Chapter 16

27 2 2
                                    

Chapter 16

Katulad nga ng sabi ni Sir Alaric kanina ay bumalik na kami sa office. Kaagad niyang kinuha ang first aid kit at pinaupo ako sa sofa para gamutin ang aking pisngi at ang dumugo kong labi. Kinabahan pa nga ako dahil pinagtinginan kami ng mga empleyado. Kahit si Sir Christian ay nagtaka nang makita akong kasama si sir papasok ng SGC. Hindi lang din iyon ang isa pang dahilan kung bakit ako kinakabahan. Hawak-hawak kasi ni Sir Alaric ang kamay ko noong mga oras na ‘yon at grabe kami kung pagtinginan kami ng mga tao.
Nahihiya ako sa kung paano sila tumingin sa amin kaya pilit kong tinatanggal ang kamay ko sa kanya kaya lang wala nga namang masama roon lalo na at kung pareho namang lalaki. Paniguradong abnormal lang ang mag-iisip ng malisya kung ganoon nga. Kaya lang ulit, hindi naman ako lalaki. Nagpapanggap lang ako. Tapos sa tuwing pilit kong tatanggalin ang kamay ko kay sir ay tumitingin siya sa akin ng masama kaya wala akong magawa.
“Let me see your cheeks,” utos niya sa akin. Dahan-dahan akong humarap sa kanya upang mas makita niya ng maayos ang namamaga kong pisngi. Kumuha siya ng yelo at dahan-dahan na itinapal iyon sa akin dahilan para makaramdam ako ng onting kirot.
“Does it hurt?” tanong niyang muli sa akin. Tumango ako sa kanya ng dahan-dahan. Narinig ko na naman ang pag-tsk niya dahil sa sagot ko. Hindi ko tuloy alam kung dapat ba hindi ko sinagot o hindi dahil parang lalo lamang siyang nainis sa nalaman niya.
Inilapag niya ang ice cube sa lamesa at saka naman kinuha ang ointment para sa labi ko. Nilinisan niya pa ang labi ko gamit ang betadine bago lagyan ng ointment ang sugat ko. Medyo kinabahan pa nga ako dahil nakakaintimidate talaga si sir kahit saang anggulo tignan.
Pero aaminin kong medyo nabawasan ang takot na nararamdaman ko sa kanya. Hindi naman lingid sa kaalaman ko kung anong mga pinagsasabi nila kay sir sa internet at sa mga masasamang kumentong mga tao sa mga balita na lumalabas tungkol sa kanya. At halos mapaniwala ako roon dahil na rin sa nangyari sa akin noong unang pagpasok ko rito. Mabuti na nga lang din at tinulungan ako ni Mrs. Jang na makabalik at kumbinsihin si sir na gawin na lang akong secretary imbes na bodyguard.
Buong akala ko ay katulad talaga siya ng mga sinasabi sa internet na kung anu-ano, buti na lang at ipinaliwanag sa akin ni Mrs. Jang kung bakit siya ganoon. Sinunod ko rin ang sinabi niya na subukan ko pa siyang kilalanin para mas maging maayos ang pagtatrabaho ko sa kanya at makuha ang tiwala niya nang tuluyan. At masasabi ko nga na malayong-malayo ang mga sinasabi ng mga tao sa internet tungkol sa kanya.
Yes. He’s harsh but he has a soft side din naman at iyon ang ipinakita niya sa akin ngayon. Pakiramdam ko ay parang mas nakilala ko pa si sir ng mabuti ngayon na naging dahilan kung bakit nabawasan ang takot na naramdaman ko sa kanya.
Pagkatapos niya ako lagyan ng gamot sa labi ay doon na ako napaiwas ng tingin dahil napansin ko ang mariin nitong pagkakatitig sa akin na tila binabasa ang nasa isipan ko. Alam kong may sasabihin siya pero naputol iyon dahil biglang pumasok si Ulysses sa loob ng office na walang katok-katok na nangyayari.
“Ala— “Oops. Am I disturbing something?” nakangising wika ni Ulysses. Kaagad naman akong napalayo kay sir sa sinabi niya habang si Sir Alaric naman ay tumayo at bumalik na sa kanyang swivel chair.
Sabi nila, ayaw ni sir na hindi muna kumakatok at basta-basta na lang pumapasok sa loob ng office. Iyon din ang ipinaliwanag sa akin ni Mrs. Jang noong unang araw ko bilang sekretarya ni sir kaya palagi muna akong kumakatok. Kaya lang napapansin ko na mukhang walang kaso iyon kapag si Ulysses na ang gumagawa. Minsan nga ay nakikita ko pa kung paano niya akbayan si sir nang walang kahirap-hirap. Mahahalata ang closeness sa dalawa kapag inobserbahan sila ng mabuti.
“Stop making assumptions, Ulysses,” masungit na sagot nito. Tumawa lang si Ulysses at lumapit sa akin bago ako akbayan na siyang ikinagulat at medyo ikinailang ko. Hindi lang doon natapos dahil katulad ni sir ay tinignan niya rin ng mabuti ang mukha ko. Syempre dahil sa labis na pagkailang ay lumayo ako sa kanya ng kaonti dahilan para matawa siya sa akin.
“And stay away from him, will you?” nakakunot-noo na wika ni Sir Alaric sa kanya.  Natatawang sinunod iyon ni Ulysses ang sinabi nito pero nagpahabol pa siya ng bulong sa akin.
“Ang sungit niya no?” Hindi na ako nakareak sa sinabi ni Ulysses dahil nagsalita na si Sir Alaric. Mukhang seryoso rin kasi ang sasabihin niya dahil hindi niya naman ako pananatilihin dito sa office niya kung hindi.
“Let’s get back to work. I haven’t told him the main purpose of that test,” wika ni Sir Alaric na siyang ikinalingon ko. Kung ganoon ay tama rin ako sa iniisip ko kanina pa. Imposibleng ititest ako ni Sir Alaric ng basta-basta kung walang purpose iyon. Alam kong ilang beses ko na napatunayan sa kanya na karapat-dapat ako sa posisyon bilang secretary niya but being loyal to him is a different case lalo na at pinakidnap pa niya ako.
“The main purpose of this test is to test you if you are going to leak information about what I’ve talked with Augustus,” wika niya. “Pero hindi ka nagsalita kung kaya’t nakapasa ka sa test na ‘yon.”
“Hindi ko maintindihan, sir. Hindi ba kasama naman sa protocol na talagang lahat ng nangyayari sa opisina ay confidential? Bakit kailangan pa ako i-test sa ganoong lagay?” tanong ko sa kanya.
“We’re a security company and sometimes, we have to deal with some private clients at night. Kaonti lang ang nakakaalam no’n sa kumpanya dahil pupwede iyon na makaabot sa publiko na siyang iniiwasan namin ni Alaric,” wika naman ni Ulysses dahilan para mapatingin ako sa kanya.
“Private clients at night?” tanong ko sa kanila. Tumango naman siya sa akin. Tumingin ako kay Sir Alaric upang mas mapaliwanag niya ng mabuti iyon. “May mga kliyente ako na ayaw nilang malaman ng iba na kailangan ng serbisyo ko dahil pupwedeng magmitsa iyon ng gulo. Kapag nangyari ‘yon ay pwede nila tayo targetin kaya sa tuwing kailangan nila ng serbisyo ng kumpanya ay may mga ilan lang akong taong ipinapadala para roon. Minsan ay nakikipagkita ako sa kanila kasama si Ulysses.”
“Hindi ito ipinaliwanag ng matandang ‘yon dahil sabi niya ay dapat ako ang magpaliwanag pero eto talaga ang isa mo pang trabaho bukod sa pag-aayos ng mga files at kung anu-ano pa rito sa opisina,” wika ni Sir Alaric.
Bigla kong na-alala ang sinabi ni Mrs. Jang sa akin noong unang araw ko rito. May sinabi siya na kinakailangan ko tulungan si Sir Alaric sa kahit anong oras na kailanganin niya ako. Mukhang eto na nga iyong bagay na tinutukoy niya.
“Sir, sabi niyo hindi tayo malabong malagay sa alanganin ang buhay natin dahil sa mga kliyente na ganoon dahil nga pagmumulan ng gulo, bakit patuloy pa rin kayo sa pagtanggap?” tanong ko sa kanya. Gusto kong maintindihan kung bakit ganoon dahil hindi man niya sabihin ay paniguradong delikado ang mga ‘yon. Hindi na rin ako magtataka kung may nakaalam na dahil sa maraming nagtatangka sa buhay ni sir. Patunay din na may mga nagbabanta na sa kanya dahil sa minsan na siyang inatake noong unang araw ko rito.
“We’re trying to destroy an organization. That’s our original plan but we cannot start if we don’t have any lead. Sa mga kliyenteng nakakausap ko ay napatunayan kong may mga koneksyon sila roon sa organisasyon na pilit kong pinapabagsak,” wika niya.
“Anong meron sa organisasyon na ‘yon at pilit niyong pinapabagsak? Pwede naman tayong umiwas na lang sa gulo kung ganoon para matigil na rin angh mga nagtatangka sa buhay niyo.”
“Kung madali lang sana iyon, matagal na naming ginawa ni Alaric, Will. We tried to save ourselves from harm pero sadyang threat ang tingin ng organisasyon na ‘yon sa mga Samaniego lalo na kay Alaric. We tried to run from them but we became tired of running away. Dahil para saan pa ang pagtakbo kung patuloy lang naman kaming hahabulin kaya mas pinili naming harapin ito. Afterall, wala namang mangyayari kung tatakbuhan namin iyon dahil gusto nilang mamatay mismo si Alaric,” mahabang paliwanag ni Ulysses sa akin.
Sa mga narinig ko ay pakumplikado ng pakumplikado ang mga bagay na sinasabi nila. Kaya naman parang napakamisteryoso ng SGC ay dahil meron palang ganito.
“Are you still up for the job?” tanong ni Sir Alaric sa akin.  “Maiintindihan namin kung aayaw ka sa trabaho mo dahil hindi ka naman nainform kaagad. Ito rin ang isa sa mga dahilan kung bakit hindi ako tumatanggap ng secretary pero ininsist ng matandang ‘yon na tanggapin ka at bigyan ng probation. Napatunayan mo naman ang sarili mo kaya sinasabi ko ‘to sa’yo ngayon,” mahabang paliwanag niya.
“Mapapaalis po ba ako kung hindi ko tatanggapin?” tanong ko sa kanya. Tumango naman siya sa akin kaya sa huli ay napabuntong-hininga ako. “Kung ganoon ay tinatanggap ko po ang trabaho na ‘yan.”
“Hindi ka ba natatakot na mamatay?” tanong sa akin ni Sir Alaric.
Sa totoo lang ay takot ako. Kahit nga kanina na tinutukan ako ng kutsilyo ay nanginig na ako sa takot at parang hindi na makahinga. Pero hindi iyon sapat na dahilan para umatras ako. At isa pa, alang-alang din ito sa paghahanap ko sa kapatid ko. Ang isa pang dahilan ay hindi ko rin pupwede sayangin ang pagpapanggap ko. Nakarating na ako rito kaya walang dahilan para hindi ko tanggapin ang tunay kong trabaho.
“I am afraid of dying, Sir. But I don’t think it is enough reason to back out,” nakangiting wika ko habang nakatitig sa mga mata niya. Nakita ko ang bahagyang pagkagulat nito at pagkatapos ay tumalikod na sa akin na siyang ipinagtaka ko.
“We will start your training tomorrow after work.”
“Training?” takang tanong ko sa kanya. Lumingon sa akin si Sir Alaric at itinuon ang magkabilang braso sa table. “Yes. You need a physical training so you can defend yourself from them. It’s the first requirement that you should do if you really want to do this job,” wika niya.
Napatango na lang ako sa sinabi niya. May point naman siya. Kulang talaga ako sa training at walang alam sa pagdepensa sa sarili. Kung gusto ko talaga ‘to ay dapat nga na sumailalim ako sa ganoon pero sino naman kayang kasama ko sa pagtitraining? Hindi ba kung physical training ‘yon ay dapat by partner?
“Don’t tell this to anyone. Kaonting tao lang ang nakakaalam ng mga sinabi ko. Kapag may nakaalam ay pwede silang targetin ng mga tagalabas,” paalala sa akin ni Sir Alaric. Muli akong tumango roon. Mukhang confident naman si sir na hindi ko nga sasabihin dahil sa nangyari kanina at isa pa, wala talaga akong balak na ipaalam kahit kanino dahil ayokong ipahamak sila.
“Okay, sir.”
“Pwede ka ng bumalik sa trabaho mo,” sabi ni Sir Alaric. Tumango ako sa kanya at naglakad na palabas ng office niya. Sa wakas ay natapos na rin. Ang daming nangyari sa araw na ito pero hindi pa rin tapos ang trabaho ko. May kinakailangan pa ako tapusin kaya bumalik na ako sa desk ko nang makita ko si Sir Christian na nakatingin sa akin ngayon na may mapagdudang tingin.
“Bakit kayo magkaholding-hands ni Sir kanina?” tanong niya pagkalapit sa akin. Nagpaliwanag naman ako sa kanya at nagdahilan ng kaonti dahil hindi nga niya pwede malaman ang mga sinabi ni sir sa akin.
“Grabe! Kilig na kilig kaya ako noong makita ko kayong magkaholding-hands!” wika niya sa akin. “Baliw ka talaga, Sir Christian. Bakit ka naman kikiligin sa aming dalawa?”
“Wala lang. Masama ba? Hindi k aba kinikilig kay Sir Alaric? Ang gwapo niya kaya!” malanding wika niya naman na ikinailing ko na lang. Alam ko namang gwapo si sir pero hindi iyon sapat na dahilan para pagpantasyahan ko ang sarili kong boss. Naniniwala kasi akong pwede makaapekto ‘yon sa trabaho kaya hindi ko ginagawa. Pero totoo rin naman ang sinabi nila na walang masama kung magkacrush ka sa sarili mong boss.
“May girlfriend iyong tao kaya bakit ako kikiligin? Alam kong gwapo si sir pero hindi iyon sapat na dahilan para kiligin ako sa kanya,” wika ko. May nabasa ako na dapat nakaseparate ang personal na buhay sa trabaho dahil kung hindi ay maaaring pwede sila maapektuhan.
“Ang pangit mo naman kabonding, Will. Bakit kailangan mo ipaalala sa akin na may girlfriend ang ating gwapong boss?” nakasimangot na wika ni Sir Christian sa akin.
“Ewan ko sa’yo. Bumalik ka na nga sa trabaho mo. Hindi pa ako tapos mag-email,” wika ko sa kanya. “Bago ako bumalik, napano iyang pisngi mo at nagdugo ang labi mo?” tanong niya sa akin. Bigla naman akong nataranta sa sinabi niya dahil wala pa akong naiisip na idadahilan sa kanya.
“Napaaway kasi ako kanina,” sagot ko sa kanya. “Pero okay na ang lahat kaya huwag ka ng mag-alala,” wika ko sa kanya.
“Sigurado ka? Baka kailangan mo ng resbak? Marunong naman ako sumabunot at manampal na may kasamang tadyak,” sabi niya na tuluyang nagpatawa sa akin.
“Bumalik ka na roon,” wika ko sa kanya. Pero hindi pa rin siya bumabalik dahil nakatingin siya sa office ni Sir Alaric. May malaki kasing bintana sa office niya kung saan nakatapat ang table ko. Kitang-kita tuloy si Sir Alaric sa loob dahil walang blind curtains na nakalagay dahil pinalinis iyon sa janitor.
Mukhang walang masyadong ginagawa si Sir Alaric ngayon dahil nakaupo lang siya sa kanyang swivel chair at tila may binabasa. Medyo kinabahan pa nga kaming dalawa ni Sir Christian dahil akala namin ay mapapansin kami ni sir na pinapanood siya mula rito dahil bigla na lang siyang tumayo. Nagtungo siya sa kaliwang pader ng kanyang office at inayos ang tabinging wall picture na nakalagay sa office niya. Hindi naman masyadong tabingi iyon pero inayos niya pa rin.
“Buti, hindi ka naiistress kay Sir Alaric? NapakaOC pa naman niya,” wika ni Sir Christian. Medyo napansin ko nga iyon pero okay lang naman sa akin dahil ganoon din naman si Lili.
“Hindi naman kasi ganoon din naman ang kaibigan kong si Lili. Super linis niya sa bahay at ayaw ng magulo,” sagot ko sa kanya.
May sasabihin pa dapat si Sir Christian nang magkagulatan kami dahil nakita namin si Sir Alaric na nakatingin dito sa amin ngayon at nakakunot ng bahagya ang noo. Halos pagpawisan kami dahil doon. Lalo pang lumala ‘yon nang marinig ko ang tunog ng telepono sa aking desk.
Kaagad naman na bumalik si Sir Christian sa departamento niya habang ako ay sinagot ko naman ang tinawag ni Sir Alaric na puno pa rin ng kaba.
“Hel—“Come to my office,” wika niya at pagkatapos ay binabaan na ako ng telepono. Napabuntong-hininga ako at inihanda ang sarili sa matinding sermon niya sa akin.
Pumasok ako ng dahan-dahan sa loob ng opisina matapos ko kumatok ng tatlong beses.
“Bakit po sir?” tanong ko sa kanya ng nakayuko. “Why are you looking on the floor? Wala sa sahig ang kausap mo kundi sa harap mo mismo.”
“S-Sorry po sir,” tarantang wika ko at pagkatapos ay tumingin sa kanya. Ilang segundo naman siyang nanahimik at pagkatapos ay muling nagsalita. “Have you eat your lunch?” tanong niya sa akin.
“H-Hindi pa po.”
“Why?”

“Tapos na po ang lunch break, Sir,” sagot ko sa kanya. Sa kasamaang palad ay nang makabalik kami galing sa warehouse ay isang oras na ang nakakalipas simula nang matapos ang lunch break kaya gustuhin ko man kumain ay hindi na ako nakakain dahil oras na ng trabaho.
“Eat with me,” wika niya na ikinagulat ko. Tama ba ako ng narinig o nabingi na naman ako dahil sa mga nangyari kanina?
“A-Ano po?”
“I said let’s go out.” 

The Secretary (Presidential Series II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon