Chapter 11
"Talaga bang nag-good morning sa atin si Sir kanina?" tanong ni Sir Christian sa akin. Kasalukuyan na kaming nagla-lunch ngayon dito sa cafeteria. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makaget-over sa pagbati sa amin ni Sir Alaric ng good morning dahil sa ilang taon niyangh pagtatrabaho rito ay ito ang unang beses na narinig niyang bumati si sir.
"Maganda siguro ang gising ni Sir kanina," sagot ko sa kanya. Umiling siya sa akin. Ginalaw niya pa ang hintuturo niya na parang hindi sumasang-ayon sa sinabi ko. "No. Diyan ka nagkakamali, Willow. Kahit maganda pa ang mood ni Sir, hindi ko siya narinig na bumati ng ganoon. Something happened. And I am sure it's because of Ms. Aleandra," wika niya sa akin.
"Ms. Aleandra? Iyong personal doctor ng Sir?" takang-tanong ko sa kanya. Tumango siya sa akin. "Hindi mo ba alam? She's the rumored girlfriend of Sir Alaric kaya ganoon na lang ang close noong dalawa."
"Actually, hindi lang siya personal doctor ni Sir kundi personal na doktor nitong kumpanya," dagdag pa niyang wika sa akin. "That two is very close to each other at sobrang lakas ng chemistry na mayroon silang dalawa. Maraming nagsasabi na may relasyon sila pero patago lang kaya walang napapatunayan. Ayaw kasi ni Sir ng office-romance," sagot niya naman sa akin.
Kung ganoon pala ay may namamagitan sa kanila ni sir. Kaya pala ganoon na lang ang pag-aalala sa kanyang mukha nang makita niyang duguan ang braso ni sir dahil sa tama ng baril. Mabuti na lang at hindi siya nagalit sa akin at mukhang kalmado pa nang makita niya sa ganoong kalagayan si sir.
Tama naman si sir sa sinabi niya na malaki nga ang chemistry nilang dalawa ni sir. Kahit ako ay napansin 'yon. Kung ganoon nga ay baka nga tama si Sir Christian sa mga sinasabi niya ngayon sa akin na may relasyon silang dalawa.
Pagkatapos ng tsikahan namin na 'yon ni Sir Christian ay bumalik na ako sa office. Nakita ko naman ang isang pamilyar na mukha na pumasok sa office ni sir. Naningkit ang mata ko at pinakatitigan ito ng makita kung sigurado ba ako sa nakita ko.
Si Grey ba 'yon?
Umiling ako. Baka namamalikmata lang ako kaya lang parang siya talaga 'yon eh. Kaso kung siya 'yon, ano naman ang ginagawa niya rito? Nagtatrabaho ba siya rito? Patay ako kung ganoon!
Pinilit kong iwaglit ang utak ko at ayusin ang mga pinapaayos ni sir kaya lang kailangan ko dalhan si sir ng pagkain kaya pumunta ako sa pantry at pinaghandaan siya ng kanyang lunch na may kasama rin kape dahil iyon ang napapansin kong palagi niyang inuutos sa akin.
Pagkatapoos ko ihanda ang kanyang lunch ay saka ako pumunta sa kanyang office. Kumatok muna ako syempre at saka pumasok sa loob.
"Wala pa rin akong up— "Natigil ang sinasabi ng kausap niya dahil sa ginawa kong pagpasok. At tama nga ako dahil si Grey nga ang kausap niya. Pareho silang nakatingin sa akin ngayon nang pumasok ako. Mukhang dito nga rin siya nagtatrabaho dahil may ID siyang nakasuot sa kanyang leeg. Ang pagkakaiba lang ay ang kanyang suot dahil hindi ito nakasuot ng uniform.
"What do you want?" tanong ni Sir Alaric habang nakakunot ang noo. Kaagad naman akong napabalikwas at dali-daling pumunta sa kanya. Inilapag ko ang kanyang lunch sa mesa pati na rin iyong kape.
"May bago kang secretary?" tanong ni Grey. Tumingin naman ako sa kanya pagkatanong niya no'n. Napansin ko ang pagkakatitig niya sa akin kaya kinabahan ako. Alam kong nakasuot ako no'n ng pambabae kaya alam kong hindi niya ako mamumukhaan ngayon pero kinakabahan pa rin ako.
"Yeah. Bago lang siya," sagot niya naman rito.
"Akala ko ba ay bodyguard ang kinuha mo dahil wala nga ako?" natatawang tanong ni Grey sa kanya. "He's not good on using guns so I made him my secretary instead," sagot niya naman dito.
BINABASA MO ANG
The Secretary (Presidential Series II)
RomanceDaily update on Dreame starting March 1, 2022 Scarlett Willow Vermont is looking for her long-lost older brother. She got to the point where she applied to the company as secretary where her older brother worked and pretended to be a man. She was v...