Chapter 19
ILANG ARAW ang nakalipas ay dumating na ang lunes. As usual ay nakapangsuot na naman ng lalaki si Willow. Maaga siyang pumasok sa kanyang trabaho at iniwan si Lili na natutulog sa kwarto. Bago tuluyang umalis ay muli niyang tsinek ang buong unit at siniguradong naka-lock lahat ng pupwede i-lock. Nang matsek na niya lahat ay pumasok na siya.
Binati siya ni Sir Christian ng ‘Good morning’ matapos siyang makita nito.Kaagad naman na hinawakan nito ang kanyang kanang kamay kung saan nakasuot ang relo. “Ang ganda naman ng regalo mo, Mars. Saan galing?” tanong nito.
“Ahh… Eh… bigay sa akin ng kakil— “Hindi na natuloy ni Willo ang sasabihin dahil biglang dumating Alaric kasama si Ulysses dahilan para mapatigil sila ni Sir Christian sa pag-uusap. Sabay nilang binati ng ‘Good morning’ ang dalawa. As usual si Ulysses lang ang bumati pabalik habang si Alaric ay walang imik.
“Mamaya na tayo mag-usap, Sir. Kailangan ko timplahan ng kape si Sir Alaric eh,” wika ni Willow at saka kumaripas ng takbo sa pantry. Nagtimpla siya ng kape at saka inihanda ang biscuit.
Pumasok siya sa office ni Alaric na dala ang mga pagkaing hinanda niya. Naabutan pa niya na nag-uusap ng masinsinan ang dalawa at natigil lamang iyon nang pumasok siya. Halatang seryoso dahil ayaw nilang iparinig ang pag-uusap nila sa kanya o sa ibang tao.
“Willow,” tawag ni Alaric sa kanya. Lumingon naman siya rito. Nakita pa niya si Ulysses na kumuha ng biscuit sa hinanda niyang pagkain. “Don’t forget that your training will start today. Ititrain ka ni Ulysses mamaya pagkatapos ng trabaho.”
“Okay sir.”
Maagang natapos ang trabaho nila kung kaya’t nagsiuwian na ang mga ito ngunit kailangan magpaiwan ni Willow dahil ngayon ang training niya.
“Will, hindi ka pa ba uuwi?”
“Hihintayin ko pa si Sir eh at saka may tinatapos pa ako,” dahilan niya kay Sir Christian. Bahagya naman siyang tinitigan nito at pinaningkitan ng mata pero sa huli ay tumango rin.
“Sige. Mag-iingat ka,” wika ni Sir Christian sa kanya.
Pagkaalis na pagkaalis ni Sir Christian ay dumeretso si Willow sa office ng Alaric upang doon na maghintay. Sabay-sabay silang pupuntang tatlo sa underground facility nitong SGC na tanging sila lang ang may access.
“Sir, nakaalis na po silang lahat,” wika ni Willow sa kanya na siyang ikinatango na lamang nito. Maya-maya ay tumayo na si Alaric mula sa pagkakaupo nito at nag-ayos na ng gamit.
“Let’s go. Nasa baba na si Ulysses,” wika niya. Dali-dali namang sumunod si Willow sa kanya. Sumakay sila sa elevator. Kinuha ni Alaric ang ID niya sa kanyang wallet at iniscan sa may scanner sa elevator. Biglang lumabas sa may taas ang fifth floor UG na hindi niya alam na nag-eexist pala ‘yon.
“Kaming dalawa lang ni Ulysses ang may access sa elevator. Iyong mga kasamahan sa misyon ay iba ang way ng access nila na makukuha mo rin pagkatapos mo magtrain ng isang linggo,” paliwanag nito sa kanya.
Pagkalipas ng ilang minuto ay bumukas na ang pinto sa elevator. Naglakad sila papasok sa isang mahabang hallway at pagkatapos ay may panibagong pintuan na naman silang nakita. May inenter si Alaric na passcode at awtomatikong bumukas ‘yon.
Nakita ni Willow sila Zevron na nakasuot ng sando at ng pantalon habang nag-iisparring ng suntukan kasama si Lucci na nasa ring. Kumunot ang noo ni Willow dahil doon. Sa pagkakatanda niya ay si Lucci ang personal na bodyguard ng lolo ni Alaric na si Sir Ambrose.
“Yes. Lucci is one of us pero minsan lang siya ipadala sa misyon dahil ang kaligtasan ni lolo ang iniisip ko,” sagot ni Alaric nang mapansin niya ang labis na pagtataka ni Willow nang makita niya si Lucci na nasa ring ngayon at nakikipagsuntukan kay Zevron.
BINABASA MO ANG
The Secretary (Presidential Series II)
RomanceDaily update on Dreame starting March 1, 2022 Scarlett Willow Vermont is looking for her long-lost older brother. She got to the point where she applied to the company as secretary where her older brother worked and pretended to be a man. She was v...