Kabanata 10

216 9 1
                                        

Kabanata 10

Dance

"Ang ganda ganda mo te! Kabog!" Puri ni Ernesto sa akin.

Nandito kami ngayon sa bahay at sinusundo nila akong dalawa ni Ericka para sabay-sabay na kaming pupunta sa grad. ball.

"Maganda din naman si Ericka eh." Tumawa si Ericka.

"Narinig mo yun Tony? Ako lang ang isinama ni Jean sa kagandahan. Di ka pala maganda. Hahaha." Napasimangot si Tony.

"Syempre gwapo siya ngayon kaya Ernesto ang itawag natin sa kanya ngayon. Nahiya naman yung tuxedo niya sa kanya kung kikilos siya ng pambabae. Hahaha." Mas lalo siyang napasimangot.

"Che! Mga bruha talaga kayo! Pag akey nakapaggown, talbog yang beauty niyong dalawa!" Nagtawanan kami ni Ericka.

"Ang tanong makakapaggown ka ba? Magpakalaki ka nalang muna ngayon. Hahaha." Ericka.

"Ikaw ang escort naming dalawa ngayon ni Ericka. Di ba?" sabi ko at nag-apir kaming dalawa ni Ericka sabay nagtawanan.

Ang bait naming kaibigan no? Hindi kami bully. XD

"Oh? Bat nakasimangot ka naman iho? Sayang ang kaguwapuhan." sabi ni mama na biglang sumulpot sa harapan namin kaya lalo kaming nagtawanan ni Ericka. Hindi na tuloy maipinta yung mukha ni Ernesto.

Sa totoo lang, gwapo naman talaga tong si Ernesto. Sayang nga dahil naging kafederation pa ni Bebe Gandanghari.

"Tita pati ba naman ikaw mambubully sakin? Kinawawa na nga ng dalawang to yung beauty ko eh." Nagpapaawa effect ang bruha kay mama.

"O siya ikaw na ang pinakamaganda." Tuwang-tuwa na ang baklita pero agad ding napawi iyon nang may sinabi ulit si mama. "Yun ay kung wala sila." Napahagalpak na naman kami ng tawa.

"Biro lang iho." sabi ni mama sabay tapik sa likod niya.

"Correction tita, it's iha I-H-A! Diba mas bagay?" Hay. Wala na talagang pag-asa tong kaibigan namin.

"O siya sige mga iha magsialis na kayo baka malate pa kayo." sabi ni mama.

"Mas ayos yun tita, center of attraction! Hahaha. Sige bye tita." Ericka.

"Bye tita." Ernesto.

"Bye ma." sabi ko at humalik sa pisngi niya.

"Sige. Enjoy kayo." At yun nga lumabas na kami. Sasakyan pala ni Ernesto ang sasakyan namin papuntang venue. May driver na kasama kasi nga bawal pa siyang magmaneho dahil wala pa siyang lisensya.

"Basta Jean regalo mo na sakin last dance mo." sabi ni Mark.

Nasa venue na kami. Yung dalawang bruha nasa assigned table na sa section nila. Hindi nga kasi kaming tatlo magkasection.

"Birthday mo pala ngayon Mark? Hindi mo naman sinabi, hindi tuloy kita nabati." Nagtawanan yung mga kaibigan niya. Alam ko namang hindi niya birthday. Medyo naiilang kasi ako.

"Boom basag! Hahaha." Gabriel. Nakitawa na rin ako. Napakamot ng ulo si Mark.

"Biro lang Mark. Sure, why not?" Nginitian ko siya.

"Thanks Jean." Nginitian niya din ako.

"Yun oh! Paburger ka mamaya Mark!" Kylie

"Burger! Burger!" Sabay-sabay na sabi ng mga kaklase ko.

"Tama na sa inyo ang tig-iisang pandesal! Hahaha." Mark.

"Oh my gosh! Jeanette! Jeanette!" Nilingon ko ang nagtititiling si Ericka na tumatakbo papalapit sakin. Take note, nakaheels pa siya niyan at nakagown pa. A round of applause for her. Nilapitan ko nalang siya. Ako yung naaawa sa pinaggagawa niya.

EIGHT-INCH GAPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon