Simula
Standards
Pagkahinto ng tricycle sa terminal ay bumaba na kaagad ako. Kinuha ko ang wallet ko mula sa bulsa ng palda ko at mula roon ay inilabas ko ang isang daan. Nakalimutan kong pabaryahan kanina kay mama sa kakamadali ko. Sana lang may pambarya sila nito.
"Kuya, bayad po" sabi ko sa driver ng tricycle sabay lahad ng isang daan.
Kinuha niya ang isang daan at tiningnan ako. Bakas sa mukha niya ang iritasyon.
"Wala ka bang barya diyan ineng? Kakabiyahe ko lang kaya wala pa akong panukli" aniya na may bahid na inis.
"Wala po e. Sige papabaryahan ko po muna saglit" sabi ko sabay kuha ng isang daan mula sa kanya.
"Sige pakibilisan lang a" sabi niya.
"Opo"
Kapag minamalas ka nga naman o.
Mas lalo pa tuloy akong malelate ngayon.
Tinawid ko ang kalsada at naglakad patungo sa puting grocery store.
"Ate pabarya po" sabi ko dun sa tinderang nakatalikod na abala sa pagbubukas ng mga kahon at pag-aayos sa mga paninda mula roon.
"Anak pumarito ka muna at may inaasikaso ako. May nagpapabarya dito" tawag niya sa anak niya.
Mula sa kulay asul na kurtina ay lumabas ang isang lalaking matangkad na nakayuko habang abala sa kanyang cellphone.
Hindi maipagkakailang may itsura ang lalaki kahit na nakayuko ito. Matangkad ito at sa hula niya ay nasa 5"7 or 5"8 ang taas nito.
Well, not her type. Masyadong matangkad ito kumpara sa kanya at magmumukha lang silang magkapatid. She only stands five flat, no more no less.
"Pabarya po" sabi ko. Nilingon ko sa kabilang banda ang tricycle na naghihintay sa pagbalik ko. Bakas sa mukha nito ang pagkainip.
Wait lang manong, wait.
"Miss" aniya. Ibinalik ko ang tingin ko sa harapan ng magsalita ang tindero.
Sa tangkad nito ay ang dibdib nito ang bumungad sa kanya. Nakahubad na ang pang-ibabaw na damit nito marahil sa init ng panahon. Hinubad niya siguro ang damit niya habang nasa trycicle driver ang atensyon ko kanina. Sa hula ko ay sagana ito sa ehersisyo dahil sa ganda ng hubog ng dibdib nito.
May abs kaya siya?
She hated her own thought.
Now is not the time to think about uh... hot things.
Fifteen minutes na siyang late at hindi siya sigurado kung papapasukin pa siya ng guard. Sabagay hindi naman ganun kahigpit sa paaralan nila.
Inalis ko na ang tingin sa dibdib ng lalaki. Iniangat ko na patungo sa mukha nito.
Wrong move, Jean.
Mas lalo pa yata akong nadistract sa lalaki.
The guy is illegally beautiful!
Mukhang kakagaling lang ng isang ito sa Mt. Olympus. I wonder if sino siya sa mga nasabing Greek Gods.
Parang biglang tumigil ang mundo ko.
My heartbeat is not in its normal rate.
I felt something unusual in my stomach, ito na yata yung butterflies na sinasabi sa mga nababasa kong kwento sa wattpad.
Hindi naman ito ang unang beses na nakakita siya ng gwapong lalaki but this is the first time she felt something different.
All I want to do now is to stare at him.
Ang ganda ng mga mata niyang kulay brown pero light lang. Kakulay nito ang bawat hibla ng buhok niya. Nakadagdag pa sa ganda nito ang kanyang mahahabang pilikmata.
Sobrang tangos ng ilong niya.
Maganda ang korte ng labi niya, manipis, mapula at mukhang kailanman ay hindi ito natuyo. Hindi rin nakaligtas sa mata ko ang nunal sa kanang ibaba ng labi niya.
Ang buong mukha niya ay makinis. Mahihiya ang pimples o kung ano pa man na tumubo.
Stop it, Jean!
Para akong nahipnotismo ng taong nasa harap ko at hindi ko na mapakinggan ang sarili ko.
How can he be this beautiful?
Hindi rin maitatagong may lahi itong banyaga.
"Miss bibili ka ba o tititig na lang?" may tonong pagkainip ang boses niya pero hindi ko pinansin iyon.
Pati ang boses niya ay maganda sa pandinig! Wala yatang hindi maganda sa lalaking ito. Straight siya magtagalog na salungat sa mukha niyang banyaga. Akala ko nga dudugo ang ilong ko kapag nagsalita siya e.
"Hey!" Pumalakpak siya ng isang beses at doon na ako bumalik sa katinuan.
Nakakabaliw pala ang isang to.
"A-ano nga ulit yun?" sabi ko at inalis ang tingin sa mukha niya.
Nautal pa ako!Ngayon naman ay hindi ko na makuha pang tingnan siya. Paniguradong pulang-pula na ang mukha ko ngayon.
It's too obvious that you're drooling in front of him, Jean! Nakakahiya ka.
Gusto ko ng maglahong parang bula ngayon.
"Anong bibilhin mo? Nagsi-COC kasi ako" sabi niya at inis akong tiningnan.
Ano nga bang bibilhin ko?
"Ikaw" biglang kumunot ang noo niya.
Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto ko kung ano ang lumabas sa bibig ko.
"I'm not for sale. Anyway, you made my day" he said and then he burst out laughing.
"A-ano. Uhm. M-magpapabarya ako" sabi ko na hiyang-hiyang iniabot sa kanya ang isang daan.
Tumigil siya sa pagtawa. Kinuha naman niya ang isang daan at tumalikod na sa akin para baryahan ang pera ko.
"Here" sabi niya sabay abot sa akin ng apat na tigbebente at apat na tiglilima. "Next time bumalik ka, malay mo pwede na akong bilhin" dagdag pa niya sabay tumawa ulit.
Hindi ko nalang pinansin ang sinabi niya at nagmadali ng umalis doon. Sobrang kahihiyan na ang ginawa ko.
Sumulyap muli ako sa kaniya na ngayon ay papasok na muli sa kurtina nila. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa mawala na siya sa paningin ko.
Tumakbo na ako papunta kay manong na inip na inip na. Inabot ko na sa kaniya ang sampung piso. Susuklian niya pa sana ako ng tatlong piso ngunit ang sabi ko ay huwag na. Nakakahiya naman kasi sa kaniya. Pinaghintay ko pa tuloy siya ng matagal.
Naglakad ako patungo sa aming paaralan na hindi naaalis sa isip ko ang mukha ng gwapong lalaki.
It seems like she'll be breaking her standards when it comes to men.

BINABASA MO ANG
EIGHT-INCH GAP
Teen FictionIsa sa ayaw ni Jeanette na katangian ng isang lalaki ay iyong lalaking malaki ang height gap sa kanya. The reason is she only stands five flat. Pero nang makilala niya si Kevin, isang gwapong lalaki na walong pulgada ang tangkad sa kanya ay nakalim...