Chapter 20

47 3 0
                                    

Chapter 20

Pumunta si Ulysses sa isang bar na pagmamay-ari ng isa sa mga pinakaklilalang hepe sa Metropolis na si Jose Ariola. Ayon sa ibinigay ni Lucci sa kanyang impormasyon ay dito niya malalaman kung sino ang mga dadalo sa isang party kung saan ang halos may malalaking pangalan ay makakapunta.

Ang goal ni Ulysses ay makakuha ng karagdagang impormasyon tungkol sa salu-salong ‘yon. Ayon din sa intel na ipinadala niya upang magmatyag ay hindi isang basta salu-salo ang magaganap dahil ang lahat ng aatend sa sinabing party ay may maaaring may madidilim na koneksyon sa hinahabol nilang sindikato at iyon ang bagay na kailangan niya kumpirmahin.

Ngunit hindi niya alam kung paano iyon gagawin. Kulang ang background na ibinigay sa kanya ng kanyang intel na inutusan upang magmatyag at dahil nga roon ay nahihirapan siya kung saan magsisimula. May pailan-ilan na siyang tao na sinusubaybayan at ilan na nga dito ang mga tauhan ng mga kilalang tao na aatend ng salu-salong iyon pero kulang ang mga ‘yon para magawang tagpi-tagpiin ang mga bagay. Pakiramdam niya ay may mas malalim pa siyang dapat malaman ngunit hindi niya alam kung paano iyon gagawin.

Sa isang sulok sa bar ay may nakita siyang babae na nakaupo at nag-iisa. Pamilyar ang babaeng ‘yon sa kanya. Secretary iyon ni Mayor Mijares. Si James Mijares o kilala sa tawag na Mayor Mijares ay ang mayor sa norte. Kilala siya bilang mayor na maraming natutulungang mga tao pero syempre ay peke iyon. Lahat naman ata ng mga tumatakbong opisyales sa bansa ay may tinatagong baho at hindi na bago roon si Mijares. Bali-balita na may ginagawa itong madidilim na transaksyon sa isang hindi kilalang sindikato ngunit hindi iyon napatunayan kaya tinantanan na siya ng mga pulisya.

Pero hindi katulad ng mga pulis na yon si Ulysses. He knew better. Kaya nangf makita niya ang sekretarya nitong si Isabelle ay hindi siya nagdalawang-isip na kausapin ito na may mapanuksong ngiti sa labi.

“Paano mo nalaman na si Mijares ang pupunta sa salu-salong iyon?” nakakunot-noo niyang tanong dito.

Kakapasok niya lang sa opisina nang biglang dumating si Ulysses at nagreport ng mga ginawa niya ukol sa misyon. Marami siyang nalaman tungkol sa pamilyang Mijares lalo na sa James Mijares na ‘yon na kasalukuyang nilalason ang utak ng mga mamayan na kanyang sinasakupan sa norte. Napailing na lamang siya dahil sa mga nalaman niya. Talaga palang kapag usapang political na ay walang pamilya na maituturing dahil pupwede ka nila pagtaksilan o traydurin ng wala sa oras para sa posisyon at kayamanan na maaari nilang makuha.

 “I talked to his secretary,” nakangiting wika ni Ulysses sa kanya.

Bumuntong-hininga si Alaric at napailing s akanyang isipan. Alam niyang hindi lang basta talk ang nangyari.

“Darating ang kaarawan ni Mayor Mijares sa katapusan. We need to get an invitation for his birthday party upang makaatend sa salu-salong iyon,” wika ni Ulysses na siyang sinang-ayunan naman ni Alaric.  

“Sino nga pala ang kliyente?” tanong ni Alaric sa kanya. Inutusan niya si Ulysses na siya ang makipagkita sa kliyente noong gabing ‘yon dahil may importante siyang kailangan asikasuhin. Isang mala-demonyong ngisi ang pinakawalan ni Ulysses sa kanyang labi na bihira nito makita.

“Ang nakatatandang kapatid ni James Mijares, si Albert Mijares.”

Hindi diretsang nakipagkita si Albert Mijares sa kanya o sa isa sa mga intel na ipinadala niya upang magmatyag. Ang tauhan nito mismo ang nagpadala ng mensahe sa intel niya at pati na rin kay Lucci. Natatakot si Albert na may makakita sa kanyang tauhan ni James dahil pupwede iyon pagmulan ng gulo kung kaya’t inutusan niya ang tauhan niya na dalhin ang mensaheng gusto nito sabihin. Natatakot siyang ipapatay siya ng sarili niyang kapatid kung kaya’t nanahimik siya at ngayong nakahanap na siya ng pagkakataon ay handa na niyang isiwalat lahat.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 31, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Secretary (Presidential Series II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon