Kabanata 13

233 9 2
                                    

Kabanata 13

Job

Author's Note:

Sa mga babyloves ko diyan na naeenjoy basahin to at talagang nagagandahan (kung meron man XD), isuggest niyo naman siya sa mga friends niyo na basahin rin siya. :) Thank you sa patuloy na pagsusuporta!

[JEAN'S POV]

"Kuya bayad po." sabi ko pagkababa ko sa tricycle.

Papasok na ako ngayon sa school. Monday na naman kasi. De bale patapos na rin naman ang school year kaya hayahay na! Party! Party!

"Wala ka bang barya diyan iha?" sabi manong driver habang nagkakamot ng ulo.

"Wala po eh. Akin na po muna, papabaryahan ko lang po saglit." Kinuha ko na yung 100 ko at pinabaryahan sa tindahan nila Kevin.

Bigla ko tuloy naalala yung una naming pagkikita.

Nandiyan kaya siya?

Naglakad na ako papunta doon.

"Pabarya po." sabi ko.

Ay sayang wala siya.

"Okay. Wait lang iha." Tumango lang ako sa mama ata ni Kevin to. Siya rin yung nakita ko last time eh.

Napatingin ako bigla sa isang papel na nakapaskil. Nakasulay doon sa papel na nangangailangan sila ng isang saleslady.

Napaisip ako bigla. Tutal magsasummer na naman at wala akong mapagkakaabalahan. Bakit hindi ko subukang mag-apply diba? Ayos lang naman maging tindera kesa tumunganga ako sa bahay.

Author:
Asus. Ang dami mong pasikot-sikot. May hidden agenda ka lang eh. Yieeeee.

Kahit kailan talaga tong author na to laging nanglalaglag.

Oo na! Ang main reason kaya gusto kong mag-apply ay dahil sa magkakaroon ako ng chance na masilayan ang kagwapuhan ni Kevin ko araw-araw.

Sana talaga may available pa to.

"Heto na iha." Kinuha ko naman agad iyon.

"Ahm..pwede pong magtanong?"

"Ano yun?"

"Available pa po ba tong nakasulat dito? Magbabakasali lang po sana ako kung meron pa." Nginitian niya ako ng may pagtataka.

"Sigurado ka ba diyan iha? Hindi ka naman mukhang mahirap. Kutis-mayaman ka nga eh. At tsaka malaki-laki tong tindahan kaya paniguradong mapapagod ka sa dami ng bumibili."

"So..wala pa po kayong nakukuha?" Parang gusto kong tumalon-talon sa saya.

"Wala pa. Kakapaskil ko lang niyan. Uuwi kasi akong probinsiya sa 1st week ng April kaya pinapahanapan ni ma'am Cathy ng papalit pansamantala. Babalik din naman ako sa May katapusan." Mahabang paliwanag niya sakin.

So it means kasama niyang uuwi si Kevin? Edi wala rin pala to. Nanlumo ako bigla. Pero baka naman hindi kasama diba? Matanong na nga lang.

"Ahm..kasama niyo po bang uuwi sa probinsiya yung anak niyo?" Wala na tong hiya-hiya.

"Iha yung bayad mo nga pala?" Nilingon ko yung nagsalita.

Nagulat ako nang nakalapit na pala sa akin si manong driver. Nahiya tuloy ako sa kanya bigla. Inabot ko na yung bayad ko at humingi ng pasensiya. Ibinaling ko ulit ang tingin ko kay mama ni Kevin.

"Sinong anak iha? Nasa probinsiya lahat ng anak ko kaya nga uuwi ako doon para bisitahin sila." Huh? Ano daw?

"Yung matangkad po na gwapo na kulay brown ang buhok, mapupungay ang mga mata na may pagkabrown din, may mahahabang pilikmata tapos po yung labi niya mamula-mula. Yung mukhang Fil-Am." sabi ko. Nakangiti at mukhang aliw na aliw siya sa akin habang nagsasalita ako. Bakit?

EIGHT-INCH GAPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon