Chapter 17

38 3 0
                                    

Chapter 17

Halos magulantang ako sa sinabi ni Sir Alaric at hindi makapaniwala sa aking narinig. Nakatitig pa rin siya sa akin habang ako ay punong-puno ng gulat na ekspresyon sa aking mukha.
Kumunot ang noo niya sa akin.

“What’s with the reaction? We’re just going out to eat lunch. It’s not like I’m going out to eat lunch with the woman I like and besides you’re a man,” wika niya sa akin. Para ngang diniinan pa niya iyong salitang man para mahimasmasan ako sa naiisip ko kanina. Kung sabagay ay lalaki nga naman talaga ako kapag nasa office kaya bakit ako nakakaisip ng mga ganoong bagay na parang yinayaya niya ako makipagdate?

Gusto ko sabunutan tuloy ang aking sarili. Eto ang napapala ko sa pakikinig ko kay Sir Christian eh! Kung anu-ano na tuloy ang iniisip ko dahil sa kakasabi niya ng mga weird na bagay na itinatanim niya sa utak ko.

“Hindi po ba sila mag-iisip ng masama sa atin? Baka isipin po kasi nila na may favoritism kayo, Sir,” paliwanag ko sa kanya.

“Let them think what they want. I don’t care about those things. And besides you know why I am doing this right? I am just rewarding you because you passed the test, nothing else,” sagot niya sa akin. Doon ako tuluyang napatahimik at napatitig na naman sa kanya. “Kung wala ka ng problema ay baka pwede na tayong umalis dahil nagugutom na ako,” dagdag pa niya. Tumango naman ako at binitbit na ang gamit ko. Sabay kaming lumabas ni Sir Alaric sa office at lumabas ng tuluyan sa SGC. Syempre nasa amin na naman ang tingin ng mga tao. Pero sabi nga ni Sir Alaric ay wala siyang pakialam sa iniisip ng iba dahil alam namin pareho ang totoo kung bakit kami magsasabay kumain ngayon. Siguro iniisip din ni sir na kahit magpaliwanag pa kami ay hindi sila maniniwala. Kung sabagay, sa kung paano pa lang nila kami titigan ay tiyak na kung anu-ano na ang iniisip nila ngayon.

Eh di ayun nga, sumakay kami sa sasakyan niya at nagtungo sa isang Japanese restaurant na malapit lang dito sa office. Pagkatapos namin magtungo roon sa restaurant ay dumeretso na kaming dalawa naman sa mall dahil may bibilhin daw siya.

Maraming tao sa mall kung kaya’t ganoon na lang ang pagtataka ko na hindi namin kasama si Zevron sa pagpasok sa loob samantalang siya iyong naghatid sa amin sa mall. Itatanong ko sana kaya lang sa dami ng tao ay nahuhuli ako sa paglalakad. Ang laki kasing tao ni sir tapos ang haba pa ng biyas niya. Iyong dalawang hakbang ko, isang hakbang pa lang niya.

Napapansin niya siguro na nahuhuli ako kung kaya’t tumigil siya sa paglalakad at hinawakan ang kamay ko. “Faster, slowpoke,” masungit na wika niya sa akin.

Normal lang ba talaga na hawakan ng isang CEO ang kamay ng empleyado niya? Feeling ko may mali na rito pero baka sabihin naman ni sir ay masyado na akong malisosyo dahil kung anu-ano na naman ang iniisip ko. Siya na rin nagsabi kanina na hindi naman date ‘to kundi isang reward sa akin dahil nakapasa ako sa test niya. Inemphasize niya pa nga kanina na lalaki ako kaya ako lang talaga etong nag-iisip ng kung anu-ano. Baka kapag nalaman niya na binibigyan ko ng kung anu-anong meaning ang ginagawa niya ay baka hindi na niya ulit ako tratuhin ng maayos. Ayaw ko pa naman ng ganoon at saka pakiramdam ko kasi mas nakikilala ko pa si sir ng mabuti.

Habang naglalakad kaming dalawa sa mall ay may nakita akong ice cream shop. Mukhang masarap dahil maraming bumibili roon. Napansin siguro ni Sir Alaric kung saan ako nakatingin kaya tumigil siya sa paglalakad. “Gusto mo ba no’n?”
“Ahh— “Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil hinila na niya ako roon sa mismong ice cream shop. “Anong flavor ang gusto mo?”

“Strawberry,” sagot ko sa kanya.

Bumili siya ng ice crean. Ako lang ang binilhan niya no’n. Mukhang hindi siya mahilig sa ice cream at sa mga matatamis na pagkain dahil hindi ko siya nakitang kumain ng mga ganoon. Mukhang pangkape lang talaga si sir.
Sobrang sarap noong ice cream kaya napasarap ang kain ko. Medyo nakakahiya pa nga dahil ang kalat ko kumain. Binitawan niya na rin ang kamay ko kanina pero sinasabayan niya ako maglakad. Sinabayan niya iyong pacing ko kahit na alam kong mabilis siya maglakad.

The Secretary (Presidential Series II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon