Chapter 14
"Sir, siguradong okay lang po na mawala si Ma'am Rodriguez sa atin?" tanong ko sa kanya habang ramdam na ramdam pa rin ang kabog ng dibdib ko dahil sa nangyari. Hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala na iniwan na lang namin basta si Ma'am Queenie roon kahit na isa siyang kliyente. Nagwala tuloy siya sa loob ng lounge room pagkatapos ng sinabi ni sir sa kanya at umalis na may kasamang pagdadabog.
Nandito kami ngayon sa loob ng opisina niya matapos ang nangyari. Nakaupo siya sa kanyang swivel chair habang nakasuot ng salamin. Nakatutok siya sa kanayang laptop na para bang may seryoso siyang binabasa. Hawak niya rin ang kanyang paboritong ballpen sa kaliwang kamay at nilalaro iyon ng paikot-ikot.
"Yeah. She's not that important client anyway," wika niya sa akin. Nanahimik ako dahil parang hindi naman totoo iyon. Parang sinabi niya lang para hindi na ako mag-alala pa.
"Anyway, Augustus will come here later for an afternoon meeting. Ready the board room later," wika niya sa akin na ikinatango ko na lang.
Lalabas na sana ako sa opisina nang magsalita siya. Hindi niya man direkta akong tinawag pero alam kong para sa akin iyon kung kaya't napangiti ako ng malawak. "Next time, don't push yourself too hard."
Umalis ako sa office niya na may ngiti sa labi. Bumalik na ako sa kanina kong ginagawa nang lumapit sa akin si Sir Christian. "Kamusta ka Willow? Ayos ka lang ba?" tanong niya sa akin. Tumango naman ako at ngumiti. "Okay lang ako. Wala namang nangyaring masama sa akin."
"Hay! Sabi ko na at mapapahamak ka roon sa babaeng 'yon eh. Mabuti na lang at nagbago ang isip ni sir at tuluyan na siyang naban dito sa opisina. Iritang-irita na kasi talaga ako sa ugali ng babaeng 'yon," reklamo niya at saka pinalo ako sa braso ng bahagya.
"Anong sabi ni Sir Alaric sa'yo? Sana hindi niya na-misinterpret ang sitwasyon mo," nag-aalalang wika niya sa akin. "Hindi naman. Wala nga siyang sinabi eh at mukhang wala siyang pakialam kay Ma'am Rodriguez kahit na malaki pa siyang kliyente."
"Kung sabagay, pinrotektahan ka niya kanina. I can't quite imagine him blocking himself, so you don't get wet."
Hindi ako nakasagot. Sa totoo lang ay hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko tungkol doon. Kahit ako ay nagulat nang makita na siya ang humarang para hindi ako mabasa. Kung tutuusin nga ay kinabahan ako sa ginawa na 'yon ni Ma'am Queenie. Dahil kapag nabasa ang damit ko ay tiyak na makikita iyong breast tape na ikinakabit ko sa aking sarili. Kapag nangyari 'yon ay malalaman nang lahat ang tunay kong kasarian.
"Kinabahan ka no?" tanong niya sa akin. Ang kaninang nakangiti niyang mukha ay nanumbalik sa pagkaseryoso. "Sa susunod ay mag-iingat ka, Will. Alam mo naman siguro na ako lang ang nakakaalam ng sikreto mo."
"Alam ko naman 'yon. Hindi ko lang inaasahan na sasabuyan niya ako ng juice. Mabuti na lang at biglang sumulpot si sir kanina," paliwanag ko.
"Para nga akong nanonood ng kdrama kanina dahil sa inyong dalawa. Kung hindi ka lang magaling sa pagpapanggap ay iisipin ko na alam kaagad ni Sir Alaric na babae ka kaya niya ginawa 'yon," wika niya pa. Bigla tuloy akong kinabahan sa sinabi niya dahil nga wala namang dahilan para gawin niya ang bagay na 'yon. Pero wala rin naman akong matandaan na gumawa ako ng bagay para malaman niyang babae ako at isa pa, kung alam niya ay dapat wala na nga ako rito. Dapat noong una pa lang ay naharang na ako kaagad.
"Mabuti na lang at hindi dahil natitiyak akong wala ka na dito kaagad ngayon kung alam niya ang tungkol sa'yo," dagdag pa niya.
Totoo iyon. Hindi nga malabong mapatalsik ako agad-agad kapag nalaman iyon ni sir. Kaya nagpapasalamat ako na humarang siya kanina sa akin. Ginawa niya lang siguro talaga ang bagay na 'yon out of concern. Kung ako siguro rin naman ang boss ng isang kumpanya ay baka ganoon din ang gawin ko dahil hindi ko matitiis na makita ang sarili kong empleyado na inaapi ng iba. Hindi man halata sa kanya ay alam kong may pakialam din naman siya sa mga empleyado niya at sa mga gulong nangyayari sa kanila.
BINABASA MO ANG
The Secretary (Presidential Series II)
RomanceDaily update on Dreame starting March 1, 2022 Scarlett Willow Vermont is looking for her long-lost older brother. She got to the point where she applied to the company as secretary where her older brother worked and pretended to be a man. She was v...