Chapter 12
"WALA KA PA RIN nahahanap na impormasyon tungkol sa kanya?" tanong ni Alaric sa kabilang linya.
"Wala pa rin pero marami na akong nakalap na impormasyon tungkol sa sindikatong hinahanap mo, Al." sagot naman nito.
"Kung ganoon ay bumalik ka na muna rito. We need to rethink our plan, Uly," seryosong sagot niya.
"Okay. Babalik na ako bukas."
Bumuntong-hininga si Alaric pagkatapos ng pag-uusap na 'yon. Dalawang buwan na ang nakakalipas pero wala pa rin siyang nahahanap na impormasyon kung nasaan na ang kaibigan na si Knight. Si Knight ay nagtatrabaho rin sa kanya noon. Naging matalik silang magkakaibigan nila Ulysses at hindi na mapaghiwalay. Kaya lang nang ipadala niya si Knight para sirain ang isang sindikatong banta sa kanyang pamilya lalo na sa kanya ay hindi na ito bumalik pa. Halos ilang taon na rin ang nakakalipas nang mangyari iyon at hanggang ngayon ay wala pa rin siyang nakikitang trace kay Knight.
Ayaw niya sana ipadala si Ulysses sa paghahanap kay Knight dahil alam niyang delikado. Kung tama ang hinala niya na nakuha ng sindikato si Knight ay magiging delikado iyon para kay Ulysses. Kaya lang katulad niya ay gusto niya rin mahanap ang kaibigan kaya wala siyang choice kundi pumayag sa gusto nito.
Sinubukan niyang humingi ng tulong sa kanyang magulang pero hindi siya nito pinakinggan kaya ganoon na lang ang pagsasarili niya simula nang manahin niya ang kumpanya. Kung hindi siya nito tutulungan ay gagawa siya ng paraan para mahanap si Knight. Afterall, he is his best friend.
Habang nagtatype sa kanyang laptop ay napatingin siya roon sa kanyang mga files na nasa lamesa. Maayos iyon. Mukhang inayos ng kanyang sekretarya ang mga files niya. Matagal na rin simula nang may mag-ayos sa kanyang table dahil sa tambak na mga papeles kaya ganoon na lang ang galit niya nang makita niya si Willow sa akto.
Akala niya ay nangingialam ito ng gamit pero nang ipaliwanag sa kanya ni Trevor, ang kanyang matalinong pamangkin ay doon siya nalinawan. He didn't mean to get mad at him. Hindi naman siya masisisi dahil huling-huli niya si Willow na nangingialam sa mesa niya na pinakaayaw niya.
Inaamin niyang wala siyang tiwala rito kaya ganoon na lang ang pagdududa niya. Kahit sa mga tao sa opisina ay hindi niya rin magawang magtiwala. Tanging si Ulysses lang na matagal na niyang kasama ang tiwala siya dahil kilala niya ito. He knew that Ulysses will never betray him. Pero iba si Willow.
Tama nga ang kanyang auntie. Mukhang nakahanap na nga siya ng katapat niya dahil kahit ipinaparamdam na niya na wala siyang tiwala rito ay hindi ito sumusuko. He hates to admit it but he's getting used to it now. He's getting used on the warm presence he never felt before.
Bigla niya tuloy naalala ang naabutan niyang eksena sa labas ng kanyang building. Nakita niya si Willow na pumapagitna sa isang babae at lalaki na nag-aaway. Ayaw naman niya sana mangialam at balak lang sana ito lampasan pero hindi niya alam kung anong pumasok sa utak niya at mas pinili niyang manood sa kanilang tatlo.
He doesn't need to ask what's happening to the three of them. Sapat na ang nakita niya para malaman niyang nangialam ito sa away ng isang lalaki at babae. Napansin niya rin ang pagtawag ng Lilienne ng binata sa dalaga kung kaya't nalaman niya na kilala niya ang nag-aaway.
"Sir? Hindi pa po ba tayo uuwi?" tanong ni Kleen sa kanya. Isa sa mga tumatayong all-around niyang bodyguard.
Hindi sumagot si Alaric sa kanya bagkus ay nakatingin pa rin siya sa tatlo at pinapanood ito mula sa kalayuan. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya at yayain na sana si Kleen papunta sa sasakyan para umuwi na nang mapansin niya ang ginawa ng lalaki sa kanyang secretary. Kumunot ang noo niya roon. Mas lalo pang kumunot ang noo niya nang makita nito ang takot sa mga mata ni Willow kaya nang tatangkain na sana noong lalaki na sampalin si Willow ay bigla siyang kumaripas ng lakad at hinarang ang pgtangkang pananakit dito.
![](https://img.wattpad.com/cover/210140611-288-k480963.jpg)
BINABASA MO ANG
The Secretary (Presidential Series II)
RomanceDaily update on Dreame starting March 1, 2022 Scarlett Willow Vermont is looking for her long-lost older brother. She got to the point where she applied to the company as secretary where her older brother worked and pretended to be a man. She was v...