. Papupuntahin ko po ba sa office niyo?"
Bahagyang kumunot ang noo ko sa sinabi ni Sir Justine. Pinapahanap ba ako ni sir? Hindi ba alam niyang nagpunta ako sa courier para doon sa package niyang pinapahatid sa akin?
"Saan ka ba galing at basang-basa ka? Jusko ghorl! Nakakaloka ka! Pati ako natataranta sa'yo!"
Sinamahan ako ni Sir Justine sa pantry para uminom ng kape. Pinahirap niya rin ako ng maliit na towel para tuyuin ang buhok ko. Galing iyon sa locker niya.
Kinuwento ko sa kanya ang nangyari dahil kanina pa niya ako tinatanong kung anong nangyari sa akin. Kaya sinabi ko lahat mula umpisa hanggang kanina. Hindi ko lang binanggit iyong sa dry sauna dahil ang awkward naman kung sabihin ko 'yon.
"Kaya naman pala ang tagal mo! Natataranta ako sa'yo dahil minu-minuto akong tinatawagan ni Sir Alaric at tinatanong kung nandito ka na ba sa opisina!"
Magrereak sana ako sa sinabi niya nang pumasok ang lalaking kasalukuyan namin pinag-uusapan. Pareho tuloy kaming napatahimik dalawa lalo na nang tumingin ito ng seryoso sa amin.
Wala siyang sinabi na kahit na ano at tinitigan lang kaming dalawa bago tumalikod at lumabas na ng pantry.
Okay?
What was that?
BINABASA MO ANG
The Secretary (Presidential Series II)
RomanceDaily update on Dreame starting March 1, 2022 Scarlett Willow Vermont is looking for her long-lost older brother. She got to the point where she applied to the company as secretary where her older brother worked and pretended to be a man. She was v...