Chapter 04

126 3 0
                                    

Chapter 04

Pumasok ako sa opisina ni Sir Alaric para ibigay iyong ipinabibigay sa kanya ng HR. Sa katunayan nga, si Sir Justine dapat ang pupunta mismo sa opisina pero marami pa itong ginagawa kaya hindi niya ito mapuntahan. Bukod doon, medyo rush din dahil kailangan iyong pirma ni Sir Al doon sa documents. Kaya si Sir Justine na ang nagpakiusap sa akin na ako na lang ang magpapirma tutal ako naman ang secretary niya.

Tumikhim ako nang makalapit ako kay sir. Sandali niya akong tinignan. Nginitian ko siya pero wala akong natanggap na kahit anong reaksyon mula sa kanya.

Mabilis kong ibinigay sa kanya iyong documents na pinapapirmahan sa akin ni Sir Justine.

Naalala ko na naman ang nangyari kahapon. Ayokong sundin iyong sinasabi ng instinct ko lalo na at hindi ko pa naman masyadong kilala si Sir Alaric.

Maraming nagsasabi na walang pakialam si Sir Alaric sa mga nagiging empleyado niya. Ang sabi pa ng iba ay ginagawa nito ang kahit anong gusto niya na hindi inaalala ang nararamdaman ng iba. Pero pakiramdam ko ay hindi iyon totoo.

Kung hindi siya nag-aalala sa mga empleyado kagaya ng sabi ng iba, hindi niya siguro aabalahin si Sir Justine na tawagan at tanungin kung nakabalik na ako.

People misunderstood him because of the way he talks. Nakalimutan na ata ng tao na mas klarong sagot ang actions kesa sa purong salita lamang.

Napakurap-kurap ako nang ilahad na niya sa akin pabalik ang dokumentong pinapapirmahan ko sa kanya. Umangat ang tingin niya sa akin nang mapansin niya na hindi ko pa ito kinukuha.

"Kukunin mo ba o hindi?"

Doon ko lang naintindihan ang sinasabi niya kaya mabilis kong kinuha iyon.

"Come with me later. I have a meeting. I need my secretary there."

Tumango ako at saka lumabas na ng kanyang opisina. Nagmamadali akong tumakbo ng HR Department para ibigay kay Sir Justine ang pinapapirmahan niya. Hindi naman ako nahirapan na hanapin siya dahil nandoon siya sa table niya at nakaupo habang nakaharap sa kanyang laptop.

Bumalik ako sa pantry para ipagtimpla si sir ng kape. Mamayang alas-dos pa ang meeting niya. May ilang oras pa ako para kumain ng lunch at tapusin iyong ibang pinapagawa niya.

Pumatak ang alas-dos ng hapon. Kumaripas ako ng takbo sa opisina para sabihan siya na nandoon na lahat ng tao sa board room. Ito ang unang beses na makakapunta ako sa isang meeting kaya hindi ko alam kung ano ang mangyayari roon.

"Sir, nasa board room na po sila."

Isang matipid na tango ang isinagot sa akin ni Sir Alaric. Tinitigan ko siya. Binitbit niya ang suitcase niya at saka naglakad papunta sa pinto, palabas ng kanyang opisina nang tawagin ko siya.

Kinunotan niya ako ng noo. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya habang kinakabahan. Nanginginig akong inabot ang hindi maayos na pagkakatali ng kanyang necktie at inayos iyon.

Sa bawat pag-aayos ko ay ramdam na ramdam ko ang pagkakatitig niya sa akin na para bang binabantayan ang bawat kilos ko. Para tuloy akong hindi makahinga kaya binilisan ko ang pag-aayos ng kanyang necktie. Nang matapos ko iyon ay saka ako umatras bago inagaw sa kanya ang dala-dalang suitcase.

Nauna siyang lumabas ng opisina habang ako ay nakamasid at nakasunod lang sa kanya. Nandoon na lahat ng major investors sa loob ng board room nang pumasok kami ni Sir Alaric doon. Syempre kahit ito ang unang beses na makaatend ako ng ganitong meeting ay nagresearch din naman ako kahit paano para may alam ako.

"Let's begin," rinig kong sabi ni Sir Alaric sa kanila. Pito ang bilang ng taong nasa board room, kasama na roon si Sir Al na ngayon ay nakaupo sa pinakadulo habang pinapakinggan ang nagsasalita sa unahan.

The Secretary (Presidential Series II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon